Namumugto pa ang mata ko nang makauwi. Marami na rin ang bisita ni mama. Nang binati ako nila ay nginitian ko lang sila bago dumiretso papasok sa bahay pero napaawang ang bibig ko nang makita ang kung sinong naghihintay sa sala.
Agarang tumayo si mama, malawak ang ngiti ngunit agaran din iyong nawala nang makita ang namumugto kong mata.
“Anak, anong nangyari?” hindi ko siya pinansin. Nakapako lang ang tingin ko sa taong matagal ko nang hinihintay...
Nandito na ang papa ko.
Hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng katawan ko kung magkasagutan man kami ngayon ni papa. Pwede bang isa isa lang? Hindi pa nga nagsisink-in sakin ang nangyari kanina.
“Anak, congratu—” pinutol ko na ang sasabihin ni papa bago niya pa ito matapos.
Ayokong gumawa ng gulo pero gusto kong isahan nalang ang sakit. Pagod na pagod na ako.
“Anong ginagawa niyo po dito?”
“Anak!” si mama.
“Bakit, ma? Tinatanong ko lang naman siya, hindi ba‘t may bago na naman siyang pamilya? Hindi na po ako bata para mapagtaguan niyo ng mga bagay na mahalaga rin sakin!”
“Anak ko, magpapaliwang si papa.” lumapit siya at akmang hahawakan ako pero tinabig ko iyon.
“Hindi na kailangan pa,” nagbagsakan agad ang luha ko. “Naiintindihan ko na ganon lang kami kadaling palitan! Naiintindihan ko na ganon lang kami kalimutan! Na hindi mo na kami mahal! Na nagbago ka na! Hindi na ikaw ang papa ko...”
“Hindi yan totoo, nak...please, mahal na mahal ko kayo...” umiiyak na ring saad ni papa.
“Mahal? Yan ba ang depinasyon niyo ng pagmamahal? Hindi mo kami mahal papa, kasi kung mahal mo kami.. iisipin mo kami at ang mararamdaman namin bago mo gawin ang bagay na 'yon...ang bagay na nagpasakit samin. Pero hindi pa, ginawa mo pa rin...kahit andito naman kami. Hindi mo kami iiwan pa, kung mahal mo kami...”
Maging si mama ay humagulgol na rin.
“I'm sorry... anak...mahal na mahal kita...”
“Ang sakit mo magmahal...pa...”
“P-pa sabihin mo naman sakin kung bakit biglang nagbago, h-hindi pa ba ako sapat na rason para manatili ka? Pa, bakit biglang naging ganito tayo? Kasi ang sakit sakit pa, na bigla nalang tayong naging ganito. Na bigla ka nalang nag sawa...na bigla nalang nasira ang pamilya natin...”
Nakaupo na ako sa sahig at humagulgol. Hinayaan ko siyang makalapit at yakapin ako.
Miss na miss ko na ang yakap ni papa.
“I’m sorry anak...ako pa rin naman ‘to, nak.”
“A-ang daya mo pa...ang hirap hirap mo mahalin...pa. Hindi na ikaw ang papa ko. Kasi...ang papa kong 'yon, hindi ako sasaktan ng ganito....mahal na mahal ako non. Hindi ako ipagpapalit non sa ibang bagay...uunahin 'yon ang mararamdaman ko...” halos hindi ko na makilala ang boses ko.
“P-pero nagawa mo pa...Sinira mo ang pamilya natin, pa. Sinira mo kami ni mama...ang tiwala namin. At ang paniniwala ko sa... pagmamahal.”
Bakas na bakas ang pagsisisi sa mata ni papa. Wala siyang magawa kundi yakapin ako at pakinggan ang mga sinasabi ko habang umiling.
“P-papa alam mo bang ginago ako ng lalaki...papa ang sakit... kung ikaw ang dati kong papa alam kung may gagawin ka... pero ngayon... alam kong wala kang magagawa kasi mismo si mama ginago mo, pa.”
“Alam mo rin ba pa... I realized na wala yon sa sakit na nararamdaman ko para sa'yo pa... kasi no one can hurt me, because my first heartbreak is you. You are the first to break my heart, and no one else can do it but you.”
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Teen FictionPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?