Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6: It's Your Fault

AUTHOR'S NOTE:

For those who are still curious kung bakit bunso si Kelly sa Chapter 1 pero may bunso silang kapatid sa Chapter 4, don't worry kasi po may story yan. There is a reason kung paano nangyari 'yon. Ma-eexplain din 'yan sa mga next chapters. And, marami pang flashbacks na mangyayari sa story.

Love,
GVB

KELLY'S POV

Sira nanaman ang araw ko. Sa dinami-dami ba naman ng mga sosyal at magagandang kainan dito sa Montenaro, dito pa talaga sila pumunta? Sa bagay, hindi ko din naman alam na dito rin sila kakain. Pero nag-aalala ako dahil baka sugurin nanaman niya ako kagaya ng panunugof niya sa akin noong nakaraang araw.

"Anong ginagawa mo dito?" Pataray niyang sambit habang nakapamewang at nakapatong ang dalawang braso.

"Same." Tugon ko nalang.

"Anong same? Gaga ka ba?"

"Hindi, sadyang sabaw ka lang! Ibabalik ko rin yung tanong mo, anong ginagawa mo dito?"

"None of your business, so get out!" Binangga niya ako para makalabas siya ng CR habang ako naman ay nakatingin sa kaniya.

"Bakit kaya siya nandito?" Sabi ko nalang sa sarili ko.

Wala talaga akong ideya na dito din sila pupunta. Napansin ko din na kasama niya ang kaniyang pamilya, siguro ay may selebrasyon silang gagawin. Pero wala na ako don, wala na akong pake ka kung anong gagawin nila dito.

ALYSSA'S POV

Nang makabalik ako sa table ay padabog kong pinatong ang bag sa table at saka nanaman ako nag-drama. Ibang klase ka talaga, Aly. Sa harap pa talaga ng papa mo ikaw magdadrama eh.

"Aly, what happened?" Tanong sa akin ni mama. Ayoko sanang sagutin kaso baka malagot ako kay papa niyan.

"Kasi naman, bakit pa tayo nandito?"

"Hey! Don't talk to your mother like that. Unang-una sa lahat, ikaw ang nag-aya dito tapos ngayon sasabihin mo bakit tayo nandito?" Pagalit na sabi ni papa. Sabi ko na nga ba eh, ako nanaman ang masisisi dito.

"Nandito po si Kelly, I don't want her to be here." Sabay irap ko.

"Aly, wala kang magagawa kung nandito si Kelly. Public place ito kaya huwag kang mag-inarte diyan na akala mo tayo-tayo lang."

"Teka, galit ka nanaman kay Kelly? Hanggang ngayon?" Tanong ni dad.

"Yes, dad. Hanggang ngayon."

"Hay nako, bakit ba ang laki ng galit mo sa babaeng 'yun?"

"Naalala mo dad nung family day noong grade 6 ako? Hindi ba't tinawanan niya ako noong nagbaon ako ng siomai habang siya eh naka-pochero? Then nung nataasan niya ako ng ranking before graduation."

Bwisit talaga si Kelly sa buhay ko. Lahat na ng pangarap ko nakuha na niya at kukunin niya pa. Iba talaga nagagawa ng mabait sa akin, nang-aagaw ng karapatan.

"And so? That's it, Aly? That's all?" Sabi ni dad.

"Meron pa. Nung last eh pinagbintangan niya ba naman akong gumupit sa uniform niya kahit hindi naman. Such a waste of time na makipag-away diyan sa babaeng itlog na 'yan."

"Watch your words, Aly! Marinig ka ng mga tao dito sabihin hindi ka namin tinuruan ng tamang ugali." Sabi ni mama sabay subo niya sa straw ng iced coffee.

"Waste of time ba talaga? Eh ikaw ang unang sumusugod kaya ka nga na-suspend sa university, 'di ba?" Sabay sabi ni kuya. Shit!

Tumingin ako ng malala kay kuya nang may halonh nerbyos dahil baka hindi pa alam ni papa ang nangyari sa akin. Dahan-dahan naman akong tumingin kay papa para tignan ang reaksyon niya.

CampfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon