Chapter 23: The Medicine
KELLY'S POV
Isang maingay na umaga ang bumungad sa araw ko ngayon. Narinig ko ang mga batang nagsisialisan na ng camp para mas maging maingat sila sa killer ngayong posibleng nandito ang killer sa loob ng camp.
Lumabas ako para masdan ang mga batang dali-daling tunatakbo sa loob ng kanilang bus dala ang takot sa kanilang mukha. Samatalang kaming mga ate at kuya nila ay naiwan para obserbahan pa ng mga pulis. Posible daw na isa sa aming nandito ang killer pero, alam naman nilang si Gauzehead na 'yun at wala nang iba.
Teka, dalawa pala ang Gauzehead. 'Yung isa ay nakakulong sa mental ngayon at 'yung isa naman ay ang posibleng pumapatay sa mga tao.
Naisip ko munang umupo sa kahoy na upuan sa harap ng cabin para makapag-relax habang pinapakiramdaman ang sariwa at malamig na hangin. Maaraw ngayon kumpara nung mga nagdaang araw na makulimlim at mahamog. Napalingon naman ako sa kaliwa nang makitang naglalakad si Denise papunta sa akin dala ang isang tray ng tasang may lamang kape.
"Sis, good morning!" Bati nito sabay lapag ng tray sa lamesang nasa harapan namin.
"Good morning too." Ngumiti lang ako nang saglit dahil may nararamdaman pa rin akong tampo at inis kay Denise.
Matapos niya kasing iwanan si Mindy sa cabin, parang wala pa tuloy siyang motibo sa pagpatay. Palibhasa, ka-close niya 'yung isa sa mga pulis at mahilig mang-uto 'yun kaya parang wala lang nang natungin siya ng mga pulis.
"Move on na. Hinihintay lang ang autopsy result ni Mindy para malaman kung anong nangyari sa kaniya."
Napalingon ako sa kaniya dahil sa narinig ko. Para malaman kung anong nangyari kay Mindy? Siraulo talaga 'tong si Denise. Alam na ngang pinatay siya tapos maghahanap pa ng ibang cause of death?
"Sis, pinatay na nga si Mindy naghahanap ka pa ng kasagutan." Sabay higop ko ng mainit na kape.
"Sis, hindi tayo siguradong 'yun lang ang ikinamatay niya. Oo, tama kang pinatay siya. Pero hanggang dun na lang ba?" Sambit nito.
Pakiramdam ko tuloy ay pinagtatakpan o pinagtatanggol niya ang kaniyang sarili para hindi siya madamay.
"Hay nako Sis, kung ako sa'yo hahayaan ko na lang na pinatay siya kaysa ibang dahilan pa ang ipaliwanag ng mga pulis. Bahala ka diyan." Sa inis na naramdaman ko ay agad akong tumayo at naglakad palayo kay Denise habang hawak ang tasa ng kape.
"Bwisit ka."
Isang bulong ang biglang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Wala naman akong ibang kausap kung hindi si Denise kaya hindi ako magtatakang siya ang nagsabi nun.
"Ano?" Sabay lingon ko sa kaniya.
"Sabi ko, busy ka? Lalayo ka nanaman dito, alam mong nandito lang 'yung killer sa paligid sige ka."
Hindi ko pinaniwalaan ang gaslighting niya. Rinig na rinig ko kahit mahina ang tono ng pagkakasabi niya. Bwisit ka. E 'di bwisit ka rin. Pabaya ka kasi kaya namatay 'yung alaga mo.
~~~~~
Ngayon lang ako bumalik sa pampang ng lawa matapos ang malagim na trahedya kagabi. Ni hindi ko naikwento nang maayos kay France ang lahat, kasama ang nangyari sa labas ng canp noong mga nagdaang araw.
Hinihigop ko ang lumalamig na kape para maubos ko na ito. Mabilis ding lumamig ang kape ngayong malamig ang simoy ng hangin. Naka-indian seat ako sa buhangin ng pampang habang pinagmamasdan ang mga alon sa lawang nasa harapan ko. Nagiging stress reliever ko ito ngayon para mawala ang mga agam-agam sa utak ko tungkol sa pagkamatay ni Mindy. Para bang ayaw ko na ring makialam sa kung anong magiging kahihinatnan ng resulta ng kaniyang autopsy. Bahala na sila diyan.
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...