Chapter 21

85 5 4
                                        

Damn

"Kayo na ni Angelo ’no?" nakakunot noo kong nilingon si Rhian nang sabihin niya iyon. May group activity kami ngayon at katatapos lang namin, hinihintay nalang namin ang iba para maexplain na sa harap.

"Sino nag sabi?" nagtataka kong tanong.

"Wala naman, pero marami nang nakakahalata. Lagi ba naman kayong nagsasabay e," aniya.

"Porket? Di ba pwedeng friends lang? Ma-issue talaga kayo," saad ko at umiling iling pa.

Tumawa lang siya at inilingan ako. "Okay, sabi mo yan e."

Sinimangutan ko nalang tuloy siya, totoo namang walang kami e. Marami na silang nagtatanong, pero iisa lang ang sagot ko at iyon ay hindi.

Nang mag time na ni sir ay hindi siya nag klase dahil balak niyang i-home visit ang isa naming kaklase.

"Cortes?" napalingon ako kay Michael Angelo nang tawagin siya ni sir. Sinundan ko pa siya ng tingin habang papunta sa harap. Nang hindi ko marinig ang pinag uusapan nila ay nag focus nalang ako sa ginagawa ko.

"Uy Garcia, humihingi ng tulong," aniya ni sir kaya napalingon ako sa kanila.

"Huh?" maliit ang boses kong aniya dahil nakatingin na sila sakin.

"Humihingi ng rescue si Cortes, Garcia." ulit pa ni sir dahilan para asarin kami ng mga kaklase ko.

"Yieee, talaga naman," rinig kong pang-aasar nila dahilan para mamula ako sa hiya. Ayokong nasa akin ang atensiyon!

"Bakit, mag jowa ba sila?" tanong pa ni sir dahilan para maghiyawan ulit sila.

"Sir, nag hoholding hands nga yan sila e." biglang saad ni Gisselle dahilan ng pagyoko ko. Bwesit, story maker yan? Kailan pa kami nag holding hands?

Nang makarating sa harap ay umupo ako sa tabi ni Michael Angelo.

"Bakit po sir?" tanong ko.

"Class, manahimik muna kayo." saad ni sir kaya nanahimik ang mga kaklase ko.

"Malapit lang ba ang bahay niyo kela Angelyn?" si sir.

Mabilis naman akong umiling. "Hindi po,"

"Pero nakapunta ka na?"

"Opo,"

"Sinong mas malapit ang bahay, sakanila o sainyo?" tanong ni sir sabay lingon kay Michael Angelo. Tinutukoy niya ang bahay ng tita ni Michael Angelo, minsan kasi ay doon siya umuuwi.

"Siya po," sabay na saad namin ni Angelo at itinuro pa ang isa't isa.

May sumilay naman na nakakalokong ngiti sa labi ni sir.

"Baka mamaya live in na pala kayo ha," aniya na narinig ng mga kaklase namin dahilan para asarin na naman kami.

"Sige, balik na kayo don." pagkasabi pa lang non ni sir ay agad akong bumalik sa upuan ko.

Nagulat naman ako ng umupo sa tabi ko si Michael Angelo. May seating arrangement kami pero dahil may girlfriend ang katabi ko ay doon na siya tumabi kaya kung sino sino nalang tuloy ang tumatabi sakin.

"Ikaw kasi e," aniya ko kay Angelo at inirapan siya.

"Anong ginawa ko?" sagot niya.

Inismiran ko nalang tuloy siya. "Tsk."

"Oh, nag aaway na naman kayo." si Divine na nasa likod na pala namin.

"Very mag asawa coded," si Norelyn dahilan para simangutan ko siya.

"Asawa my face,"

Bago mag recess ay inutusan ako ni sir pumunta sa principal office para papirmahan ang mga dokumento na kailangan ni sir. Nagpasama naman ako kay Aliyah.

"Hindi ba talaga kayo te?" biglang tanong ni Aliyah, nang aasar.

"Huh?" kunwari galit kong tanong.

"Sus, maang maangan ka pa. Okay lang naman magkaroon ng boyfriend as long as you know the limitations, right?" aniya.

Ngumuso nalang tuloy ako. "Pero hindi naman talaga kami and if ever man na magkaroon ako ng boyfriend, syempre kayo unang sasabihan ko ’no." saad ko.

"Oo na," aniya at ginulo ang buhok ko.

In-aproved naman agad ng principal ang dokumento kaya bumalik agad kami sa classroom.

"Nasaan si Mariah Gracella?!" malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Gisselle.

"Hindi talaga ako papayag sa nakita ko!" gigil pang saad nito.

"Wala nga ’yon," rinig ko pang saad ni Angelo.

Pagkapasok namin ay wala si sir, kaya pala ang ingay nila.

"Ilapag mo nalang daw sa table ni sir," si Shiela. Tumango lang ako at pumunta na nga sa table ni sir.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay nagulat ako nang lumapit agad si Gisselle sa kaliwa ko, samantalang nasa kanan ko naman si Angelo.

"Ate ko, cancel na yan siya. May iba palang bebe gurl," inis na saad ni Gisselle.

"Balak ka pa atang gawing kabit te," sulpot naman ni Nayumi.

Kunot noo ko silang tiningnan. "Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Yan te, may ibang sinasabihan ng I love you, nabasa ko te. Kitang kita ng dalawa kong mata" si Gisselle na gigil na gigil pa rin.

Lumingon naman ako kay Angelo.

"Hindi ko nga yun—" si Angelo na agad nilang pinutol.

"Wag ka nang magpaliwanag," biglang sulpot ni Divine.

Napalingon tuloy ako kay Angelo na ngayon ay hindi na makapagsalita. Nang magtama ang mata namin ay bahagya siyang umiling na parang pinaparating na hindi iyon totoo. Namumungay pa ang mata niyang nakatingin sakin.

Nagkibit balikat lang ako.

"Ang oa niyo guys, wala namang kami. Nagsasabay lang naman kami kasi sabi niyo." saad ko.

"Wala naman palang sila, ikaw talaga Gisselle, napaka oa mo." si Nayumi at hinampas pa si Gisselle.

"Ay wala ba? Akala ko meron e, sorry my fault." si Gisselle at hinampas pabalik si Nayumi hanggang sa maghampasan na sila.

"Tigil na nga kayo, hindi naman pala sila." si Divine at umalis na.

Napalingon naman ako kay Angelo nang mapansin ang seryoso niyang titig.

"Bakit?" nakataas kilay kong tanong.

"Wala." aniya at tumayo na.

"Anong nangyari don?" tanong ko sa sarili ko na narinig pala ng dalawa.

"Hala, baka galit?" si Nayumi.

"Bakit naman siya magagalit, eh siya na nga may ibang sinasabihan ng I love you e." si Gisselle.

"Oa kayo masyado," saad ko at tumayo na para lumipat ng pwesto. Tumabi ako kay Aliyah at hinilig ang ulo sa balikat niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa cellphone niya pero hindi naman siya nagalit kaya pinikit ko na ang mata ko.

Napaisip ako sa sinabi ni Gisselle. Pano pala kung si Natoy at Michael Angelo ay iisa nga? Masyado na akong napapalapit sakanya, at baka kung kailan hulog na hulog na ako saka ko pa malalaman na may girlfriend nga siya.

Baka nga may girlfriend na talaga siya, hindi ko lang alam. Kaya mas mabuti sigurong idistansya ko nalang ang sarili ko sakaniya lalo na't hindi ko naman alam kung siya ba si Natoy.

Baka pa magkaroon ng gulo at madamay pa ako.

And I know I'm already damn . . .

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now