Chapter 10: Blame Kelly
ALYSSA'S POV
Hindi parin kami matapos-tapos ni Selena sa kwentuhan namin. Ang dami na naming ganap sa buhay kaya ang dami rin ng mga istoryang sinasabi namin sa isa't-isa. Hanggang sa napunta kami ulit sa usapan tungkol kay Kelly. Ayaw ko na ngang pag-usapan ang babaeng 'yan pero bakit parang gusto pa ni Selena na marinig siya?
"So, sabi mo nga kanina ay hindi pa kayo ok ni Kelly, tama?"
"Pwede ba? Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng bakulaw na 'yan." Naiinis kong sabi sabay sandal ko sa upuan.
"You're blaming her for what happened to you, right?"
"Yes, and she is the only person to blame for this. Why?"
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. I think masinsinang usapan na ang gagawin niya dahil nga parang alam niya ang nangyayari sa akin.
"Naiisip mo ba minsan na, it's a sign of immaturity? Kasi sa pagkakakwento mo, you are blaming her sa lahat ng nangyari sa buhay mo, kahit wala naman siya."
"Alam mo, simula nang agawin niya lahat sa akin, pagiging campus crushie ko, pagiging valedictorian ko noong elementary, lahat ng dapat sa akin nasa kaniya na. And since then, nagdilim na ang paningin ko sa tuwing makikita ko siya."
"Sa tingin mo ba nagdidilim din ang paningin niya sa'yo?" Sabi ni Selena.
Napaisip ako tuloy kung bakit ko nga ba inaaway si Kelly. Yes, may galit nga ako sa kaniya, pero may galit ba siya sa akin? Oo, meron 'yan pero mas matindi ako magalit eh kaya walang kawala ang babaeng 'yan sa akin.
"Minsan." Sagot ko na lamang.
"Minsan? Eh ikaw, lagi. You're blaming her for nothing, Alyssa. Ikaw at ikaw lang ang gumagawa ng dahilan at paraan para mag-away kayo."
"You know what? If you want to support her more than me, then get out of my face!" Sabay turo ko sa pintuan kung saan pwedeng lumayas si Selena.
"What are you talking about? You want me to leave just like this?"
"It's your choice kung aalis ka o mabulok ka kakasatsat diyan tungkol kay Kelly dahil wala akong pake—" Bigla niyang hinampas ang lamesa para matigilan ako sa pagsasalita.
"Hindi ako nakikipagtalo at hindi ako pumunta dito para awayin ka. Alam naming masama ang ugali mo, pero sana isipin mo din kung bakit ka nagiging masama. Isipin mo nang maayos. Ngayon, kung wala naman palang dahilan ang galit mo kay Kelly, para saan pa ang galit mo sa kaniya? Alyssa, graduating kana pero kinder parin ang ugali mo."
"Please, shut up!"
"I don't want to shut up!" Sigaw niya. Natakot ako nang kaunti dahil hindi ko nakitang magalit nang ganito kalala si Selena. Pinagtinginan na rin kami ng ibang crew at customers.
"I'm sorry." Walang gana kong sabi.
"Tignan mo, ikaw ang nag-uutos sa akin na manahimik ako. Alam mo, matuto kang magmuni-muni ngayo't wala na ang pamilya mo. Sa tingin mo ba, gusto nilang ganito ka nalang palagi, huh? You don't deserve a new family if you don't want a good manner, gusto mo ba 'yun?"
"Ayaw ko. Ayaw kong mag-isang mabuhay."
"Ayaw mo pala. Kung wala namang ginagawa si Kelly sa'yo, then walang problema. Kung hindi mo siya papakialaman, then hindi ka rin niya papakialaman. That's all."
"Pero—"
"Walang pero pero. Feel ko ikaw din ang nagdidikta ng mga desisyon niya sa buhay kaya ang laki ng galit mo, tama ba?"
BINABASA MO ANG
Campfire
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 3) Welcome to Camp Pineville! It is the site of famous scout campings and film locations. For Kelly, this is the opportunity to get out and about in the coming long weekend. It was all planned and there was nothing they...