Chapter 22: An Unexpected Murder
KELLY'S POV
Bumalik kaming dalawa ni France sa camp para alamin kung anong nangyayari. Ilang oras na rin kasi akong wala simula nang pumunta ako sa lake kaya hindi ko na alam kung anong mga ganap sa loob.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makita kong nagsisitakbuhan ang lahat palayo sa kanilang mga cabin. Lahat din sila ay may mga dalang flashlight. Nadatnan ko na lang na nakatayo si Denise sa labas ng cabin at hindi ito mapakali.
"Denise?!" Sumigaw ako at agad naman siyang lumingon.
"Sis, si Mindy—" Sabay hawak ng kamay niya sa balikat ko. Nakaramdam ako ng malamig nang dumampi ang palad nito sa balikat ko. Alam kong kinakabahan siya.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Na-nawawala! Nagsilabasan na lang kami nung sumigaw siya!" Natataranta niyang sambit habang sinasabunutan ang sarili.
Hindi ko naman inaasahang mawawala siya gayong magkasama silang dalawa ni Denise sa cabin maghapon.
"Huh? Anong nawawala? E 'di ba't kasama mo siya dapat ngayon?" Bulyaw ko habang patuloy ang pag-aalala ni Denise sa kasama.
"Kanina kasi, pumunta ako kay Nurse Eva para kumuha ng gamot kasi masakit ang ulo ko. Pagbalik ko sa cabin, wala na siya. Sa CR, sa likod, sa harap, wala." Naiiyak niyang paliwanag habang hinahawakan ang mga kamay ko.
"OK! Kumalma ka. Hanapin natin si Mindy sa buong camp. Sumama ka sa akin." Mahinahon kong sabi. Kaagad kong niyakap ang natatarantang si Denise para kumalma siya.
"Let's go!" Sigaw ni France.
Inabisuhan ko ang lahat na hanapin si Mindy sa lalong madaling panahon. Anytime, pwedeng may mangyaring hindi maganda sa kaniya kaya kailangan naming pagtulungang hanapin.
Nagkalat na kami sa kagubatan ng camp. 'Yung iba ay sa may lawa pumunta at ang iba naman ay sa may entrance pumunta. Hawak-hawak ang flashlight ay inikot ko ito sa buong paligid para mahanap si Mindy.
ALYSSA'S POV
Magkasama kaming dalawa ni Bianca sa may papuntang lawa para hanapin si Mindy, ang nawawalang ka-cabin ni Kelly. Paniguradong si Kelly nanaman ang masisisi oras na may mangyaring masama sa kasama niya.
"Aly, anong huling suot nung babae?"
"'Di ko alam. Malay ko ba sa babaeng 'yun kung anong suot niya ngayon."
Kaliwa't kanan ang paglipat ko sa flashlight para lang maaninag ang nawawalang si Mindy. Narinig ko rin kasing parang may sumigaw habang nagluluto ako ng pagkain namin sa cabin. Wala namang ibang sisigaw nang ganun kalakas kung hindi si Mindy.
"Aly, natatakot na ako." Aniya habang hinahagod ang magkabilang braso.
"Alam mo, wala pa tayong nakikita natatakot ka na. Maghanap ka, gaga!"
Natahimik lang si Bianca dahil sa emosyon ko. Mabilis akong magalit at magkaroon ng panic attack sa oras na may nangyayaring hindi maganda. Pero kapag si Kelly ang kaharap ko, Anger Issues ang unang nararamdaman ko.
KELLY'S POV
Dahil sa layo ng pinaghanapan ko kay Mindy ay napansin kong parang ako na lang ang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Tanging mga huni ng mga ibon at mga naaapakang dahon na lang ang tanging naririnig ko sa paligid. Nilingon ko ang sarili ko sa buong paligid para tingnan kung may kasama pa ba akong naghahanap.
Nagsimula nang lumamig ang pakiramdam ko sa takot. Ako na lang ang nag-iisang naglalakad sa madilim na kagubatan, hawak ang nag-iisang flashlight na nagpapatay-sindi pa.
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...