Chapter 7: First Encounter
WARNING: SENSITIVE CONTENT!!!
KELLY'S POV
Gabi narin ako nakauwi sa bahay, suot ang tinapunang uniform. Tinapunan ni Alyssa kahit wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya, even from the past times. Matamlay akong pumasok sa loob ng bahay kasama si Denise. Naabutan ko pa sila mama sa kusina na nagluluto ng pagkain. Gulat na gulat si mama nang makita ang itsura ko.
"Kelly? Anak, anong nangyari sa'yo?" Sabay takbo niya papalapit sa akin at saka niya hinimas-himas ang braso ko.
"Si Denise na po." Sagot ko nalang sa kaniya. Hindi ko na din kayang magsalita dahil sa nangyari.
"Kelly, kausapin mo ako. Anong problema?" Hindi ko na tinignan si mama nang sabihin niya 'yan. Wala talaga akong gana ngayon. Si Denise na ang bahalang kumausap kay mama.
DENISE'S POV
Umakyat nalang si Kelly nang hindi man lang kinakausap ang kaniyang mama. Dahil sinabi niyang ako nalang ang mag-kwento, edi wow.
"Denise, anong nangyari sa anak ko? Bakit ganiyan 'yan?" Nag-aalalang sabi ni tita sa akin habang niyuyugyog ang mga braso ko.
"Tita, si Alyssa po."
"Oh? Anong ginawa ng babaeng 'yan sa anak ko?"
"Hindi naman po namin alam na dun din po sila kakain ng pamilya niya sa coffee shop sa may malapit sa arko? Then, ayun po. Sinugod niya po basta-basta. Bigla nalang niya pong inaway si Kelly nang walang dahilan."
"Ano? Inaway niya ang anak ko?" Pasigaw na sambit ni tita. Hindi na niya napigilang magalit dahil sa sinabi ko.
"Op...opo. Tapos po eh, tinulak niya po si Kelly sa lagayan ng mop tapos po tinapunan niya pa po ng kape kaya ganun nalang po ang nangyari sa uniform niya. Sorry po tita, hindi ko po naipagtanggol si Kelly nung binuhusan siya ng kape." Napaupo nalang ako sa sobrang lungkot ng mood ko.
"Walang hiya talaga 'yang babaeng 'yan! Humanda siya sa—"
"Tita, huwag na po." Sabay sabi ko kasi alam kong gaganti si tita kay Alyssa.
"Anong huwag na? Don't tell me na kinampihan mo 'yung bruhang 'yon?"
"Hindi naman po, tita. Huwag nyo na pong gantihan kasi sariling magulang niya na po ang gumanti sa kaniya, kaya hindi niyo na po kailangang awayin si Alyssa." Pagmamakaawa kong sabi. Totoo naman kasi kung papatulan din ni tita si Alyssa, malaking gyera na 'to kung magkatotoo man.
"Ok." Sabay hinga niya nang malalim.
"Una na po ako—"
Biglang hinawakan ni tita ang mga braso ko. Feel ko ay ayaw akong paalisin ni tita dito hangga't hindi pa ok si Kelly.
"Nak, huwag mo munang iwan ang anak ko, ok lang ba? Sure akong malalang depression at trauma ang epekto nito ngayon sa kaniya. Kailangan tayo ni Kelly ngayon." Bigla namang bumagsak ang luha ni tita sa sinabi niyang 'yon. Ako din ay hindi ko na napigilang umiyak.
"Ok po tita. Pero magpapaalam muna po ako kay mama tsaka 'yung mga gamit ko po kukunin ko lang po sa bahay."
"Sige. Bumalik ka rin ah."
"Yes, tita. I promise." Sabay yakap ko nang mahigpit kay tita. Umalis na ako sa bahay nila Kelly para kunin ang iba kong gamit at makapagpaalam na rin kay mama.
ALYSSA'S POV
Nang sumigaw ako na papasukin na sa loob si papa ay kaagad lumingon sa akin sila mama. Malakas at nagmamakaawa na ang tono ng boses ko dahil palapit nang palapit ang killer sa amin.
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...