Chapter 33

12 0 0
                                    

Norelyn:

ouchy, ikaw lang nahiwalay

Ako:

makakapag-aral na ako ng mabuti, hindi ko na kasi kayo kaklase😎😎😎

Divine:

patanggal nga ng salamin

Ako:

🥺🥺🥺

Angel:

wag kang mag alala, araw araw ka naming bibisitahin

Gelyza:

true, kaibigan mo pa rin kami kahit ibang section ka na.

***

Maaga akong nagising ng first day of school. Bukod kasi sa hindi ako makatulog ay kinakabahan rin ako na parang ewan.

“Ma, kinakabahan ako.” saad ko kay mama habang kumakain ng almusal.

Inaayos niya naman ang baon ko. “Sus, masasanay ka rin.”

“Baka wala akong kilala.”

“Eh, sila Angel?”

“Hindi ko nga kaklase ma,” hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.

“Kaya mo ’yan nak, fighting lang.” aniya.

Habang nasa tricycle ako ay kinuha ko nalang muna ang cellphone ko at nag online. Nang makitang online ang kaklase ko noong grade 10 ay nag message ako sakanya.

Ako:

Hi nads! Good luck sa first day of class. Just in case na wala ka pang kaibigan pwede mo akong puntahan sa room!

Isa sa mga naging kaibigan ko si Nadine. Tahimik lang siya at kung hindi mo pa kakausapin, hindi talaga magsasalita. Parang si Kiel Axel lang. Sa dalawang kaibigan niya nung grade 10 ay maswerte at nasama pa ako.

Nadine:

Hi Grace! Thank you so much. I miss youu. Pwede mo rin ako puntahan sa room. Love youu.

Pagkarating ko sa room ay agad kong tiningnan ang nakapaskil na list of student sa tabi ng pintuan. At nandoon nga ang surname ko. Dito talaga ang section ko.

Dahil first day pa nga lang ay nakalock pa ang pintuan namin. Marami na rin akong kasama rito sa lobby na nag aabang.

Hindi ko alam pero mas domoble ang kaba ko nang makitang nag uusap usap na sila. At base sa naririnig ko ay magkakaklase pa ata ang iba sakanila noong grade 10.

Tiningnan ko ulit ang list of student pero napabuntong hininga nalang ako nang makitang wala man lang akong kilala kahit isa.

Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang cellphone ko upang ichat sila Divine. Hindi ko alam pero mas domoble ang kaba ko ngayon at hindi na rin ako makahinga ng maayos. Hindi ko maimagine ang sarili ko na makakasama ko ang mga taong ’to sa loob ng sampong buwan. Kahit sabihin pang first day pa lang naman ay hindi pa rin ako komportable.

Ako:

andito na kayo sa school? asan kayo? puntahan niyo ’ko pls.

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now