Chapter [27]: I Swear I Don't Need Harvey!

30 0 0
                                    

Mhia's POV (as usual)


Bwisit! Hindi ko maabot yung first aid kit na nasa ibabaw ng isang shelf sa loob ng kwarto ng condo na'to. Ang sakit na ng sugat ko at kailangan ko ng bendahan ito.


Tiningkayad ko yung dalawang paa ko habang nakatuntong sa isang lamesa para maabot yung kit pero hindi ko pa din maabot. Pinagpapawisan na'ko ng malagkit. I need to clean my sugat na!


Few minutes pa ang lumipas pero hindi ko pa din maabot yung kit. Napagod na'ko kaya I decided to stop for a while at magpahinga muna. Naiinis na ko bwisit!

Habang naka-upo ako sa ibabaw ng lamesa, bigla kong naalala yung mga panahon na inaabot ko yung isang pagkain sa isang shelf sa isang grocery.


Nang hindi ko maabot bigla nalang dumating si Harvey at iniabot ito for me. Nagka-titigan pa kaming dalawa matapos maglapit ang nga mukha namin.

Nandidiri pa ako sa mukha niya nang mga panahon na yun. Kung nandito lang sana si Harvey siya ang magpapakahirap na umabot nun para--


No! Mhia no! You don't need Harvey stop thinking about him.


"Tsk! Hindi pala kailangan si Harvey huh?" That voice, and that smirk. Galing yun sa bwisit kong konsensya na naka-cross-arms at nang-iinis sa gilid ko.


Inirapan ko nalang siya at umalis sa kinaka-upuan ko. Nagbago na isip ko, tsaka ko nalang kukunin yun kapag wala ng makulit na konsensya sa gilid ko.


Sinubukan ko namang magsaing pagkatapos kong mabigo na abutin yung first aid kit. Hindi ako marunong mag-saing kaya bahala na kung anong kalalabasan ng luto ko.

Few minutes later, nakita kong nagwawala na yung takip ng kaldero. Agad ko itong binuksan at nakita kong nalulunod pa sa sabaw yung kanin kaya mas nilakasan ko pa yung apoy para malusaw yung tubig at maging perfect yung sinaing ko.


Ilang sandali pa ang lumipas at naka-amoy na'ko ng mabaho at sunog na amoy. First I thought galing sa labas yung amoy pero kinalaunan na-realized kong may naiwan pala akong sinaing sa kusina. Nasa sofa ako at naka-higa habang nanunuod ng movie sa isang malaking flat screen TV ng mapa-harurot ako ng takbo heading to kusina.


Doon ko nadatnan ang kawawa kong sinaing na super baho ng amoy. I immediately close the stove then tinanggal ko yung takip ng kaldero. And I'm shocked when I see the kanin na malata at sunog.

Super baho pa ng amoy, amoy sunog na sunog.



Next thing I knew is that I'm eating my lunch with this sunog na kanin, buti nalang ang tuna ang ulam ko, masarap na kahit papaano. Pero yung kanin talaga ang panira eh!


"Alam mo kung si Harvey ang nag-saing niyan perfect yang kanin mo at hindi sunog!" Guess who owns that nakaka-iritang boses? Yeah! My konsensya!


"Huh? Sinong nag-sabi sa'yo na sunog ang kanin ko?"

"Kahit hindi mo sabihin obvious naman sa itsura at amoy!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pesteng Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon