Chapter 17

1 0 0
                                    

Chapter 17: Jailbreak

ALYSSA'S POV

Parang may narinig akong naglakad sa may kawayanan na malapit sa amin. Nilingon ko ito para silipin kung saan ba nanggaling ang misteryosong tunog na 'yun. Sa sobrang kuryosidad ay hindi ko na napigilang puntahan ang pinagmulan ng tunog na 'yun. Imposibleng may ibang tao rito sa crime scene na hindi naman inimbitahan ng mga awtoridad, maliban na lang kung taga-rito sila. Dahil madilim ang paligid ay wala akong naaaninag na kahit anong anino o kahit 'yung korte ng katawan. Pero parang may napansin talaga ako kaninang tao, pero dahil nga madilim ay hindi ko rin alam kung ano 'yun. Luminga-linga lang ako sa paligid para makasigurong wala talagang tao sa paligid namin.

"Miss Villareal—" Biglang tawag sa akin ni Chief Rosales, ang in-charge sa krimen. Dali-dali akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina dahil baka may sasabihin sila sa akin.

"Yes chief?"

"Nandito na 'yung pamilya ni Miss Mendoza. Tumabi muna kayo ng mga kasama mo."

Napatingin na lang ako sa kaliwa ko at napaatras kami dahil dali-daling tumakbo si Tita Fedelina, ang mama ni Kathy. Sa oras na 'to ay hindi ko na alam kung anong sasabihin sa kaniya. Kami ang huling kasama ni Kathy bago siya umalis sa campus, pero wala kaming alam sa mga sumunod na nangyari. Habang pinapanood kong humagulgol ang mama ni Kathy ay sumabay naman ang luha ko kasama ang panlalamig ng katawan. Kinakabahan na rin ako at baka sa akin isisi ang pagkamatay ni Kathy.

"Anak kooo! Anak ko, Kathy!" Napaluhod na lang si Tita Fedelina sa sobrang hagulgol. Hindi niya rin mahawakan ang bangkay nito dahil sa sinapit na pagwakwak sa katawan niya.

"Mrs. Mendoza, our deepest condolences po." Sabi ni Chief Rosales habang hinihimas nito ang likod ng ina ng biktima.

"Sinong demonyong gumawa nito sa anak ko!" Malakas niyang banggit. Ilang saglit lang ay dahan-dahan niyang nilingon ang kaniyang ulo sa direksyon ko para makatingin siya sa akin nang masama. Napalunok na lang ako sa takot na masisi.

"Tita—"

Ang sana'y pagluluksa ng ina ay napalitan ng poot at galit nang bigla niya akong sugurin at sabunutan. Sabi ko na nga ba, ako ang masisisi sa nangyari. Bakit ba ako na lang lagi?

"Hayup ka! Ikaw ang huling kasama ng anak ko! Saan mo siya dinala?!" Sabi niya hahang sinasabunutan ako.

"Tita, hindi po siya nagsabi sa amin!" Naiiyak kong sabi, saka siya inawat ng mga pulis para hindi pa niya ako masaktan.

"Sinungaling ka! Huling chat ng anak ko, ikaw ang kasama niya! Hayop ka!"

Parang tumigil ang mundo ko nang sabihin niyang ako ang huli niyang ka-chat bago siya mawala o mamatay. And worst part, ako pa ang chinat niyang kasama ko. Samantalang maghapon ako sa coffee shop at kakauwi ko lang ng bahay bago ko mabalitaan ang pagkamatay ni Kathy.

"Tita, hindi po totoo 'yan!"

"Demonyo ka! Dapat lang talagang namatay ang pamilya mo! Mamamatay-tao ka!" Nanlaki ang mga mata ko at nagdilim na ang paningin ko nang sabihan niya akong mamamatay-tao.

"Ah ganon! Sayang lang ang respeto ko sa'yo kung ganiyan ka lang din sa akin! Wala kang karapatang sisihin ako—"

"Dapat lang! Hayop ka!" Sabay duro niya sa akin.

"Girls, enough! Mabuti pa pumunta kayo sa presinto at doon namin kayo hihingian ng inyong statements." Biglang sabi ni Chief Rosales para pumagitna siya sa away namin at para matapos na rin ito.

"What? Pati ako?"

"Oo. Ikaw ang tinuturo ng magulang kaya dapat kang sumama sa amin."

"Pero—"

CampfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon