Chapter 5: Crazy Nightmare
ALYSSA'S POV
Shit! Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng sakal sa akin. Hindi ko rin makita kung sino yung sumasakal sa akin dahil hindi ko rin mailingon ang leeg ko. Pinilit kong lumingon sa salamin na medyo katapat ko at dun ko nakita sa likuran ko kung sino ang walang hiyang sumasakal sa akin. Nanlaki nalang ang mga mata ko sa sobrang takot, at nang hindi na ako nakahinga ay saka dumilim ang paligid ko at bumagsak na ang katawan ko.
"Aly, gumising ka!" Sigaw ni mama.
Wait, buhay pa ako? Bigla akong dumilat at saka bumangon ng mabilis. Hinihingal din ako tsaka pawis na pawis. Iba pala ang pakiramdam ng binabangungot, pinagpapawisan kahit naka-aircon. I can't imagine na ganito kalalang bangungot ang aabutan ko.
"Mom!" Sabay yakap ko kay mama. Hinagod ko ang aking buhok at saka ako huminga nang malalim.
"Binangungot ka, anong nangyari?" Pag-aalalang sabi niya.
Isa ka din na plastic, pagkatapos mo akong pagalitan kanina, maglalambibg ka sa akin ngayon. Anyways, apology accepted dahil dala mo yung gatas ko.
"Ayun na nga, may sumakal po sa akin ng mahigpit sa likod ko. Pero bago po 'yun nangyari eh parang may nakita akong nakatayo sa may waiting shed."
"Nakatayo? Saan?"
"Mom! Bangungot nga 'di ba? Saka nakita ko kung sino yung sumakal sa akin."
"Sino ba?"
Bago ko sabihin kung sino ay dahan-dahan muna akong lumingon sa salamin, kung saan ko nakita 'yung taong sumakal sa akin. Kung mangyari man sa akin ang napanaginipan ko ay handa talaga akong makipag-patayan para mabuhay.
KELLY'S POV
Parang sa tono ng pagsasalita ni mama ay hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Nakita naming dalawa ni Denise na may taong nakatayo sa may puno pero bakit parang wala lang sa kanila 'yun?
"Denise, totoo ba 'yung sinasabi ng anak ko?" Aba'y tinanong pa si Denise. Hindi ba sapat ang mga sinabi ko para maniwala siya sa akin? Kailangan ba may CCTV pa para maniwala sila? Argh!
"Uhm... opo tita. Totoo po yung sinabi niya."
Huminga si mama ng malalim habang ako naman ay nakatitig nang malala kay Denise na akala mo'y parang may tinatago. Ganun talaga ako kapag may taong gusto akong ilaglag o baligtarin.
"Kelly—"
"Ano nanaman po?" Pasigaw kong sabi. Nakakainis na.
"Matulog kana at puyat lang 'yan. Mabuti pa iligpit na natin 'yung mga natirang pagkain at initin nalang bukas ng umaga. Denise, dito ka muna matulog. Samahan mo yung anak ko, ok?"
Huh? Bwisit! Sabi ko na nga ba, hinding-hindi parin maniniwala si mama. She always believes what she wants to believe. Ewan ko ba sa mama ko na 'to, may sariling mundo. Napanganga nalang din ako sa sinabi niya at ayoko nang mag-away pa kami dahil lang sa punyetang tao sa puno.
"Kelly, never magkakaroon ng masamang kaluluwa sa bahay o sa labas ng bahay natin. Pina-house blessing ko ito kay bishop, remember?"
Yabang, oo alam ko namang pina-house blessing mo kay bishop itong bahay pero huwag sa ganiyang paraan. Nayayabangan ako.
"Oo na. Denise, let's go!"
Sa sobrang inis ay umakyat nalang ako sa kwarto at hinintay si Denise na pumasok sa loob. Naalala ko pala na nagpaalam si Denise na mag-oovernight dahil gusto niya akong samahan after ng nangyari sa amin ng bruhang 'yun, si Alyssa. Oo, bruha siya!
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...