Chapter 5

56 14 28
                                    

Nang makauwi ay ginawa ko muna ang mga gawaing bahay bago gawin ang homework ko.

Dalawa lang kami sa bahay ni Mama dahil nagtratrabaho si Papa sa manila at tuwing pasko lang umuuwi.

Kahit anong focus ko sa pag sagot sa assignment ko ay nilalandi pa rin talaga ako ng cellphone ko, kaya imbes na kontrahin pa ito ay kinampihan ko nalang.

Natoy:

Hoy, bakit ginawa yun ni Divine?

Ako:

Ang alin?

Natoy:

Halos lahat ng kaklase natin, tinanong niya kung sino user nito.

Napabuntong hininga ako, yun lang pala.

Ako:

Kuryuso din kasi siya. Sino ka nga kasi?

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tinanong nito.

Natoy:

Baka pagalitan ako ni sir.

Ako:

Bakit?

Natoy:

‘Di ba ayaw niya nang may dump account tayo kasi baka anong katarantaduhang ginagawa natin.

Ako:

Yun nga, kaya bat ka gumawa niyan? Para tarantadohin ako?

Natoy:

Hindi naman, nahihiya lang talaga ako.

Ako:

Bat ka mahihiya? Ako lang naman 'to. Tsaka bat hindi nalang real account mo yung gamitin mo, close ko naman halos lahat kayo.

Natoy:

Eh, sa nakakahiya.

Napakunot ang noo ko. Naiinis na talaga ako!

Ako:

It's kinda awkward kasi na you know everything about me at alam mo din lahat ng ginagawa ko pero hindi ko man lang alam pangalan mo! Sumbong talaga kita kay sir.

Pagdagdag ko pa, nagbabakasakaling matakot siya.

Natoy:

Hoy, wag

Ako:

Sabihin mo na kasi kung sino ka, kapagod na mag overthink T^T

Natoy:

Edi wag ka nang mag overthink.

Ako:

Bosit na rason yan */sinuntok ka

Natoy:

HAHAHA pero nakakahiya talaga kasi pati kaibigan mo nag overthink na kung sino ako tapos pag nalaman niyo kung sino ako baka sabihin niyo "ah, siya lang pala. Sayang lang oras ko kaka-overthink."

Ako:

Yan ba akala mo samin???

Natoy:

Hindi naman, wag niyo nalang kasi isipin kung sino ako, nobody lang ako sa room.

Nag isip ako kung sino yung mga lonely sa room.

Ako:

Si Daimler ka 'no?

Baka pinagtritripan lang ako ng tarantadong yun.

Natoy:

Hindi ah, ang layo

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now