Chapter 1

8 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AUTHOR'S NOTE:

I just want to say sorry for the super duper late update for this book. I hadn't expected it to take so long to update this book. But I can't give it up. I've started and must complete this book. This is the long-awaited one.

Also, nasira yung isa kong phone na pinag-eeditan ko ng wattpad. Luckily, may bago ako pero expect the future chapters na walang title card sa itaas. Enjoy reading!

Love,
GVB

KELLY'S POV

Maaga nanaman ang first subject ko ngayong 4th year. Kainis naman kasi, kung kailan magtatapos na kami saka pa nila binigay lahat ng major subjects sa buong semester. Wala din naman akong pake sa magiging OJT ko for next semester. By the way, I'm Kelly Llamares. Call me Kell for short. Minsan Kelly, minsan Kells, minsan Kelldog. Sa ganda ko ba namang ito pinagmukha nila akong aso.

"Ok class, take your seat. Welcome back BSN 4-B!" Bati ni Prof. Randallo sa amin.

I took Bachelor of Science in Nursing, kahit ilang beses na akong nahimatay kakatingin ng mga dugo. Tinuloy ko parin ito dahil lahat ng mga ate at kuya ko ay kumuha din ng Nursing. Dahil bunso ako ay hindi pwedeng hindi ko ituloy ang nasimulan ng mga nakatatanda kong kapatid.

"Hay nako, nandito nanaman siya!" Mataray na sabi ni Alyssa, ang ilang taon ko nang kaaway dito sa Woodville University. Simula 1st year palang ay siya na lagi ang kaaway ko, pero never naman kami napatawag sa guidance or dean's office.

"Kelly, huwag mo nang patulan. Patapos na tayo saka ka pa mag-aamok ng away." Mahinahong bilin sa akin ni Denise, ang aking BFF since grade 1. Hindi ko aakalaing magsasama kami for the rest of my life.

"Kung may hawak lang sana akong injection baka tinusok na yung mata niyan." Pabulong kong sabi kay Denise.

Ilang oras matapos ang aming 1st subject ay pumunta kami ni Denise sa canteen para kumain. Nakakagutom kasi lagi ang 1st sub namin kaya halos lahat kami ay dumidiretso sa canteen para magmeryenda, yung iba ay almusal palang.

"Ate, 20 pesos pong siomai tsaka 5 pesos na palamig." Sabi ko sa tindera. Hinintay kong makakuha ng pagkain si Denise saka kami kumuha ng pwesto namin.

"Sis, balita ko magpapa-camping si Prof. Randallo bago tayo mag-graduation."

"Huh? Sa tanda ng prof natin sa tingin mo magagawa niya pang humiga sa tent?" Sabay irap ko ng mga mata.

"A...ate, ang sama mo naman. Hayaan mo na, bigyan mo naman ng experience yun bago lumambot yung mga buto—"

Naibuga ko ang iniinom kong palamig sa harapan nang marinig ko yung sinabi ni Denise. Tawa nalang kmi ng tawa kasi na-iimagine ko tuloy kung paano makakahiga si Prof. Randallo sa mababang tent eh matanda na siya.

"Hay nako, tumigil kana at baka may makarinig sa atin."

"Kaya nga, kumain kana nga."

"Baba baba ng tent, paano kaya hihiga yun?"

CampfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon