Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nagkakape at iniisip kung anong pwedeng gawin ngayong weekend.
Napatingin naman ako kay mama na ngayon ay seryosong kinakalikot ang cellphone niya.
“Ma, anong ginagawa mo?” tanong ko.
“Shss,” tanging sagot niya nang hindi ako binabalingan.
Hinuha ko ay naglalaro na naman siguro siya ng candy crush. Ah, seryoso ka pala ah.
Napangisi ako nang may maisip na kalokohan.
“Ma, pupunta dito boyfriend ko.” seryosong saad ko.
“Sige, anong oras?” aniya habang tutok na tutok pa rin sa ginagawa.
Nakakunot noo ko tuloy siyang tiningnan. Yun na yun? Hindi siya magugulat? Hindi siya magagalit?
“Baka walang dumating ah?” nang aasar niyang sabi at tiningnan na ako. “Ah, wala talagang dadating, wala ka naman non eh.” dagdag niya pa at humalakhak.
“Aba?” nakataas kilay kong tanong, kakainsulto yun ah.
“Mas magugulat pa ata ako pag sinabi mong may crush ka na,” aniya.
Aba, ginawang elementary?
“Tingnan mo kaya ang sarili mo, para kang bata. Yung pananamit at pag iisip mo, kaya hindi na nakakagulat na wala ka pang boyfriend eh, mukha ka kasing grade 3.” dagdag niya at hindi na natigil sa pag tawa.
Napabusangot naman ako, too much for making her furious, ah. Di ko alam kung compliment ba 'to o insulto.
Napatingin tuloy ako sa suot kung dress na pantulog. Si Cinderella pa ang drawing nito, maganda naman ah.
“Kaya minsan nagugulat yung mga tita mo kung sinasabi kong may boyfriend ka na e. Hindi rin naniniwala at mukhang elementary ka palang daw.” aba, at dinagdagan pa nga. Hindi pa pala tapos.
“Tama ka na nga, mama.” saad ko at inirapan siya. Napipikon. Siya dapat ang pinipikon ko e.
Nang mapansin niyang naiinis na ako ay tatawa tawa siyang umalis.
Tss, buti pa nga. Kung hindi susumbong ko talaga siya kay papa.
Napatingin naman ako sa cellphone ko na ngayon ay biglang umilaw.
Natoy:
Good morning, gandits. Baka hindi ako makapag online buong hapon at mamayang gabi pa.
Natoy:
Sinasabi ko lang, baka bigla mo akong iblock e.
Napatawa naman ako nang mabasa ko ang kasunod niyang reply.
Ako:
Okay lang, alam ko namang pang gabi lang ako.
Natoy:
Ante ko????
Ako:
HAHAHAHA joke lang, ge tyt
Natoy:
Siraulo ka talaga. ge tnxx.
Naiiling na binaba ko ang cellphone ko.
***
Kinagabihan ay nag i-scroll up and down lang ako sa facebook ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang post ni Natoy. Nag popost pala ang isang 'to?
Natoy Mahalnamahalka
23hhindi sa assuming ako ha, parang crush mo talaga ako eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/351278177-288-k462129.jpg)
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Teen FictionPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?