Pagkauwi ko ay pinaghanda ako ni mama ng pagkain, tumanggi pa ako nung una dahil kaya ko naman pero ang kulit niya at siya nalang daw.
Nang nasa kwarto na ako ay kinuha ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang natingnan ang mga message ni Natoy.
Natoy:
Nakalabas ka na sa hospital?
Natoy:
Okay ka na ba?
Natoy:
Papasok ka na ba ngayong lunes?
Iyan ang mga mensahe niya na hindi ko na reply-an. Nakita ko pa ang green dots sa ibaba ng profile niya, online siya. At maya maya pa nga ay may nag pop na nga na message.
Natoy:
Gising ka pa?
Ako:
Hindi, kaluluwa ko lang 'to. Bumangon para mag online.
Natoy:
Matulog ka na.
Ako:
Ayoko pa, hindi pa ako inaantok.
Natoy:
Hindi ka talaga makakatulog, hawak ba naman cellphone.
Ako:
Btw tapos mo na basahin yung 100 days with Mr. Yabang?
Natoy:
Hindi pa.
Napabusangot agad ako.
Ako:
Akala ko tapos mo na.
Natoy:
Bakit, tapos mo na?
Ako:
Oo, naiiyak na naman ako. Namatay yung lalaki T^T
Natoy:
Sabi mo nga wala naman talagang happy ending, real life man yan or fictions.
Ako:
Oo na, at in-expect ko na naman na pero ang sakit pa rin : (
Natoy:
Wow, sa dami nang mga nabasa mo na hindi ka pa rin immune?
Ako:
Iiyakan ko pa rin yan 'no kahit ga‘no ako kasanay.
Natoy:
Oo na HAHAHA tulog ka na, maaga pa tayo bukas.
Natoy:
Good night, Gracia.
Ako:
Good night, Natoy. Thank you for your time :>>>
Kinabukasan ay agad nila akong tinanong kung sino ang naghatid sakin. Sinabi ko lang na si Mark Angelo at tinantanan na rin naman nila ako.
Hanggang sa lumipas na ang araw at byernes na, may practice pa rin sila Divine kaya lagi akong sinasabayan ni Mark Angelo pauwi.
Nakapalibot kami ngayon sa pwesto nila Divine. Nag aayos sila ni Norelyn ng damit nila. May practice kasi sila mamaya at kailangan nilang magpalit dahil naka uniform sila.
“Pero bakit ka muna galit?” nakakunot ang noo ko nang nilingon ko si Nathan, nasa likod kasi siya ngayon ni Angel at kanina niya pa ako inaasar.
“Normal na boses ko lang yun 'no,” pagtatanggol ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/351278177-288-k462129.jpg)
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Teen FictionPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?