Chapter 19

1 0 0
                                    

Chapter 19: Days Before the Camping

KELLY'S POV

It's Saturday. Lahat ng estudyante at mga professor ay aligaga ngayong araw sa kani-kanilang mga gawain sa University dahil sa darating na Lunes ay pupunta na kaming lahat sa aming 5-day Camping Activity. 'Yung iba ay todo-ensayo na sa mga gagawing sayaw at kanta. 'Yung iba naman ay mabusisang nag-aayos ng mga dekorasyong isasabit at ikakabit sa mismong camp. Nandito na rin ang ibang mga taga-Camp Pineville para kunin ang official and final list ng mga kasama sa activity.

"Kelly!" Napalingon ako sa likuran nang tawagin ako ni Denise habang dala ang ibang dekorasyon.

Nakatoka pala kaming dalawa kasama ang iba pang estudyante sa dekorasyon. Kaya kahit anong galaw namin dito ay kailangang maingat at maayos.

"Bakit?" Tanong ko habang nakayuko at nagpipintura ng mga banners.

"Ito pala 'yung mga pinadala mong mga banderitas. Ang dami nito." Nahirapan man siyang magsalita dahil sa bigat ay nairaos pa rin niya itong buhatin.

"Ibaba mo na kasi diyan sa tabi ko. Ayusin mo para hindi mabuhol." Utos ko.

"Yes madam." Pabiro nitong sagot.

"Teka, kunin mo pala kay Sir Chavez 'yung mga crepe paper at tape. Nandun siya sa South Building 6th Floor K229."

Nang marinig ni Denise ang panibago kong utos ay nakaramdam siya ng panghihina ng mga paa. Sasabihin kong kaartehan ito dahil kanina ay nabuhat niya pa ang mga gulong na gagamitin sa palaro. Partida 10 gulong ang isa-isa niyang ginulong paakyat ng truck na magdadala ng ibang gamit sa camp.

"Nyeta naman oh! Ang layo, nasa North Building tayo pinakababa tapos papapuntahin––"

Hindi na nakapagsalita si Denise nang sumabat ako sa reklamo niya. "Nyeta ka rin! Gusto mong ipahid ko 'tong paint sa'yo? Go na!"

"Kasi naman!" Reklamo niya pa.

"Nabuhat mo nga 'yung gulong kanina tapos simpleng gamit––"

"Oo na... Po!" Aniya kasabay ang madiin na pagpadyak ng kaniyang mga paa palayo sa akin. Nanggigigil na ito sa dami ng utos ko.

Hindi ko na rin kasi maharap umalis sa pwesto ko dahil sa mga pinturang naipahid sa kamay at damit ko. Mabuti nga at kinansela ang klase namin para maglaan ng oras para rito sa pag-aayos ng mga gamit.

Nang matapos akong magpintura ng mga welcome banners ay namalayan kong hindi pa rin nakakabalik si Denise mula sa South Building. Naka-anim na akong banner at ilan na lang ay matatapos na ako sa gagawin ko, pero wala pa rin si Denise.

Nagdesisyon na akong puntahan muna siya saglit para sunduin. Pinabantay ko ang ibang mga nagawang banner sa mga kasama namin para kung sakaling may dumaan o gumalaw nito ay alam nilang may pahintulot ko.

Naglalakad ako sa hallway na papuntang South Building nang maaninag ko ang nanghihina at nababagalang si Denise. Jusko, iilang packs lang na crepe paper at tape ang dala niya, ngayon pa siya nahirapan.

"Kelly! Ina mo talaga!" Nagawa niya pang sumigaw sa kabila ng kapaguran niya. Maarte talaga ito kahit kailan.

"Ina mo din! Dalian mo para matapos na!"

"Teka lang ah! Ginawa mo naman akong yaya sa mga inuutos mo sa akin."

Nang magkalapit na kaming dalawa ay sinalo ko ang mga gamit na yakap niya dahil malapit na itong mahulog. Ang gaan-gaan ng dala niya, tapos ngayon siya magrereklamo sa akin na pagod na siya.

"K-kelly, t-tama na." Nanghihina nitong sambit. Kitang-kita ko sa mga mata ko ang tagaktak ng pawis sa kaniyang katawan at ang buhaghag na buhok.

"Arte mo naman, gulong nga nabuhat mo, tapos itong ilang gramong gamit lang hindi mo pa mabuhat." Giit ko.

CampfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon