Chapter 25: The Killers' Daughter
THIRD PERSON'S POV
Hindi maiwasan ni Eva ang humagulgol habang pinipilit na iluwal ang batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan. Hindi rin ito mapakali sa sakit na dinaramdam habang nasa operasyon.
"Isa pa, miss! Isa pa!" Paulit-ulit na sigaw ng kasama niyang kumadrona at doktor na nakapalibot sa kaniya.
"Hinga ng malalim, hinga." Mahinang sambit ni Emman habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ng kaniyang asawa.
"One...two..."
Sa pagkakataon iyon, may isang anghel ang isinilang sa mundong ibabaw. Isang anghel na magiging kasama at katuwang nila sa buhay.
Isang anghel na magdadala sa kanila ng kaligayahan.
"Three—"
"AAAAHHHH!!!"
Nang mailuwal na ang isang batang babae mula sa tiyan ni Eva ay maingat itong binuhat ng kaniyang kumadrona at dali-dali itong inabot sa kaniya. Labis na kasiyahan naman ang naramdaman ng mag-asawa habang dinadala palapit sa kanila ang bata.
"Eva, anong ipapangalan natin sa bata?" Natutuwang tanong ni Emman habang buhat-buhat at sinasayaw ang bata.
"Denise. Denise lang."
Sa paglipas ng mga taon, ang batang Denise ay nakaranas ng matinding problema sa buhay. Para bang binawi lahat ng mga magagandang alaala sa kaniya matapos ang pinakamasakit na pangyayari sa kanilang buhay.
At ngayon, ang dapat sana'y magdadala sa kanila ng swerte at kaligayahan sa buhay ay ang magdadala pala sa kanila sa kapahamakan. Ang magbabalik sa kanila sa mga araw na ayaw na nilang balikan.
KELLY'S POV
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo sa katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nasa likod ko na siya at anumang oras ay pwede na akong mawala sa mundong ito.
Parang isang ikot ko lang, katapusan na ng buhay ko.
"I said, what are you doing here?!"
Dahil sa sobrang konsensya at takot ay dahan-dahan akong umikot at humarap sa kaniya. Wala na akong ibang magawa kung hindi tumayo na lang at harapin ang takot. Hindi na ako makakatakas sa kanila, pwes mas lalong hindi sila makakatakas sa akin.
"Denise? Anong ginagawa mo dito?" Sarkastiko kong tanong kahit alam kong alam niyang nandito ako sa loob at sa tingin ko ay alam niya rin kung anong balak ko sa kanila.
"Binalik mo lang 'yung tanong ko. Ikaw ang biglang pumunta sa clinic kaya ikaw ang dapat tanungin."
Napansin kong nag-iba na ang ugali ni Denise nang pumasok kami sa camp. Para bang madalas na niya akong nilalayuan at madalas na rin siyang magtungo sa clinic. Siguro ay pumupunta siya rito para tumambay o sadyang masakit talaga ang ulo niya.
O baka naman may sikretong tinatago ang mga ito kaya madalas siyang magpunta?
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Anong relasyon ninyo ni Nurse Eva? Anong meron sa inyo na hindi ko alam?"
Parang sa puntong iyon ay handa na akong talikuran at itakwil siya bilang kaibigan ko. Naging tanga-tanga ako sa part na 'yun dahil marami na akong alam tungkol kay Denise, pero meron pa pala. Mas malala pa ito kunpara sa mga dati niyang sikreto.
"Sis, wala kang dapat alamin dahil wala naman kaming relasyon ni Nurse Eva." Pagpupumilit nito. Sa tono ng boses niya ay para bang may tinatago siyang sikreto.
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...