Nang matapos akong maligo ay bumaba na nga ako pero nagulat ako nang makitang hindi lang si Angelo ang andoon!
Nandito na rin ang mga kaibigan ko at gaya ng dati ay nasa dining table sila at nilalantakan ang hinanda ni mama para sakanila.
"Anong-" natigil ang sasabihin ko nang makita ang tatlong lalaking papasok sa bahay.
"Gavin? Daimler?!" mabilis akong bumaba ng hagdan at akmang sasalubungin na ako ng yakap ni Daimler nang may humila sa damit niya kaya hindi ito nakalapit sakin.
Nakanguso niyang tiningnan si Angelo na siyang humawak sa damit niya na masama rin ang tingin sakanya. Tiningnan ko tuloy ito ng masama kaya bumusangot siya at hinayaan si Daimler.
"Maria Gracia! Namiss kita," aniya, tinawag ako sa pangalang sila rin ang may gawa. Masyado raw kasing mahinhin ang pangalan ko, hindi raw bagay sa personality ko. Mga siraulo, ang daming alam e.
Niyakap niya ako at sumunod naman si Gavin. "Namiss ko rin kayo, hindi niyo ako binibisita," nakabusangot kong saad at humiwalay na sa yakap nila.
"Nag transfer kami," si Gavin kaya gulat ko silang nilingon. Pumunta na ako sa dining kung nasaan ang mga kaibigan ko at sumunod naman sila. Tumabi ako kay Angel at tatabi sana sakin si Nathan pero sinamaan siya ng tingin ni Angelo kaya mabilis itong umalis, tumabi naman sakin si Angelo.
"Bakit?" tanong ko.
"Nang makita namin ang magiging kaklase namin, nag back out kami ni Gavin." si Daimler.
"Grabe naman kasing mga apelyido 'yon. May Delmonte, may Rebisco at may Lansones pa nga e." pagpapatuloy niya at nagtawanan sila ni Gavin.
Pati tuloy kami ay nahawa sa tawa nila.
"Seryoso?" si Norelyn.
"Oo, totoo. Pakita ko pa sainyo list e," si Daim at nilabas cellphone niya.
Pinagkaguluhan nila iyon at nagtawanan na naman.
Ang babaw naman ng rason nila.
"Baka lagi kaming humagalpak pag checking ng attendance," si Gavin na naiiling pa.
"Bakit nga pala kayo nandito?" baling ko sa mga kaibigan ko. Hindi pinapansin ang ginagawang pag sandok ni Angelo sakin ng pagkain.
"Hindi ka ba nagbabasa ng messages?" si Divine.
"Kagigising ko lang siguro 'no." sarkastikong saad ko.
"Kukuhanin natin ang card natin ngayon, para sa enrollment hindi na pumunta sa office ng principal. At ngayon lang ang pagkuha," si Angel.
"Buti hanggang mamayang hapon pa," si Gelyza.
Nang matapos akong sandokan ni Angelo ay nagsimula na akong kumain. Nilagyan niya naman ng juice ang baso ko.
"Alagang alaga ah?" si Norelyn nang mapansin ang ginagawa ni Angelo.
"Aba dapat lang," si Angel at masama pang tiningnan ang katabi ko.
"Pag 'yan sinaktan mo ulit, yari ka sakin." si Divine kaya kinantyawan si Angelo.
"In other terms, sapak ang aabutin mo." si Gelyza kaya naghagalpakan ulit sila.
Naguguluhan ko silang tiningnan. "Huh?"
"Di ba pumunta yan dito? Sinapak yan ni Divine." si Angel na hindi na rin matigil kakatawa.
"Gusto nga namin sampalin din e. Kaso naawa kami, sapak palang ni Divine, pumula na pisngi e." si Norelyn ulit.
Inirapan lang sila ni Angelo at hindi na pinansin.
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Teen FictionPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?