Chapter 27

14 2 1
                                    

Kinabukasan ay tanghali na ako pumasok. Hindi ko alam kung pano ako nakauwi pero hindi naman ako tinanong ni mama kaya hinayaan ko nalang din. Sobrang sakit din ng ulo ko at antok na antok pa ako.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Angel. “Ayos ka lang? I'm sorry,”

“Ayos lang ako, ano ka ba. Ikaw? Ayos ka na?”

“I don't know...but thank you for being with me at my lowest.”

“Para saan pa at kaibigan mo kami,”

Kagaya ko ay ngayong tanghali lang din pumasok si Norelyn at Divine. Si Gelyza ay naka-admit pa at nagbabalak kaming bisitahin siya mamaya. Tanging si Angel lang ang pumasok ng umaga samin. Hindi ko nga alam kung pano niya nakaya ang antok at hang over.

“Gusto mo?” alok ni Nathan ng ice cream nang maupo ako sa pwesto ko. Galing ata siya sa canteen.

Inagaw ko naman 'yon sakanya. “Malamang, pagkain na 'to e.”

“Patay gutom.” aniya at inirapan ako.

“Since birth.”

Nagbabangayan pa kami ni Nathan nang biglang lumapit ang mga kaibigan ko.

“Akala ko ba si Mark Angelo?” si Angel na hininaan ang boses at nilibot pa ang paningin bago iyon sinabi.

“Huh? Pinagsasabi mo?” pagmamaang-maangan ko. “Kayo lang naman naglalagay ng issue about samin e.”

“Linalait lait niyo pa isa‘t isa, sa isa't isa rin pala babagsak.” si Divine.

“Mga siraulo,”

“Kala ko ba ayaw mo sa hindi moanable ang pangalan?” si Norelyn.

“Andito na 'to e,” si Nathan.

“Mukhang lugi ka pa ah?” saad ko dahilan para magtawanan sila. “Ano ba tayo?” dagdag ko pa kaya halos hampasin na ako nila.

“Wala naman palang label e,” kantyaw ni Angel.

Kahit naman hindi namin iyon napag-usap alam kong there's something between us ni Natoy. Sa conversation palang e, pero we just both ignore it. Kulang lang talaga kami sa communication. Parang si ano.

“Bakit? Papayag ka ba kung manligaw ako?” si Nathan, sinasakyan ang biro nila.

“Bakit? Hindi ka talaga manliligaw pag sinabi kong hindi?” nakataas kilay kong tanong.

Halos mamatay na naman sila kakahalakhak. “Slay mhiemasaur,” maluha luhang sabi ni Norelyn.

“Raulo ka talaga, Gracia.” si Divine.

“Syempre hindi, ikaw na yan e.” si Nathan.

Baka pwede ko naman talaga siyang pag bigyan di ba. Hindi ako pumapatol sa kaibigan pero sige na nga, andito na siya e. Naging kaibigan ko naman siya e, kaya alam kong mabait siya.

Let's give it a shot.

***


Halos isang buwan na rin pala simula nang mangyari ang problem na yun samin. Isang buwan ko na ring hindi sinasagot ang tawag ni papa. Isang buwan na akong nagpapanggap na hindi ko siya kailangan; na hindi ako nangungulila sa kanya kahit ang totoo ay miss na miss ko na siya.

Halos isang buwan na rin mula nang iwasan ako ni Mark Angelo. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko na rin inalam. Hindi na rin siya sumasama kila Daim, kila Mr. President na. Ang daming nagbago sa loob ng isang buwan na yon.

Hanggang ngayon rin ay hindi ko pa rin sinasagot si Nathan, hindi ko rin alam kung bakit. Hindi naman siya nagmamadali at hindi rin naman talaga iyon minamadali.

Wrong Send (We Stan Us Series #1)Where stories live. Discover now