Chapter [16]: The Survival Part DHosXz

27 0 0
                                    

Mhia's POV,

"Sweetypie hawakan mo ang kamay ko dali!"

"Eeeeew! No! Ayoko!"

"Dali na!"

"Ang kulit mo I said I dont like nga eh!"

"Hay nako! Ngayon lang naman eh!"

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Harbilat ang kamay kong maganda at malambot. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kilabot sa katawan. Diri ba to o inis? Or maybe both! Diri and inis! My gosh! Ang lakas ng loob niyang hawakan ang kamay ng isang Mhia Madria na nakalaan lamang para sa lalaking magiging 1st and last boyfriend niya.

"YUCK! DONT TOUCH ME!" I screamed then I make palag to him. Sasampalin ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita at tinignan ako ng seryoso.

"Sweetypie, mamaya mo na ko sampalin! Sa ngayon kailangan muna kitang ilabas dito sa mabahong trash can na'to dahil ilang saglit na lang ibabato na'to ng growlith ng malakas!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Kfine, basta after this sasampalin kita!"

"Oo sige!"

"Dalawa! Yung married!"

"Married?"

"Mag-asawa duh!!"

After that, madali akong hinila ni harvey palabas ng can na'to then mabilis kaming tumakbo palayo sa growlith na busyng-busy sa pag-alog sa trash can na kaninang kinalalagyan namin. Maya-maya bigla nalang ibinato nung growlith yung trash can na kaninang hawak niya. Kitang-kita ko naman kung paano nacrumpled yung trash can. My Gosh! Paano nalang kaya kung hanggang ngayon nasa loob pa rin ako nun?

"Sabi sa'yo eh!" Sabi ni Harvey, Hawak niya pa din ang kamay ko. Teka! Abuso na siya ah!

"Bitawan mo --" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil madali niya na kong hinila palayo sa dalawang malanding growliths na yun. Tumakbo kami sa left intersection ng iskinita. Sinubukan kong lumingon sa likod ko to see kung sinusundan pa rin kami ng mga growliths. But sad to say sinusundan nila kami and they look like very angry.

"Sweetypie bilisan mo!"

"Wait lang naman!"

"Hehe! Nag-susuggest lang!"

Aba't nagawa pang tumawa ng kumag na'to huh? Mamaya ka lang talaga sa'kin, bibigyan kita ng married slap.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo ni Harbilat hanggang sa mapunta kami sa isang dead-end. Not actually dead-end dahil gate lang ito na parang alambre.

"Hoy dead end!"

"Oo nga eh!"

"Huh?"

Whatda? We're on our way to that freakin dead end that means dead end! Walang daan!! Tapos yan lang ang sasabihin niya? "Oo nga eh!" Effortless na effortless huh? Ugh! Napaka mo talaga Harvey! Your so so!

"Hoy anong plano mo?"

"Ahhhh!" Nag-iisip siya kunware, as if my isip siya.

"Dont tell me --"

Pesteng Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon