Directly looking at the Sun

724 42 4
                                    

Chapter 32





__



"Haist, bakit ka aalis? Tiyak na napaka hirap nanaman mag hanap ng kapalit mo" Reklamo ni Ava ng sabihin ko sa kanyang kailangan ko ng mag resign.

Last day na ito ng pagiging PA ko sa monday rin mag i start na ang pagtuturo sakin ni daddy kaya sinabi ko na kay Ava kahit pa pinipigilan ako ni Danielle.

Hindi ko alam kung bakit o baka in denial sya na ma lilimitahan na ang pagkikita namin at oras na magkasama. Ngayon palang nalulungkot na ako.

Bago mag start ang kontrata namin natatandaan ko pa yung inis ko. Nag flash sa utak ko na noong una ayaw na ayaw kong gawin to, diko nga sya gustong nakikita at para akong bibitayin tuwing masosolo kaming dalawa sa iisang kwarto.

Kaya nakakatawa na sa mga sandaling ito iyon naman ang pinaka ina asam ko. Iyon ang gusto kong mangyari.

"Sorry Ava, may mga importante akong kailangan asikasuhin eh" Paliwanag ko.

"Akala ko pa naman nagkasundo na kayo ni Danielle. Naging maayos narin ang ugali nya" Napa iling sya at nag hilot ng sentido. "Pagkatapos ngayon kailangan ko nanaman syang sanayin sa presensya ng iba" Hindi ko alam kung bakit ako na guilty sa itsura nya.

"Alam kong hindi na sya katulad ng dati, sure na mas magiging understanding na sya ngayon. Mag tiwala kalang" Pagpapalubag ko naman ng loob nya.

"Sana lang talaga dahil ang dami ko ng puting buhok sa edad na trenta. Wala pa akong anak pero daig ko pa ang may sampu sa ugali ng babaeng yon" Pinilit kong ngumiti saka tinignan si Danielle.

Nasa isang talk show kami ngayon at ini interview sya about doon sa dangerous stunt na ginawa nya, marami ring kasing namangha na wala syang kinatatakutan.

Kaya siguro mas dumami ang fan mail nya at mga babaeng nagtatapat ng pagmamahal sa kanya na more than once nya ng binasa sa harapan ko.

Ngakaroon ng malakas na tilian ng ipakita nanaman yung scene sa teleserye kung saan sya tumalon sa mataas na tulay. Next doon ipinakita yung mga bloopers ng pagiging playful nya na bihirang makita ng mga fans. Lahat yata nag swoon ng mag wink sya sa camera kahit pa puno ng fake blood ang damit.

"She's cheerful these days. Don't you think she's seeing someone?" Bulong ni Ava habang pinapakinggan namin ang sagot ni Danielle sa naging tanong ng isa sa mga fans.

"Wala syang na kwe kwento" Di ako direktang maka tingin ngayon sa kanya.

"Suspicious iyon kasi di sya lumalabas madalas ngayon. Di narin sya tumatakas para mag lasing at ikaw lang ang madalas na kasama nya" Nanliit ang mga mata nya, napa lunok ako ng maging pointed ang tingin nya sakin.

"Baka masaya lang sya about sa pagiging success ng show. Di naman ibig sabihin lagi non in a relationship na kaagad sya" Hinaplos nya ang baba nya.

"Eh bakit sya nag glo glow? Blooming sya at obvious na in love" Bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Ewan, baka effective yung mga vitamins na binili mo" Nag hum sya at parang detective na pinipilit isipin kung sino ang suspect at blooming si Danielle.

Kinabahan ako,kasi ilang beses na akong sinabihan ni Danielle na for now di pwedeng malaman ni Ava ang relationship namin dahil tiyak daw na maging OA ito at iisiping makakasama ito sa career nya.

Lalo pa't ilang beses ng sinabi ni Ava na dipa ganoon ka open ang bansa para makita si Danielle na may girlfriend. Kasi aware man ang lahat na bisexual sya, hindi pa nila kayang i tolerate na makita syang nakikipag date sa babae.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon