Halos ilang oras na ako nakakulong sa kwarto ko at iyak nang iyak. Kanina ay mabilis akong lumabas ng gate upang hindi mapansin ni mama na andon na ako. Gusto nang bumagsak ng mga luha ko pero pinipigilan ko ito. Pinagbuksan ako ni mama nang kumatok ako at halatang namamaga ang mata niya kakaiyak pero nginitian niya pa rin ako.
Dumiresto na agad ako dito sa kwarto at nagkulong. Kinatok na rin ako ni mama para kumain ngunit tinanggihan ko lang ito. Hindi alam ni mama na alam ko na.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung bakit biglang naging ganito. Nag sawa na ba si papa o may bago na?
Natigil lang ang pag iyak ko nang tumunog ang cellphone ko.
Tawag iyon galing kay Divine.
“H-hello?” nanginginig pa ang boses ko nang sagutin iyon.
Tahimik lang ang kabilang linya kaya akala ko pinatay niya na ngunit maya maya lang ay nagsalita na siya. “Ayos ka lang?”
“Ayos lang,”
“Susunduin kita?” marahan ang boses niya.
“Bakit?”
“Di mo pa nababasa sa gc?” aniya na parang andon ang sagot. Kaya naman agad kong binuksan ang gc namin kahit puno pa ng luha ang mata ko.
Nag aaya ng inom si Angel na siyang bago samin. Si Angel na siyang pinakamabait samin; na sa tingin ko kung maging legal age man kami siya pa rin ang tipong hindi iinom. At higit sa lahat hindi pa naman din kami umiinom.
Pero kahit ganon ay mabilis akong nagbihis. May malalang pinagdaraanan ata si Angel para ayain kaming mag inom.
Angel:
Okay lang din guys, kung hindi kayo pwede. Pero andito ako malapit kila Aling Rose kung pupuntahan niyo ako haha thx.
Pagkababa ko ay madilim na ang buong bahay. Tulog na siguro si mama. Hindi na ako nagpaalam at mabilis na lumabas ng bahay namin. At nandoon na nga si Divine at hinihintay nalang ako.
“Sa tingin mo, anong nangyari don?” salubong na tanong niya nang makaangkas ako sa motor niya.
“Wala rin akong ideya.”
“Kamusta na rin kaya si Gelyza? Gusto ko sanang puntahan din kaso pauwi na nga rin si Norelyn at hindi raw pwede ang minor de edad.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Bakit, asan si Elay?”
“Sabi ko na nga ba wala ka ring kaalam alam.”
“Pasenya, may ginawa lang.” tanging nasabi ko.
“Kanina nag video call siya sa gc, namumula pa ang mata, kakaiyak siguro. Sinugod daw siya sa hospital pagkauwi niya galing school. Kami lang din ni Norelyn ang nakasagot kaya siya na ang pinapunta ko lalo na't bumungad sakin ang chat ni Angel sa group chat natin pagkatapos ng tawag.” mahabang litanya niya. “Mukhang hindi niya nga alam na nasa hospital si Gelyza. Kasi kung oo, baka hindi 'yon mag aaya ng inom.” dagdag niya pa.
“Sorry talaga, hindi ko alam.”
“Hindi nga rin nalang sana kita isasama. Lalo na sa boses mo kanina, pero sabi mo ayos ka lang e. Pero pag masyado ng mabigat, sabihin mo sakin o samin ha? Andito lang kami.” aniya. Hindi ko alam pero parang aagos na ulit ang mga luha ko.
“Wag ka na ring mag-alala dahil ayos na rin naman daw si Gelyza, tumawag si Norelyn e. Papunta na rin nga iyon kay Angel e.”
Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti naman.
Pagkarating nga namin don ay halos tatlong buti na ng san mig ang ubos ni Angel. Hindi ko maimagine na nakaya niya iyong inumin.
“Dumating rin kayo, halikayo dito at umupo.” lasing na saad ni Angel bago kami binigyan ng bote ng san mig.
![](https://img.wattpad.com/cover/351278177-288-k462129.jpg)
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Novela JuvenilPaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?