Chapter 25

24 5 5
                                    

Hindi ko alam kung dahil ba sa nerbyos o dahil sa excitement pero ang aga ko pumasok. Halos lima pa nga lang sila doon e.

“Oh, you wake up in a right side of bed na ba?” si Mr. President at humalakhak.

Nginitian ko nalang siya at dumiresto na sa upuan ko. “Anong mukha yan?” si Angel na lumipat ng pwesto sa tabi ko.

“Mukha ng maganda.”

Tumawa lang siya. “Lolz, para kang natatae na ewan.” aniya pa. Siguro dahil sa pale kong mukha. Ganito talaga ako basta kinakabahan!

Lumapit din si Daim samin at pabirong sinuntok ang braso ko. “Ano, hindi ka na galit samin?”

Tinawanan ko lang siya at humingi ng tawad. Napatingin naman ako sa banda ni Angelo sa gilid. Ang tahimik, ah. Akala ko babatiin niya rin ako pero inirapan niya lang ako.

Aba, bahala siya.

Nang matapos ang second subject namin ay agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid namin. Tinitingnan kung sino ang umalis na para magkaroon ng clue kung sino si Natoy kaso lang halos lahat ata ng mga lalaki ay umalis na.

“Bababa lang ako,” paalam ko kila Angel.

“Ay, hindi mo kami aayain?” si Norelyn.

“Next time, ako muna ngayon.” tanging sagot ko at humalakhak bago tumakbo pababa.

This is it! Malalaman ko na kung sino siya.

Pagkarating ko sa canteen ay masyado ng maraming tao. Nilibot ko agad ang tingin ko at naglakad na papasok. Inisa isa ko pa ang mga mesa hanggang sa makasalubong ko ang mata niya...

Nasa sulok siya ng canteen. Natigilan ako at halos hindi makagalaw. Estatwa na ba ako?

Nanaginip ba ako? Gisingin niyo na nga ako. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sakanya. Siya ba talaga si Natoy o prinaprank time lang ako nila? Hindi ko alam kung naiiyak ba siya o nahihiya dahil sa titig niya.

Marahas kong nilunok ang kung ano mang bumabara sa lalamunan ko at dahan dahan akong naglakad palapit sakanya. Masyado ba akong nag expect o hindi ko lang talaga inaasahan na siya 'yon?

Habang naglalakad ako palapit sakanya ay dahan dahang bumabalik sa utak ko ang mga araw na kung saan magkasama kami, nag-aaway, nagbabardagulan at kung ano ano pang kabalastugan ang mga ginawa namin.

Bakit kaya ginawa niya 'to?

“I-ikaw pala si Natoy, Nathan.” sa marahang boses kong sinabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko! “Kaya pala Natoy, kasi Nathan.” saad ko at humalakhak. Sinusubukang pagaanin ang paligid.

Umupo kami, may binili na siyang pagkain para samin. “U-uh, masyado ka bang nag expect?” nahihiya niyang saad. Hindi rin ata alam ang sasabihin.

“Hindi naman,” hindi masyado.

“Pasensya ka na ah, kung natagalan akong umamin. Nahihiya talaga kasi ako, e.”

“Bat ka mahihiya? Eh, ako lang ‘to?”

“Yun na nga e,” tumawa siya. “Ikaw na yan e,”

“Nang tinanong kita kung ikaw ba si Nathan, sabi mo hindi.” saad kong nakanguso.

“Tangek, edi nalaman mo kung sino ako?”

Matamlay ako habang pabalik kami sa room. Hindi ganito ang inaasahan ko. Ang inaasahan ko ay mag co-confess ako sakanya.

Akala ko kasi....

Si Mark Angelo siya. Si Mark Angelo na palihim kong ginugusto. Oo, nagustuhan ko si Natoy, pero sa pag-aakala ko lang naman yun na siya nga si Mark Angelo. Sa ideyang nilikha ko sa isip ko na siya si Mark Angelo.

Si Mark Angelo na kung saan siya ang sinet ko sa utak ko na si Natoy. Si Mark Angelo na siyang ini-expect kong si Natoy. Akala ko sa oras na malaman ko kung sino si Natoy, mahuhulog ako sakanya sa kung sino siya, kahit hindi siya si Mark Angelo. Pero ewan ko nga ba.

At oo, nagustuhan ko nga si Natoy kasi sino bang hindi pero patuloy ko pa rin ba 'tong mararamdam o mawawala na ngayong nalaman ko na kung sino si Natoy?

Natauhan lang ako nang makitang papasok na ng classroom si Mark Angelo. San 'to galing? Nang mapansin niyan nag tingin ko ay agad din ‘tong nag iwas ng tingin at dumiresto sa gilid na upuan, malayo kila Daimler.

Nang sumapit ang hapon ay napag-desisyon ni Nathan na ihatid ako pauwi.

Pwede ko naman sigurong subukan na gusto-hin siya, ‘di ba? Nagustuhan ko nga siya nang hindi ko pa kilala kung sino talaga siya, ngayon pa?

Pero nagulat ako nang biglang lumapit si Mark Angelo, hindi siya makatingin ng deristo sa mata ko.

“Uwi na tayo?” marahan niyang aya.

Magsasalita na sana ako pero biglang dumating na si Nathan bitbit ang gamit ko. Napatingin tuloy si Angelo sa mga gamit kong bitbit ni Nathan. Parang dati lang siya pa ang may bitbit nito, eh.

“Ihahatid ko siya, tol. Sama ka?” si Nathan.

Seryoso niya lang tiningnan si Nathan bago bumaling sakin at umiling.

“Akala ko ba?” si Angel na biglang sumulpot at tumingin kay Mark Angelo bago kay Nathan at bumalik sa'kin ang tingin. Nginitian ko lang siya. Tamad magpaliwanag.

“Usap tayo bukas, ingat kayo.” tanging nasabi niya.

Habang naglalakad kami pauwi ay binilhan ako ni Nathan ng mango shake. Sabi ko nga ayos lang pero masyado siyang mapilit. Ganon pa rin naman siya kasama, kung ano ang kulit niya, kung gano siya kadaldal, ganon pa rin. Hindi mo talaga maiisip na siya nga si Natoy.

Baka pwede nga naman palang pagbigyan ang sarili kong mas kilalanin pa siya. After all, nagustuhan ko rin si Natoy.

***

Wala akong ka-ganagana habang papasok ng gate. Nakabagsak pa ang balikat ko.

Sisigaw na sana ako para tawagin si mama pero nagulat at napatigil ako nang makita si mama; umiiyak habang nakatalikod sa direksyon ko kaya hindi niya ako napansin mukhang may kausap siya sa telepono.

“K-kahit para sa anak mo nalang sana, Rico.” umiiyak na saad ni mama. Mas lalo akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ni papa.

“Hindi man sabihin ng anak mo pero alam kong hinahanap ka na niya. Namimiss ka na ng anak mo, hindi ka niya tinatanong sakin pero randam ko.” hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.

I thought their marriage is happy? I thought they're living their best life as a husband and wife? Pero bakit may paganito?

“H-hindi ka niya tinatawagan kasi ayaw niyang istorbohin ka, para makauwi ka samin. Kahit miss na miss ka niya, inintindi ka niya, Rico.”

Hindi ko alam ang nangyayari pero parang may ideya na ako.

I thought you're different from them, papa?

“Kahit para sa anak nalang natin umuwi ka, kahit hindi na para sakin kasi tanggap ko na. Pero ang anak mo, hindi pa siya handa, at hindi siguro siya magiging handa. Para lang sana mapasaya mo siya, kasi mahal na mahal ko ang anak natin.”






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------:)) Tysm for reading, your vote is highly appreciated!

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now