Flirty Drunk

1.3K 57 1
                                    



Chapter 6









__

Tumatagaktak na ang pawis sa noo at batok ko, lahat ng pwedeng pawisan sakin pinawisan na, pero malayo pa ang dapat kong lakarin habang dala lahat ng gamit ni Danielle pati na yung foldable chair nya.

Bakit kasi sa tuktok pa ng bundok nila naisip na mag take? Hindi ba pwede sa kapatagan?

Tapos napaka dilim pa ng langit di yata sila nag iisip at ngayon pa nila ito naisip gayong maybagyo yatang padating.

Sandali akong sumandal sa malaking puno ng mahilo ako sa init. Pangalawang araw ko palang ito sa pagiging alalay nya pero parang kukunin na ako ng langit.

Na realize ko ring napaka hina ng katawan ko, ilang minuto palang kasi akong nag lalakad hinihingal na ako. Pinagyayabang ko pa naman dati kay Jordan na ang lakas lakas ko.

Siguro sampung minuto pa akong nag lakad at muntik himatayin sa init, ng maabot ko kung saan sila susunod na mag shu shoot. Nakita ko si Danielle na nakikipag tawanan doon sa co star nya, hindi naman ako nag komento bago lumapit at nag set up ng bangkuan nya.

Inabutan ko rin sya ng tubig na inagaw ko doon sa ipinamimigay ng staff kanina. Nakita ko yung pag i struggle nya sa pagbubukas ng mineral bottle kaya inagaw ko na ito sa kanya at binuksan, di yata sya nag e exercise kaya ang hina nya.

"Bago nanaman ang PA mo?" Komento ng lalaki, diko sya kilala pero kanina napansin kong napakaraming nagpapa picture kasama sya.

"Ah yeah, incompetent yung last time kaya tinanggal ko na" Kumuha ako sa bag nya ng bimpo at inabot ng makitang nag sisimula ng pawisan ang noo nya.

"Bakit binuhat nya pa yung mga gamit mo? Di nyo nalang sinabay doon sa Van?" Kumunot noo ako habang naka lingon kay Danielle na may ngisi nanaman.

"Gusto nya raw ng exercise eh" Napa nganga ako ng makita yung Van na tinutukoy ng lalaki.

Hindi ko alam kung maiinis dahil binuhat ko pa talaga lahat ng gamit nya kung pwede naman itong isakay sa sasakyan. Talagang nananadya itong babae na ito.

Huminga ako ng malalim at pinilit kumalma, gusto ko syang sakalin pero hindi ako ganoon pinalaki ng mama ko at hindi ako tutulad sa kanya na napaka bayolente.

Ilang minuto akong nagkaroon ng pagkakataong maka upo ng kunan ang scene nya. Iyon yung mga segundo ng kalayaan ko kasi pag di sya uma arte napakarami nyang inuutos sakin.

"Bago ka lang?" Tanong ng isang babae sakin. May pink syang highlights.

"Oo" Naupo sya sa tabi ko.

"PA ka ni Maldita? Fawn nga pala" Kahit na alam kong si Danielle ang tinu tukoy nya di ako natuwa sa narinig. Diko alam kung bakit, kung sa totoo lang tama naman sya na maldita si Danielle. Anak pa nga sya ng kadiliman sa utak ko eh.

"Hmm? Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi sya at kumindat.

"Lahat ng PA nya iyon ang tawag sa kanya. Kaya okay lang, di kita isusumbong. Talaga namang masama ang ugali nya eh. Walang may gusto sa kanya, lalong lalo na yang si Direk inis sa ugali nya" Di parin yon tama sa pandinig ko.

"Ganoon ba?" Tumango sya.

"Alam mo ba kung di lang sya galing sa mayamang pamilya tiyak akong matagal ng pinulot sa kangkungan yan. Wala syang respeto sa tao. Para bang di tumatapak sa lupa yung mga paa nya. Akala mo kumakain sya ng ginto at rainbow yung dinudumi nya" Natawa ako sa huling sinabi nya.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon