CHAPTER 31
SAAB’S POV
“Ano yung sasabihin mo?”
Nakayuko kong sabi. Ayaw ko siya tignan. Nahihiya ako.
Masyado ng awkward dahil wala paring nagsasalita ni isa samin kaya naman laking tuwa ko nung binasag niya na yung katahimikan.
“Sino yung naghatid sayo?”
Lah?
“Kaninang umaga?”
“Oo”
“Ah,Si Mike.”
“Sino naman yun?”
“Wala. Kaibigan.”
Ang totoo niyan, hindi ko masabing kaibigan dahil hindi pa kami ganun kaclose para maging magkaibigan pero di ko naman pwedeng sabihin ex ko dahil baka alam mo na.. Magselos si Nate. Chos! Pero..
Baka nga hindi siya magselos pag sinabi ko. Wala naman na yata siyang pake eh?
“Kaibigan lang ba talaga?” Baka nanliligaw na sayo yun?”
“Hindi ah.”
“Talaga?”
“Oo nga”
“Totoo?”
Amp. Ang kulit nito ah! Sige na nga sasabihin ko nalang yung totoo wala namang masama dun. Kasi nman eh baka yung reaksyon niya wala siyang pakielam. Natatakot ako. Pero bahala na. Parang yun lang eh.
“Ano? Sino ba yun? Kaano ano mo?”
Ay? Di makapagintay ng sagot.
“Ex ko”
“Ano? Oh? Eh bakit ka nia hinatid? Anung meron?”
“Ewan ko sakanya!”
“Anong ewan mo?”
“Ewan ko! Teka nag! Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba dapat iba yung pagusapan natin at hinid yun tungkol sa tinatanong mo!”
“Bakit? Nakikipagbalikan na ba siya sayo? Ano? Pumayag ka na ba?”
“Anong pinagsasasabi mo?
“Siya na ba yung papalit mo sakin dahil lang sa nanghingi ako ng space na one week lang?”
“Bakit ba ang OA mo?”
“Ako? OA?! Hindi mo kasi maintindihan! “
Ay, teka. Iba na toh ah.
Teka muna wait lang.
Kinikilig ako.
“Nagseselos ka ba?” Tinignan ko siya na para bang nagiimbestiga
Bigla naman siya umiwas ng tingin.
“A-ano? Hindi n-noh!” Asus.. Halata.
“Weh? Nagseselos!”
“Bakit naman ako magseseslos? Tss.”
Sige, magdeny ka pa.
“Nagseselos! Nagseselos! Nagseselos!” Inaasar ko na siya.
“Tumahimik ka nga! Di ako nagseselos!”
“Weeeh?!”
“Hindi nga! Akala mo siguro nagdedeny ako noh? Wala akong dapat i deny. Tss. Ako magseselos? At bakit naman? Sus.”
That hit me. Why do i think he would get jealous? Ugh, tanga ka talaga Saab. Assuming. Feelingera.
“Okay.”
Yun nalang nasabi ko. Tapos tumungo ako. Nalungkot naman ako. Akala ko nagdedeny lang siya pero mukang hindi naman yata. Oo nga bakit nman siya magseselos? Kahit na may karapatan siya. Siguro alam nya naman na siya lang eh... Ah ewan!!
Nagulat nalang ako ng makita ko siyang lumuhod sa harap ko at iniangat yung mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Ang soft ng kamay niya :”””””””>
“Anong mukha yan?”
“Huh?”
“Bakit parang natalo ka sa isang pustahan? Ang lungkot ng mukha mo.”
“Wala!” Tapos pinipilit ko tumingin sa baba. Pano ba naman kase, hawak nya mukha ko syempre ang focus lang ng mata ko eh sakanya!
“Tss. Oo na!”
“Anung oo na?”
“Nagseselos na ko!” Tinanggal nya yung hawak sa mukha ko. Pero nakatingin padin siya sakin.
“Kasi naman! Bakit ba kayo magkasama nun? Nung dati din umiiyak ka, siya yung nagcocomfort sayo. Nakikita ko kayong magkasama. Hindi mo alam kung gano ko tinago yung selos ko.”
“Pano mo nalamang siya yung nagcocomfort sakin?”
“Sinundan kita”
“Huh? Bakit?”
“Para makasigurong safe ka habang alam kong wala ako sa tabi mo”
“Safe nga ko pero yung puso ko nun? Hindi.”
OKAAAAAAAY. that words just came out!!
“Sorry Saab. Alam kong nasaktan kita dahil sa nagawa kong paghingi ng space.Siguro akala mo siya na yung pipiliin ko. Akala ko rin eh.”
Akala nya din?
“Pero habang tumatagal, parang mas hindi ko kaya pag ikaw yung nawala sakin. Absence makes the heart grow fonder nga talaga.
“Sigurado ka ba dyan?”
“Oo naman. Wala ka bang tiwala sakin?”
“Hindi naman sa ganun. Pero diba, siya yung first love mo. Tapos sabi mo pa sakin mahal na mahal mo siya.”
“Dati yun. Ikaw na ngayon. I will make you my last love.”
“Talaga?”
“Oo. So, tayo na ulit ah?”
“Hindi naman tayo nagbreak.”
“Oo nga pero syempre yung cool off parang break na din.”
“Ganun ba? Edi..”
“Edi ano?”
Huminga ko ng malalim. Pinagisipan ko toh ng mabuti. Natutuwa ako sa desisyon ko. :))
“Ligawan mo ulit ako.”
Author's Note: SORRY slow update :( I'll try my best to update faster, i promise :)
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Teen FictionWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
