Chapter 14

1 0 0
                                    

Chapter 14: Avoid Kelly Anytime

ALYSSA'S POV

Pagkatapos kong makipag-plastikan kay Ma'am Riza ay nagtungo na ako sa library para sunduin si Bianca, na dapat sana ay ako ang susunduin. Sa tinagal ba naman niya sa library, baka mauna na ako sa una kong klase. Nakarating na ako sa may pintuan ng library para tumayo at mag-abang kay Bianca. Wala rin akong ideya kung bakit ang tagal niya sa loob para hindi niya ako masundo.

"Sige po, thank you." Mahinang sambit ni Bianca habang palabas ng pintuan.

"You b—" Napahinto ako sa pagsasalita nang sumigaw siya.

"Aaahh! Ano ba?!" Malakas niyang sabi. Ihahagis na sana niya ang libro sa sobrang gulat pero nakatayo ako sa harapan niya, at hindi niya maaaring gawin 'yun sa akin.

"Bwisit ka talaga. May pa-copy copy ka pang nalalaman, hindi mo rin pala ako susunduin sa facade." Pagalit kong sabi.

"Sorry. Tagal kasi ni Ma'am Castro." Sabay kamot niya sa anit.

Dito sa library namin ay matagal talaga ang serbisyo, lalo na kung ang librarian ay si Ma'am Juanita Castro. Minsan, binabackstab ko na lang siya bilang si Ma'am Turts, kasi kasing bagal niya ang pagong kapag may ipapakuhang libro o anything ang estudyante na hindi nila mahanap, kaya laging kay Ma'am Turts sila kumakapit. Ang ending, minsan mga 30 minutes late na. 25 years na rin kasi si Ma'am Turts na nagsisilbi sa library namin kaya siguro dahil na rin sa katandaan. Senior na yata siya kaya mabagal na kumilos.

"Unang-una, bakit ka pa hihiram ng librong 'yan sa library kung meron naman akong PDF niyan sa iPad ko?" Mataray kong sambit habang naglalakad kami papunta sa aming unang subject.

"Malay ko bang meron ka. Hindi ka naman nagsasabi na meron ka pala." Sarkastiko niyang sagot kahit alam kong alam ni Bianca na marami akong PDF ng mga lessons ngayong 1st term. Bwisit.

"Ah, so kasalanan ko pa? Hindi ka nagtatanong e." Patago ko siyang inirapan sa sobrang inis.

"Hindi ka nag—"

"Shhh! Shut up! Alam kong binigyan kita ng mga link ng PDF pero hindi mo na-save. Tama?" Bigla kong tingin sa kaniya.

"Ok, fine! Pero nahiram ko na 'yung libro." Matamlay niyang sambit. Bakit kasi ang shunga shunga mo Bianca at nanghiram ka pa sa kupad na librarian na 'yun?

"Huwag mo nang ibalik. Baka 30 minutes ka pa maghintay bago ka makapirma sa logbook niya. Tsaka isa pa, sa akin ka na kumuha ng mga link ng mga subjects at lessons, kaysa makipagsabayan ka pa kay Ma'am Turts."

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa aming unang room. Pagpasok pa lang namin ay sumalubong sa amin ang silid na walang katao-tao. Tanging dalawa pa lang kami ni Bianca ang nasa loob. Ang boring kasi kung maghihintayan kami, kaya mas gusto kong ma-late sa klase kaysa mauna.

"Nyeta naman. Anong oras na ba?" Naiinis kong sabi. Tataas nanaman ang blood pressure ko nito sa sobrang inis.

"7:27." Sagot niya lamang.

"Ano?! 7:27?!"

"Oo te. Alam mong 8:00 ang first subject. Nagulat nga ako na maaga ka ngayon."

"Well, umupo na tayo at maghintay nalang tayo sa bench. Iwan mo na rin 'yung bag mo sa upuan para walang mang-agaw."

Isa-isa naming iniwan ang mga gamit namin habang cellphone at wallet ko lang ang tangi kong dala bago kami lumabas ng silid. Maghihintay nanaman kaming dalawa ni Bianca ng ilang minuto para lang sa wala. Nang makahanap kami ng pwesto sa mga hilera ng upuan ay kaagad kaming umupo. Inumpisahan naman ni Bianca ang usapan dahil matagal kaming hindi nagkita.

CampfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon