Date Under The City Lights

692 43 8
                                    


Chapter 37





__


Limang oras na pero di parin sya nagigising. Pero diko naman inabala ang pag tulog nya sa halip nahiga ako sa tabi nya at pinanood sya.

Napa ngiti ako lalo pa tuwing mapag tatanto na di panaginip ito. Nandito talaga sya sa tabi ko.

Siguro idea nya na yung di pag sagot ng tawag ko at mukhang planado nya na ang lahat bago pa ako pumunta rito.

Niyakap ko sya ng mahigpit kasi tuwing gagawin ito parang napupuno ng init ang puso ko.

Hinaplos ko ang pisngi nya habang nag hihilik sya. Napagod yata sya kaya kahit di sya nag hihilik eh ang ingay nya ngayon.

"I'm so happy that you're here, honey ko" Marahan ko pang hinalikan ang labi nya.

Lumabas ako ng kwarto maya maya at naisip na magpa room service ng pagkain para kapag nagising si Danielle pwede na syang kumain.

Naisip kong mag hanap ng pag tataguan ng singsing. Hindi pwede sa maleta ko dahil sure na gagalawin nya rin yon. Pero baka kapag itinago ko ito sa mga cup boards, hindi ko na ito ma alala at maiwan ko pa rito.

Nag pabalik balik ako sa kwarto at tinignan kung saan ko ito pwedeng ilagay sa ngayon, ng mag ring yung doorbell.

Kaagad kong binuksan, akala ko kasi dumating na yung room service kahit pa parang napaka bilis. Pero si Quinn ang sumalubong sakin.

"Quinn? May kailangan ka?" Itinaas nya yung take out bag na hawak nya.

"Naisip kong dalhan ka nito. Ito ang pinaka masarap na burger dito. Pwede pumasok?" Bago pa ako maka sagot naka pasok na sya.

"Quinn listen, may mali ba akong signal na ipinarating sayo?" Natawa sya at naupo sa sofa.

Nilingon ko yung kwarto kung nasaan si Danielle. Understanding sya oo, pero may hangganan iyon. Lalo pa kapag mali ang gising nya.

"Wala naman, gusto kolang na makilala ka. Madalas ka kasing i kwento ni sir. Kaya curious ako pagdating sayo" Naka hinga ako, at mukhang wala naman palang problema.

"Salamat" Marami syang burger na binili at ng mag simula syang kumain na shock ako sa laki ng mga kagat nya.

"Narinig kong out and proud ka? May girlfriend kaba ngayon?" Kaagad akong tumango.

"Actually nandyan sya" Lumaki ang mga mata nya.

"Seryoso?"

"Yeah kadarating nya lang kanina. Maalala ko, pwede mo bang paki tabi ito? Alam kong dipa tayo ganoon ka close pero diko sure kung saan itatabi yan. Lalo pa't tiyak na malalaman nya kapag hawak ko" Inabot ko sa kanya yung kahita ng singsing.

"Woah, mag pro propose kana?" Tinakpan ko ang bibig nya.

"Shh, not at this moment. Naghahanap pa ako ng lakas ng loob" Binitawan ko sya.

"I can't believe this" Tinignan nya yung singsing. Proud ako sa design at itsura noon.

Pabulong kaming nag usap sa takot ko ring magising si Danielle ng biglaan. Ayokong mang away sya. Sure kasing iyon ang gagawin nya.

"Wait nandyan na yata yung room service" Iniwan ko sya sandali ng may mag doorbell. Nag pasalamat naman ako sa lalaking may tulak tulak na trolley. "Thanks, I can take it from here" Ngumiti lang naman sya at hinayaan na ako.

Papasok habang tulak tulak ko itong pagkain ay sya namang pag labas ni Danielle na nag hihikab. Kaagad nyang binuklat yung nasa trolly.

"I'm hungry, honey" Hinalikan ko ang pisngi nya. Naka yakap rin sya sa likuran ko habang papunta kami sa salas.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon