Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok ni mama, magsisimba raw kami. Bago ako bumangon ay kinuha ko muna ang cellphone ko na ngayon ay 5% nalang.
Inopen ko ang messenger ko para batiin sila Divine.
Ako:
Merry Christmas, my girliesss : )
Angel:
Merry Christmas homiesss
Divine:
Merry Christmas mga babaita
Norelyn:
Merry Christmas mga par
Gelyza:
Merry Christmas mga tol
Natawa nalang ako sa mga pinagagawa nila.
Nagpaalam rin naman agad ako.
Napatigil ako nang napindot ko ang chatbox namin ni Natoy. Halos manlaki ang mata ko na 2 hours pala kaming nag call kagabi. Hindi ko matandaan iyon. Nag usap pa ba kami ng ibang bagay? Ang tanda ko lang ay hindi ko na nakayanan ang antok at nakatulog na agad ako.
Nagulat ako ng biglang may nag pop up na message niya.
Natoy:
Good morning, gising ka na ba?
Ako:
Hindi pa
Natoy:
Nakatulog ka kaagad kagabi. Magkwekwentohan pa sana tayo
Ako:
Gaya ng ano naman, aber
Natoy:
Ibang bagay lang hehehe
Ako:
Sa new year nalang
Natoy:
Pwede naman
Ako:
So hindi mo pinatay ang call kagabi?
Natoy:
Hindi, hahahaha lakas mo humilik
Ako:
Ulol, hindi ako humihilik
Natoy:
HAHAHAHA sarap mo pikunin
Napairap nalang ako nang mabasa ko iyon. Aga aga, binubwesit ako.
Ako:
Ewan ko sayo, bye na nga. Aalis na kami.
Natoy:
Okay ingat.
***
Sumapit ang new year at dito rin nag celebrate si papa kasama namin. Pinaki-usapan niya lang ang boss niya na i-extend ang leave niya.
Bagong taon ngayon at nandito kami kela Norelyn, sakanila talaga lagi ang tambayan namin.
Busog na busog na ako dahil sa media notche kaninang hating gabi pero natagpuan ko na naman ang sarili ko na lumalamon ng graham dito sa sala nila Norelyn.
“Ang bilis ng panahon 'no?” biglang saad ni Angel.
“True, parang dati lang ako pa tas ngayon...” biglang saad ni Norelyn at pinutol ang sasabihin niya. “...basta ako pa dati.” dagdag niya pa.
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Ficção AdolescentePaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?