Mhia's POV:
Napapansin ko nitong nga nakaraang linggo, I'm not that conyo na. I mean parang nabawasan ang pagiging maarte ng pananalita ko. Less english more tagalog. Malalim na tagalog. I dont know why, siguro dahil wala sila Cindy, Sam at ang iba ko pang maarteng friends kaya medyo nawala ang kaartehan ko sa pananalita. Sila kasi ang madalas kong kasama kaya nahawa ako sa kaartehan ng mga rich kid bratz na yun eh.
Meron nalang akong natitirang stocks until ngayong breakfast nalang. So obligado na kong lumabas para mag-hanap ng pagkain na hindi ko ini-magine na magagawa ko sa buong buhay ko.
Pumunta sa mga convenience stores at kumuha ng mga pagkain, mangalkal sa ref ng may ref. Drawers at cabinets. Natatawa nalang ako sa sarili ko sa twing naiisip ko na ginagawa ko to para maka-survive.
After eating breakfast nagpahingan lang ako saglit then kinuha ko yung malaking camping bag at ini-ready ito. Tinignan ko yung list ko para hindi ko maka-limutan kung anong mga dapat kong i-shop lift.
Yah shoplift talaga ang term namin ni Harvey for that.
Hays, speaking of Harvey kumusta na kaya siya? One week na din since umalis siya.
Tsk, bakit ko ba siya inaalala? Pero kung iniisp niyang na-mimiss ko siya pwes mandiri siya.
Ako ma-mimiss si kumag? No way!
Argh! I'm doomed again, kung ano-ano ng pinag-iisip. Go back to your work nga Mhia.
Ayun na nga, kinuha ko yung list ko at tinignan yung mga dapat kong i-shoplift na stocks ko for one week. Medyo magtatagal pa kasi ako sa lugar na'to. Literally in this small condominium. Hindi pa kasi ganun kagaling ang sugat ko kaya I need to recover fully para mas maging maayos ang pag-lalakbay ko lalo na't wala na kong body guard na magliligtas sa'kin.
Pero atleast walang peste at maingay na lalaki na daig pa ang pwet ng manok sa kakaputak.
Nakaka-miss din pala ang ingay niya-- argh! Stop it nga Mhia, don't think of him. Destruction siya okay! DESTRUCTION!!
Ang daming mga item ang naka-sulat sa list ko na dapat kong makuha for my stocks, sana may convenience store sa labas para makakuha ako.
Lumabas ako sa isang malaking grocery after kong makuha lahat ng nasa list ko. Wearing my big camping bag. Doon ko inilagay lahat ng kailangan kong kunin. Napuno yung bag at super bigat na nito. Lapas ulo na yung bag dahil sa adjustment na ginawa ko ma-expand lang yung bag.
Dahan-dahan ang lakad ko, nag-iingat sa posibility na baka may sumulpot na growlith sa paligid ko. Nakarating ako sa isang street ilang lakad ang layo sa mula sa condo kung saan ako tumutuloy. Doon sa street may isang dress shop, at naka-bungad sa labas yung isang magandang puting cocktail dress. Naakit ako sa nakita ko, that's why my feet reflexively moved and brought me inside the shop.
Pinagmasdan ko yung damit, ang ganda-ganda niya. At mukhang bagay ito sa'kin. Since puro simple clothes lang nakuha ko kanina dun sa isang shop na nadaanan ko. I decided to get this cocktail dress in front of me. Alam kong wala namang dahilan para mag-suot ako ng ganito kagarang damit. Hello! Nasa isang savage world kaya ako, sinong makaka-appreciate if ever suotin ko ito?
BINABASA MO ANG
Pesteng Love Story
Teen Fiction"Bobo ka ba oh tanga-tanga lang? Sinabing wala kang pag-asa sakin kahit na kaunti, at kahit na ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo. Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo at never na magiging tayo kaya GET LOST!" For sure may mga babae ng nags...