Author’s Note: Hi there! Sorry natagalan ang update :( Mahaba sana toh eh. Eh tinamad magtype. Sa next chapter nalang yung iba. BTW, Wala na kong maisip na ilagay sa chapter name kundi chapter 27 lang. Okay na yan. Chapter pa din naman toh eh. Haha. Okaydot. BTW, Sa mga mahilig sa KPOP diyan. Omygaah! Kpop Fantasy Concert sa Manila! =))) SHAREEE! Hahaha. Ipon ipon din ^^
Dedicated po sakanya pati narin sa friends niya na silent readers daw :) Hihi. Hello sainyo! =))
CHAPTER 27
*KRING! KRING! KRING!*
Morning!
Teka. Bakit parang mainit na sa labas?! Nakakasilaw. Anung oras na ba?
Tumingin ako sa alarm clock ko. 9:30 na pala..
9:30..
9:30?!!!!!!!!!!!?!! O_O
“WAAAA!!” Nakarinig naman ako ng paang tumatakbo paakyat dito sa kwarto ko.
“Ano nangyari iha?!” Si yaya.
“Yaya! 9:30 na palaaaaaa!”
“Oo kanina pa nga nagaalarm yan eh akala ko hindi ka na papasok” Sabi ni yaya pagkaturo dun sa alarm clock.
“Halaaaaa” Sabi ko habang humihigpit ang yakap ko sa unan.. Ganun lang ako eh pag nanggigigil ako sa sarili ko. Tanga ko lang at di ko narinig yung alarm. Ganun na ba ko katulog mantika? :|
“Late ka na din iha eh. Hayaan mo na ng mapahaba pa ang pagpapahinga mo.” Sabi naman ni yaya para yata icomfort ako. Alam niya na ugali ko na ganito ko pag nalalate ako dahil sa katangahan ko.
“Opo..”
Bumaba na naman na si yaya. Opo nalang nasagot ko. Sabagay.. Parang tinatamad ako pumasok. Parang ayoko muna pumasok. Hindi pa ko ready makita siya.. Makita si Nate.. Na kasama si.. Nica.
Baka pag nakita ko sila, Maiyak nanaman ako. Ewan ko ba! Ang sakit kasi talaga eh. Hays.. Anu ba pwedeng gawin?
*BZZZT*
May nagtext. Agad ko namang kinuha yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Kung kagabi nasa drawer ko, Ngayon nasa ilalim na ng unan ko. Wala eh nakasanayan na.
From: Carm
Baklita ka! Bet ka absent? San ka? Mishu teh! Anyare sainyo ni Nate? Parang may something eh!
Tch. Bekimon talaga toh si Carm! Nireplyan ko naman ng..
To:Carm
Wala lang. Tinatamad ako. Dito ko sa bahay. Magaral ka nalang dyan. Nagtetext ka nanaman ng patago. ;)
*BZZZT*
From:Carm
Nagaalala lang teh! Osige babush! Punta kami dyan ni Mich pag uwian na :) Labyu baks! Magstory telling ka pagpunta namin dyan ha!
To:Carm
Adik. Sige wait ko kayo. :)
Nagtoothbrush naman na ko at naligo na rin. Gusto kong maglibang. Gusto kong pumunta sa Mall.
Nagbihis na din ako. Simple lang. Skinny Jeans, Tshirt pati dollshoes.
Tumingin naman ako sa salamin. Nagsuklay at nagpulbo. Parang ang haba na ng buhok ko. Lagpas na siya ng shoulders ko.
Hmmm. Parang alam ko na gagawin ko sa mall.
Kinuha ko an pera at cellphone ko at bumaba na rin.
Pagbaba ko,
“Oh iha, san lakad mo?” sabi ni Yaya Vangie.
“Ah punta lang po ako mall”
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Roman pour AdolescentsWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
