MHIA'S POV,
Umaga na pala, hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Feeling ko ang bigat bigat ng mga mata ko. Feeling ko namamaga siya. Unang bumungad sa'kin pag-gising ko ay ang puting kisame at ang sunlight na tumatama sa mukha ko.
Nagugutom na ko, buti nalang at maagang gumigising si Harvey at naghahanda ng breakfast namin. Buti nalang ang nandyan---
Oo nga pala pina-alis ko na siya.
Wala na pala akong katulong.
Agad akong dumiretso sa kusina ng room na ito na condo style dahil sa pag-bungad mo sa window ay isang mataas na building din ang bubungad sa'yo.
Isang malaki at abandonadong building.
I washed my face, brushed my teeth and look at myself in the mirror. Ngayon ko nalang ulit nakita ang sarili ko sa salamin. Matagal din kaming hindi nagkita ni Mhia.
"Ingatan mo ang sarili mo Mhia .."
Bigla ko nalang naalala at narinig ang huling mga salita na sinabi ni Harvey kagabi before leaving me.
That was the first time I heard him saying my name.
Seryoso ang boses niya, malayong-malayo sa masiyahin na boses na madalas kong marinig sa kanya. Pero wala na siya Mhia, wala na yung kumag na kina-iinisan mo.
Wala na yung pinaka-iinisan mong lalaki sa mundo.
Ayan nanaman yung boses na ulo ko. Kung hindi si konsensya ang nagpapakita, may nagsasalita naman sa ulo ko. Nakaka-inis lang na lagi silang tama.
After staring myself in mirror na nakasabit sa tapat ng lababo kung saan ako naghilamos. Humarap ako sa lamesa at tinignan kung may iniwang pagkain si Harvey. Pero wala ..
Well I guess I really need to live and to survive by myself. Wala si Harvey para ipagluto ako at iligtas whenever I'm in trouble.
Bakit ba iniisip ko siya ng iniisip?
Okay Mhia starting today you'll live on your own and you don't need Harvey okay.
Like what you've said isa lang siyang pabigat sa'yo.
OKAY BA YUN MHIA?
I gasped, nag-umpisa na kong kumilos at maghanap ng mga pagkain na pwede kong makain dito sa cabinet ng kitchen pati na din sa ref. Nakakita ako ng isang loaf ng tinapay, agad ko itong kinuha. Then nakakita ako ng 2 pieces of egg sa kabilang drawer, kinuha ko ito at pinag-planuhang lutuin.
Yah! Pinag-planuhan yung term kasi I dont even know how to cook. I only tried to cook egg maybe 3 times? Puro pa sunog, pero I'll try to cook it pa din.
Kailangan ko ng masanay wala na kong taga-luto eh!
Using the pan sa gilid ng stove na hindi ko alam kung gumagana pa. Inilagay ko yung pan sa ibabaw ng stove at nagsimulang magluto. Well thank God at gumagana pa yung stove.
Binasag ko yung egg at prinito sa pan, medyo hindi maganda yung pagka-form nung egg kasi masyadong kalat sa pan pag-basag ko. When I'm about to get the egg..
Ayaw nitong matanggal.
Parang dumikit yung egg sa pan. Tsaka ko lang na-realized na I forgot to put some oil to it pala. Nasunog tuloy yung egg ay may naiwang mga egg part dun sa pan.
Kainis naman, bukod sa sunog may mga naiwan pang part sa pan. Kaunti nalang tuloy yung natira.
I forgot to put some salt. Argh! Kaasar talaga!
May isang egg pa naman kaya this time I'll make sure na maayos ko itong maluluto kaya hindi ko na kakalimutan pang maglagay ng oil and salt.
"Argh sunog nanaman..." Saad ko sa sarili ko matapos kong lutuin ang palpak kong egg. Umupo ako sa lamesa at doon pinagmasdan ang egg na niluto ko. Dalawang sunog na itlog, ugh!
Siguro kung si yaya ang nagluto ng sunog na itlog baka itinapon ko sa kanya ito, I don't eat sunog na itlog pero-- I don't have a choice. Kaysa magutom I'll make chaga eating this nalang.
"Kung si Harvey ang nagluto niyan malamang ang sarap-sarap niyan!" My konsensya uttered again while I'm sitting here and eating my epic failed egg and bread. Paepal talaga siya kahit kailan.
"No I don't need Harvey, masarap tong luto ko at hindi kita bibigyan manigas ka!" I said looking at my konsensya in annoyance and eating the egg fastly.
Sa loob-loob ko, PWE! Ang panget ng lasa! Pero I should stand on my own! I dont need Harvey peste lang siya sa buhay ko!
Since hindi pa ako fully recovered nanatili ako sa lugar na ito at napag-pasyahang magpagaling nalang. May mga stocks pa naman ako sa bag na I think magtatagal pa ng mga 5 days. Pero I don't want to be stucked here for 5 days. Kailangan ko ng maka-punta sa departure area para maka-alis na dito.
Nakatayo ako sa tapat ng isang malaking glass window na kitang-kita ang malawak at sira-sirang savage city. Katapat ko ang isang malaking building, isang malaki at sirang building.
Habang nakatayo at nag-iisip-isip, nasagi sa isip ko na.. saan kaya pupunta si Harvey? I mean nasaan na kaya siya ngayon? Buhay pa kaya siya? Baka kinain na yun ng mga kamag-anak niyang growlith.
Teka bakit ko ba siya inaalala? Wala naman akong pakialam sa kanya.
"Talaga wala?"
Napalingon ako sa gilid kung saan nang-gagaling yung boses. Nagulat ako ng makita ko nanaman ang sarili ko na naka-tayo at naka-cross-arms.
Mukhang guguluhin nanaman niya ko.
"Of course WALA!" I answered emphasizing the word WALA! Wala naman kasi talaga.
"Kung wala eh... bakit mo siya niligtas nung isang araw?"
"Uhmm ..." I mumbles
"Oh.. eh di ..hindi ka makasagot!"
"Duh! Syempre mabait ako kaya I saved him!"
"Konsensya mo ko .."
"And?"
"Hindi mo ko maloloko!"
"What's your point ba?"
"Gusto mo sabihin ko? Gusto mo ipamukha ko sa'yo?" I dont know what's in my konsensya, parehas din siya ni Harvey na nakaka-irita. Ginugulo nila ang isip ko. They're making me doom.
"Para saan pa?"
"Para ipaalala sa'yo na wag kang masanay na lokohin ang sarili mo about sa mga bagay na nararamdaman mo!" Untag ni konsensya.
Ouch! It hits me.
Some part of me says she's right. Of course she's a part of me. Konsensya ko nga diba? Pero bakit ganun? Bakit lagi niya kong sinasampal ng mga words niya? Ganyan ba talaga kaprangka ang mga konsensya? O ang konsensya ko lang?
"This is pointless, could you please--" Irita kong saad sabay lingon sa lugar na kinatatayuan kanina ni konsensya pero pag lingon ko.
Bigla nalang siyang nawala.
Bwisit! Parehas lang talaga sila ni Harvey, mga nang-iiwan sa ere. Sana pala nung una palang ipinag-tabuyan ko na si konsensya para hindi lumabas na ako ang iniwan.
Kainis talaga.
Naramdaman ko nanaman ang mainit na pagpatak ng tubig sa mata ko. Umiiyak nanaman pala ako. Kainis! Hindi naman ako iyakin dati eh! Bakit ngayon iyakin na ko? Bakit? Ganito ba talaga ang feeling ng mag-isa?
Ang tahi-tahimik ng paligid.
Nakakabingi, sumisigaw ito sa tainga ko, nakakabaliw.
Gusto ko ng umalis sa lugar na'to. Pero hindi pa magaling ang mga sugat ko. Masakit pa ang likod ko at mahina pa ko. Baka ikamatay ko lang kung magpupumilit ako.
BINABASA MO ANG
Pesteng Love Story
Teen Fiction"Bobo ka ba oh tanga-tanga lang? Sinabing wala kang pag-asa sakin kahit na kaunti, at kahit na ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo. Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo at never na magiging tayo kaya GET LOST!" For sure may mga babae ng nags...