Nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain bago pumunta ulit sa gym.
“Mamayang 1:00 na tayo pumunta, pahinga muna tayo dito.” saad ni Gelyza.
Sumang-ayon naman kami dahil ang init nga naman maglakad pabalik doon.
“Mamaya na talaga tayo pumunta, tingnan niyo sa gc nagkakagulo kung saan na naman mag prapractice.” saad naman ni Norelyn at pinakita samin ang cellphone niya.
“Hayaan niyo nalang muna sila magdesisyon baka may matadyakan ako don e,” iritang saad ni Divine.
Natatawa akong bumaling sakanya. “Galit ka pa rin?”
“Galit naman yan palagi,” saad ni Angel dahilan para magtawanan kami.
Tiningnan ko ang gc namin at nakitang nagdadalawang isip sila kung doon pa rin ba mag prapractice dahil marami nang pumunta doon o sa eskwelahan nalang ng elementary.
“Tara na,” saad ko nang mag ala una na at napagdesisyunan na nilang sa central mag practice.
Pagkarating namin doon ay masama agad ang tingin nila saamin.
“Kayo naman daw ang tuturuan, kabisado na kasi namin.” saad ni Solen at inirapan kami. Kita ko ang pagpigil sakaniya ni Kent kaya tumahimik ito.
Nakakadalawang practice palang kami nang biglang makisali na naman si Solen at Lianne sa practice. Dahil kaunti lang ang lalaki ay wala na kaming partner dahil linapitan nila.
“Akala ko ba kabisado niyo na? Papansin din kayo e 'no?” naiinis nang wika ni Gelyza.
“Gusto din naming mag practice 'no,” saad ni Solen at inirapan kami.
“Alam niyong hindi um-attend ng practice ang ibang lalaki at sila lang ang pwedeng magturo samin tas biglang gusto niyo ding magpractice? Para ano? Para wala kaming partner?” naiinis nang wika ni Norelyn. Agad kong hinawakan ang braso niya para pakalmahin.
“Aba, hindi na namin yun kasalanan 'no. Tsaka, kasalanan ba namin kung tatanga tanga kayo at hindi kayo nagprapractice?" panggagatong pa ni Lianne.
“Tama na nga kayo!” sigaw ni Mr. President pero walang nakikinig sakaniya.
Nang pumagitna si Divine ay akala ko rerebat pa siya pero nagulat ako nang hinarap niya kami at inakay palayo.
“Halina kayo, wala tayong mapapala dito.” aniya.
Nauna na silang maglakad at nakasunod naman kami ni Angel na parehong gulat sa inasal ni Divine. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mr. President pero hindi na kami lumingon.
Umupo kami sa waiting area ng central para magpahinga.
“Bili lang ako ng tubig, gusto niyo?” tanong ni Gelyza at tumayo. Tumango naman kami at sinamahan naman siya ni Norelyn.
Mula dito ay tanaw pa rin namin sila. Masama pa rin ang tingin ng dalawa habang nagbubulungan. Kita ko din ang pagsulyap ni Mr. President na parang humihingi ng paumanhin.
Pagkarating nila Gelyza ay kumain muna kami ng snack bago napagdesisyunan nilang manood nalang ng tutorial sa youtube sa sasayawin namin dahil sayang naman ang pamasahe namin kung uuwi lang kami.
Dahil by partner iyon ay nag boluntaryo nalang si Divine na siya nalang ang walang kapares, nakita ko ang pag baling nila samin pero hindi na namin iyon pinansin.
Napatingin lang kami sakanila nang marinig ang tawanan nila. Maging si Mr. President ay nakangiti habang nakatanaw sa mga kaklase naming naghahabol-habolan.
Ano yun, naglalaro sila imbes na mag practice?
Hindi ba sila nag grade 2?
Kita ko din kung pano kinuha ni Divine ang cellphone niya para kuhanan sila ng picture.
![](https://img.wattpad.com/cover/351278177-288-k462129.jpg)
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Teen FictionPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?