Chapter [7] : Nalalapit na Ang Araw Buwahahahaha

65 3 0
                                    

Mhia's Point Of View (naks!)


"Girl ano yung nababalitaan kong napahiya ka raw sa harap ni Bryan?" Cindy curiously asked. "OO nga girl, anyare ba kasi? " Sam also asked. Nandito kami ngayon sa classroom at nag-aantay for our next subject teacher. While making antay-antay with our teacher, tradition na namin ang magchismisan.

"Girls look oh!" Kinuha ni Sam yung cellphone niya then may ipinakita sa'ming isang picture. Ito yung picture ko nung natapunan ako nang malagkit at mabahong kulay green na liquid. Kuha ito mula sa likod, maybe galing sa mga taong nakiki-ushoso. Ako habang diring-diring sa nangyari, si Harbilat habang nakatalikod at gulat sa pangyayari. At ang pinaka-hard, si Bryan habang diring-diri sa itsura ko, yan lang naman ang nilalaman nang stolen na yun. " OMG! girl, what happened ba talaga? Kwento mo nga! " Ayoko na ngang alalahanin ang mga pangyayari eh! Sobrang nakakahiya talaga!

Pumasok na yung kanina pa naming inaantay na teacher kaya napa-ayos ang lahat nang upo at nanahimik. Isa siya sa pinaka-terror na teacher sa buong school. Maraming bali-balita na may estudyanteng nag-dropped out matapos niyang ipahiya.

"Okay class 3 weeks from now pageant na, so I would like to ask how's the preparation of your candidates?" Oo nga pala, nakalimutan kong may pageant pa pala. Masyado akong naging busy kaya nakalimutan ko na. Wait, naging busy? Saan? Kanino? Kay Harvey? Oo, naging busy ako layuan siya. Halaa! Baliw na ata ako, inaaway ko pati sarili ko. Kainis!

"Mhia and Kim are you having your preparation?" He asked, ramdam ko sa tono nang boses niya ang pagiging authoritarian niya, medyo natakot tuloy ako. Napalingon ako sa likod kung saan nandoon si Kim. Nagkatitigan lang kaming dalawa, para bang nag-tatanong ang mga mata niya kung ano ang dapat niyang isagot, kung magsisinungaling ba siya o magsasabi nang totoo?

"Yes Sir we are having our preparation po!"He answered smilling. Nice answer Mr. Lucero. You saved me.

"Good!" Sir pronounced, medyo nakahinga ako nang maluwag after niyang sabihin yun. Buti nalang at hindi siya kasing slow nang iba.




















*Kriiiing!* The bell rang, class dismissal, break na inaya ako nila Sam na pumunta na sa tambayan namin pero sabi ko susunod nalang ako. I need to talk with Kim. Lumapit ako kay Kim, busy naman siyang nag-aayos nang mga gamit niya.

"Kim!" I called his name. Napukaw ko ang atensyon niya. Hindi siya sumagot pero halata naman sa mukha niya na interesado siya sa sasabihin ko.

"Thanks for saving me kanina!" I said smilling.

Ang weird na lalaki tinignan lang ako at hindi man lang nag-abalang sumagot. Grabe, man of few words pala itong si Kim.

"Hey! Wala ka man lang bang sasabihin?" I asks. He straightened his body and pause for a second then tsaka siya nagsalita.

"What do you want me to say?" He uttered in a manly manner. Nagkibit balikat lang ako. Wala ba siyang sariling isip at sakin niya tinatanong ang sasabihin niya?

"Okay your welcome, masaya ka na?" Pilit niyang sagot, halata naman, labas sa ilong eh!

Teka, anong problema nito? Nagpapasalamat lang naman ako galit pa siya. Ganyan ba talaga mga magpapari?

"Wait, ano bang ginawa ko sa'yo bakit ang sungit mo?"

"Ginawa mo sa'ken?"

" Oo! Anong ginawa ko sayo. Kanina lang ang bait-bait mo pa, bakit bigla ka atang nagsungit? May period ka ba? " Nainis na ko kaya kunot noo ko siyang sinagot.

"Yun na nga yun!"

"Alin may period ka? Omg!"

"Haha. Nakakatawa!" so ironic nang sagot niya para siyang bakla.

Pesteng Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon