Chapter 11: You're Not Welcome
KELLY'S POV
Nagulat ako nang kumatok si mama sa pintuan para pababain na ako. Hindi ko pala namalayang ang tagal ko na dito sa CR. Bumaba na kaagad ako para kumain dahil gutom na ako.
"Sis, ang himbing ng tulog mo kanina." Pabirong sambit ni Denise habang kumakain ng hotdog.
"Nahiya naman ako sa'yo kagabi, humilik ka pa." Sabay tawa ko.
"Ay nako, mabuti pa Kelly umupo kana at magsandok kana ng pagkain mo dito sa lamesa. Mamaya na mag-chikahan, kayong dalawa talaga."
"Si mama naman."
Kahit bagong araw ngayon ay hindi pa rin maalis aa utak ko ang napanaginipan ko. Parang masakit pa rin ang leeg ko dahil sinakal ako sa panaginip ko na 'yun.
"Ma, may efficascent oil po ba kayo? Pahingi naman." Sabi ko habang hinahagod ang kaliwang parte ng leeg ko kung saan ko nararamdaman ang sakit.
"Bakit? Anong nangyari sa leeg mo?" Nag-aalalang sabi ni mama at maiging nakatingin sa leeg ko.
"Masakit nga. Na-stiff neck, kanina pa masakit pagkabangon ko."
"Sige, mamaya pagkatapos mong kumain kunin mo dun sa may drawer ko, 'yung pinagpapatungan ko ng lampara."
"Ok."
"Sis, balita ko nakaburol na 'yung mga abo ng pamilya ni Alyssa. Totoo ba?" Nagulat ako sa sinabi ni Denise dahil nauna pa siyang makaalam kaysa sa akin.
"Malay ko sa'yo. Ano bang sabi?"
"Nakalagay sa post ni Pauline kanina na my condolences my beloved sister, tapos naka-tag si Alyssa. Tapos naka-post 'yung pictures na nakalagay sa urn 'yung mga abo tsaka nakaayos na ang burol." Paliwanag ni Denise.
"Pupunta ba tayo?"
"Hmm." Sabi lamang ni Denise sabay iling nito. Ibig sabihin ay ayaw niyang pumunta sa lamay.
"Bakit?"
"Sis, alam mong magkaaway kayong dalawa. Baka ibuhos niya 'yung abo ng pamilya niya sa mukha mo."
"Denise, hindi naman siguro gagawin ni Alyssa na ibuhos ang abo sa anak ko." Nakisabay na rin si mama sa usapan, alam kong gusto rin ni mama na sabunutan ang babaeng 'yun.
"Tita, alam mo naman 'yung ugali nun." Katwiran ni Denise.
"Subukan niya lang gawin kay Kelly 'yun, ako mismo magpapakain sa kaniya ng abo ng pamilya niya, kasama ang lagayan."
"Teka pala ma, nasaan si Kuya?" Nagtataka kong tanong dahil wala si Kuya simula nang umuwi ako kagabi, o baka hindi ko lang naabutan.
"E 'di pumasok na. Hinatid niya si Kallie sa school. Bakit mo naman natanong?"
"Wala po. Hindi ko rin po siya napansin kagabi."
Sa oras na ito ay ninanamnam ko ang bawat butil ng sinangag at mga hiwa ng hotdog na unti-unting kinakain ng bibig ko. Ang sarap talaga magluto ni mama. Pero, naalala ko pala si Ate nung nandito pa siya sa Pilipinas. Sa lahat sa amin dito sa bahay, si Ate Kristine ang pinakamasarap magluto. I think, kahit marunong din magluto si mama ay nagaya niya ang style ni Ate Kristine kaya mas sumasarap ang mga luto niya.
"Ma, kailan pala uuwi si Ate? Matagal ba siya sa Dubai?" Walang gana kong sambit. Nalulungkot din ako dahil limang taon na mula nang pumuntang Dubai si Ate, at puro chat at video call nalang ang tanging nakakapag-konekta sa amin.
"Sabi niya kagabi, kung matutuloy ang endo niya sa kumpanya niya doon, uuwi siya by next month. Pero kapag hindi, e 'di tuloy parin ang trabaho niya doon."
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...