Chapter 35

9 1 0
                                    

“Bakit hindi ka kumakain dito?” si Mikael, isa sa kaklase ko na tulad ko rin ay walang masyadong kaibigan.

“Wala lang,”

“Subukan mo kaya? Sabay ka samin ni Shaniah,” aniya.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Baka maging close ko na sila kung dito na nga ako kumain.

Wala akong masyadong close na lalaki sa mga kaklase ko. Nadala na ako sa nangyari sakin.

Ilang beses na ring tinangka ni Nathan at Angelo na makipag usap sakin pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang ginawa nila sakin kaya hindi ko sila makausap.

Kaya nang sumapit ang lunch ay sinamahan ko nga silang bumili ng ulam. Maaga kasi kaming dinismiss kaya sinamahan ko nalang sila.

Nanlaki ang mata ko nang makakasalubong na namin ang mga kaibigan ko, bibili ata sila ng ulam. Hindi nga pala ako nakapagpaalam sakanila.

“Hi, guys. Sakanila muna ako sasama mag lunch ah,” ngiti ko sakanila.

Tumango sila at nginitian ako. Alam ko namang hahayaan lang ako nila kasi gusto rin nilang magkaroon na ako ng kaibigan sa classroom.

Pero kinabukasan ay sakanila pa rin naman ako kumain. Masaya namang kasama kumain sila Mikael, nasasabayan ko ang trip nila pero minsan ay na a-out of place ako. At hindi rin ganon kalalim pa ang pagkakaibigan namin para doon na ako kumain. Lunch time na nga lang ang oras na magkakasama kami ng mga kaibigan ko, ipagpapalit ko pa.

“Akala ko, ipagpapalit mo na kami.” si Norelyn.

“Uy Grace, kumakaway sayo si Nadine oh,” si Gelyza na nakatingin sa  HUMSS building kung saan nandoon nga si Nadine at kumakaway. Kumaway naman ako pabalik.

“Oh pak, daig ka pa ni Nadine. Ang dami ng kaibigan ni ante mo, tas ikaw nganga pa rin.” si Gelyza kaya napabusangot ulit ako.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa binasag ni Angel ang katahimikan.

“Nakausap mo na si Angelo at Nathan?” nabitin sa ere ang pagsubo ko ng kanin sa tanong niyang ’yon.

“Para saan pa?”

“Para mapakinggan ang side nila?”

“Sus, wag na. Mga gago naman sila,” si Gelyza.

“Alam mo, Grace. Tama rin si Angel, base sa kwento mo, aksidente mo lang napakinggan, malay mo...may rason pala si Angelo.” si Divine kaya natahimik kami.

Nabasag lang iyon dahil kay Norelyn. “Pag yan umiyak ulit, bahala kayo ah.”

Habang pabalik tuloy sa classroom ay napaisip ako dahil sa sinabi nila. Sa ngayon ay hindi pa kasi talaga ako handa.

Once you experience betrayal, you'll be having a hard time trusting again.

***

“Try mo kaya Grace yung usong tiktok ngayon,” si Mikael at lumapit sakin para ipakita ang video.

Hindi ko alam kung kinakaibigan lang ako nila ni Shaniah kasi pinapakopya ko sila minsan o ano.

Ganon naman talaga ’di ba. If you're convenient to them, you matter. Pero pag hindi, balewala na lang.


Natawa ako at hinila si Shaniah para kaming dalawa ang gumawa non. Lunch na at naghihintay nalang akong sunduin nila Divine dahil sa canteen kami ngayon kakain.

Tawa kami nang tawa habang pinapanood ang video. Hindi kasi kami nagsasabay ni Shaniah habang sumasayaw.

Napatigil lang ako nang nginuso sakin ni Mikael ang labas. Pag lingon ko roon ay nandoon na ang mga kaibigan ko. Tamad na nakatayo habang seryosong nakatingin sakin.

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now