Contentment

1.1K 58 4
                                    


Chapter 31






__



Hinilot ko ang sentido habang pina pakinggan mag salita ang daddy ni Danielle, personal nya akong pinuntahan dito sa penthouse ng anak nya para daw maka usap.

Pina unlakan ko sya kahit pa tutol doon si Danielle, ilang beses nya pang sinabi na day off namin at di namin dapat iniisip ang trabaho pero makulit ang tatay nya.

Para din tong bata na nag de demand ng atensyon at nag tatanong kung ano raw ang balak kong gawin sa kompanya nila. Kailan daw ba ako a attend ng board meeting.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kasi nag usap naman na kami ni daddy na gagawin kolang yon kapag tapos na yung trabaho ko.

Iba nga lang ang pag iisip ng tatay ni Danielle kaya sumasakit ang ulo ko ngayon. Napakarami nyang sinasabi na di ma comprehend ng utak ko at parang sinasadya nya iyon. Dahil mas komplikadong mga salita pa ang sinasabi nya na tumutunaw sa mga brain cells ko.

"Yung budget allocation para sa construction nung pang apat na planta ay pinag meeting-an ng board kahapon at kailangan nalang ang pirma nyo dito" Kukunin ko na ang ballpen para pumirma nalang ng pigilan ako ni Danielle.

"Not so fast dad, kilala kita. We'll review this then if papasa sa kanya doon lang namin ibibigay ang signature nya. Okay? Meron pa bang iba?" Nakita ko yung pagtatagis ng bagang ng tatay nya.

"Pwede bang for once maging mabuting anak ka, Danielle? Wag kang maki sali sa pinag uusapan namin. Just sit there and look pretty" Nag proceed nanaman ang lalaki sa pag papaliwanag ng funds daw na ilalagay naman nila sa medical ng mga employees at plano raw nila iyong taasan na dapat ko nalang pirmahan.

Pero pinigilan nanaman sya ni Danielle, binitawan ko ang ballpen ng umiling sya ng ilang beses. Kinuha nya rin yung mga folders na hawak ng tatay nya at ipinatong sa tabi namin.

"We'll read everything thoroughly before signing anything. Dipa ba malinaw iyon? Malay ba namin kung ang pini pirmahan nya dyan ay yung mapunta na sa inyo yung biggest shares ng kompanya. Dad,you're not the only one here using your brain." Namula ang matandang lalaki para syang tren na umuusok.

"You're getting on my nerves. Hindi na ako natutuwa sayo, to think na anak kita" Ngumiti ng matamis si Danielle, dina sya nagpakita ng kahit anong emosyon bago nya i escort palabas ang tatay nya.

Napa higa ako sa sofa, hinilot ko rin ang sentido ng maramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko. Pumikit ako at di na muna sya pinansin.

"Walang gagawing maganda yon. Sure ako na may masama syang motibo" Pabulong na sabi nya ng kunin ang mga folder na dapat kong pirmahan.

"Ano namang gagawin nya?" Dumapa sya sa tabi ko at nag basa.

"Hmm, I just know that we can't trust him. Wag kang mag alala ipapabasa ko ito kay Tatiana at ise send ko kay tito para di tayo magkamali" Tukoy nya sa daddy ko at abogado nya.

"Magiging katrabaho ko sila. Iniisip palang dina ako natutuwa" Turan ko.

"Yeah, always remember na foxes yung mga yon. Ang laging nasa utak nila ay maka isa. So, be very observant if yung dating galit sayo ay bigla nalang babait" Tumango ako. Parang bagay pa sa kanya itong posisyon ko kasi mas matapang sya sakin at walang sinisino.

"Kung pwede lang na isama kita doon. Feeling ko mas magiging madali yon" Yumakap ako sa batok nya, binitawan nya naman yung mga papel na gumawa ng ingay pag bagsak sa sahig.

"I'll visit you often, don't worry honey. You can do this just believe that you can" Bulong nya sa may leeg ko.

"Ang sakit sa ulo" Reklamo ko. Naramdaman ko yung daliri nya sa sentido ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon