Under Your Spell

1.2K 71 4
                                    


Warning!!!
With a Slight Mature Content, so proceed at your own risk

--

Chapter 15








__

Kinuha ko yung leash ni Bonny ng di maabutan si Danielle alam kong nasa pilates class sya at naisip kong ilabas si Bonny para di yung apat na pader lang ng penthouse ng nanay nya ang nakikita nya.

"You wanna walk with me, Bonny?" Malakas syang tumahol, pina kalma ko naman sya bago sya kinabitan ng tali.

Tumakbo kami palabas at sa pagiging energetic ni Bonny kung gusto nya pwede nya akong matangay. Black Russian Terrier ang breed nya na inalam ko pa sa internet gusto ko kasi syang mas makilala at malaman yung mga bawal nyang kainin.

Isa na sya sa napa mahal sakin sa araw araw na makikita sya at sure akong mutual iyon dahil tuwing umaga kapag papasok ako ng penthouse palagi ko syang na aabutang naghihintay sa may pintuan. Kahit na sa gabi, hinihintay nya rin akong bumalik para pakainin sya at dalhin sya sa kwarto.

Kaya gets ko kung bakit baby sya ni Danielle, dahil malaking baby talaga sya. Most of the time mukha lang syang nakaka takot lalo pa kapag madilim at bigla nalang syang susulpot.

Naging close na kaming dalawa, ilang linggo narin ng itigil nya ang pag poopoo at ihi sa mismong harapan ko.

Nagulat pa nga ako one time ng makita ko syang gamitin yung banyo na nasa loob ng kwarto nya. I guess, isa iyon sa reason at meron syang sariling bathroom.

"Gusto mong mag laro tayo?" Tanong ko pagdating namin sa park na malapit lang sa building.

Tumahol sya ng sunod sunod, inilabas ko naman yung stick na napulot ko kanina para narin maging laruan nya. Ibinato ko ito sa pinaka malayong kaya kong tanawin at parang nag hintay sya sa susunod na sasabihin ko.

"Umh fetch?" Mabilis syang tumakbo at ilang segundo lang ng kagat kagat nyang ibalik yung sangang ibinato ko. Napa nganga ako sa pagka mangha.

"Wow Bonny, good girl" Lumuhod pa ako para haplusin ang mabalahibong ulo nya. "Ang talino mo talaga" Mukhang natuwa sya sa naging compliment ko dahil lumapit sya sakin at dinilaan ang mukha ko.

"Kapag may time gagawin na natin to palagi para na e exercise ka at di ka maging sobrang chubby" Komento ko.

Ilang beses pa kaming nag laro ng fetch at parang di sya napapagod. Ako lang ang nanghina sa pagiging energetic nya. Matapos yon, naupo kami sa damuhan habang naka unan sya sa kandungan ko.

"I think this will be a good day, don't you agree, Bonny?" Tumahol sya bilang sagot kaya baka tama ako.

Umuwi kami ng mga alas dyes at na abutan naming nasa salas si Danielle. Mukhang katatapos nya lang maligo, tinakbo sya ni Bonny. Iniwan ko naman sila at nag ready ako ng pagkain.

"Where have you been baby? Did you have fun?" Narinig kong pagka usap nya dito, in a baby voice.

Pumasok nalang ako sa kwarto ni Bonny at ihinanda yung bathtub para mapaliguan ito. Nag stay ako ng ilang minuto doon, delaying the inevitable. Pag sulpot ni Bonny sa tabi ko alam kong tapos na syang kumain at handa ng maligo.

"Mabaho kana kaya, ligo na" Sumampa sya sa bathtub at kapayapaan lang ang nag transpire sa pagitan naming dalawa. Shocking na mas madali pa syang paliguan kaysa sa nanay nya.

"Sasabihan ko si Danielle na dadalhin kita next saturday sa salon. Kapag di sya busy" Turan ko habang bino blow dry ang balahibo nya after noon pina hiran ko rin sya ng lotion.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon