Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa baba. Kinusot ko ang mga mata ko at malinaw ko nang narinig ang mga ingay ng bata. Oo nga pala, noche buena na mamayang hating gabi kaya andito na sila tita.
Mag aalas otso na pala, halos apat na oras pala akong nakatulog dahil kaninang alas kwatro lang ako nakarating dito sa bahay.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga picture namin kanina.
Nilagay ko iyon sa story ko sa instagram na connected sa facebook ko.
Nagulat ako nang sunod sunod na tumunog ang notifications ko.
Natoy reacted to your story.
Natoy replied to your story.
Natoy:
Wow, sana all po
Marami pa ang mga naunang message niya. Hindi kasi ako nakapag bukas ng messenger kanina dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.
May message pa siya kung saan tinatanong niya ako kung busy ba ako o tulog pero siya lang naman din ang sumasagot. Siraulo talaga.
Ako:
Sana all talaga
Natoy:
Yown, finally
Natoy:
Pero hindi niya talaga ako sinama :((
Ako:
Wow parang sasama talaga siya eh 'no
Natoy:
HAHAHA sabi ko nga
Ako:
Ewan ko sayo
Natoy:
Librehin ko sana kayo ni Angel e, sayang
Ako:
Hindi ka nga makapagpakilala kung sino ka tas manlilibre ka pa, wow talaga
Natoy:
Sorry na nga eh HAHAHA
Ako:
Pinapainit mo ulo ko, grr
Natoy:
Vc nalang tayo mamaya hehehe
Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa kong iyon. Seryoso ba siya? Edi makikilala ko na kung sino siya?
Ako:
Tsk, tas maya maya hindi naman tuloy
Natoy:
Seryoso, off ko lang camera ko kasi shy type ako
Ako:
Shy type daw tas makapal mukha
Natoy:
Tama ka na, qouta ka na Garcia
Ako:
HAHAHAHA pero what if makilala ko ang boses mo?
Siya:
Edi goods, may clue ka na
Ako:
Seryoso ka?
Natoy:
Oo nga
Hindi ko alam pero buong pag uusap namin ay nakangisi na ako. Nang makaramdam ng gutom ay nagpaalam na ako na kakain muna.
Napabuntong hininga ako nang marinig ang halakhakan sa baba.
Kung andito lang sana si papa, edi sana mas masaya...
![](https://img.wattpad.com/cover/351278177-288-k462129.jpg)
YOU ARE READING
Wrong Send (We Stan Us Series #1)
Ficção AdolescentePaano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?