Chapter 24 Let me explain

90 6 1
                                        

AUTHOR'S NOTE: Yeeey! Tapos na exam namin! =)) Sorry na kung konti lang toh. Eto lang kinaya eh! Nawala kasi yung dapat na kasama pa nitong chapter na toh :( But i promise, Next chapter mas mahaba na dito :) 

Thank you nga pala sa mga nagbabasa nito ah! Thank you for those who are waiting for me to update :)) Waah! I love you guys >:D< Kahit konti lang kyo :D Okay na yun :')

Dedicated nga pala toh sa AWESOME AUTHOR na kilala ko! =)) Idol ko siya!! Siya ung pinakaidol ko. Nakakainis nga hindi ako nakapunta sa GT ng fans niya eh!! Sana may next GT siya =)) 

I really love her stories!! =)) Lalo na yung Hundred in One, Crisscross at Southern High! =)) Yun lang.. Hi ate Jessica!! =)) Sana mapansin mo ko. HAHAHA! =)) 

*Chapter 24*

Nagulat ako.

Umiiyak na siya.

Medyo OA ba na nagulat ako?

Hindi ko pa kasi siya nakikitang umiyak. Ngayon lang..

At sa harapan ko pa.

“Kaso lang.. Nalaman mo yung tungkol doon sa pustahan at hindi mo ko pinagpaliwanag ng maayos. Naiintindihan ko naman yun eh. Kaya nga hindi na kita kinulit pagkatapos nung nangyari. Naghihintay ako ng tamang oras at tamang tyempo para makapagpaliwanag sayo.. Nagpapasalamat ako kasi pinagpaliwanag mo na ko ngayon.”

“Saab.. Mahal kita.. Minamahal padin kita..”

Nakatitig lang ako sakanya at hindi parin umiimik

Naguguluhan na ko. Ang hirap pala ng ganito. Naiipit ka sa dalawang sitwasyon.

Sitwasyon na mahirap iwasan.

Sitwasyon na mahirap kalimutan.

“Hays” napabuntong hininga siya, nagpunas ng mata at tumayo.

“Tara na, Hatid na kita sa bahay niyo para makapagpahinga ka na rin”

Inalalayan niya ko maglakad papunta sa kotse niya. Medyo nakaakbay sya sakin pero not actually akbay.. Basta!! Inaalalayan ako.

Habang nagda-drive siya, nararamdaman kong ang sakit sakit na ng ulo ko sa kakaiyak.

Pati mata ko parang lumalabo na din. Namamaga na din siguro toh.

Feeling ko anumang oras, Mahihmatay na ko. Parang ang weak ko.. Ganito talaga ko pag umiiyak eh.

Kaya kung pwepwede, Minsan, Pinipigilan kong umiyak dahil nanghihina ako.

“Andito na tayo” sabi ni Mike.

Alam niya padin pala kung san ako nakatira.

Binuksan ko na yung pinto at lumabas ng kotse niya. Di ko na hinintay na pagbuksan niya ko ng pinto.

Pero nung pagbaba ko, Nasa harapan ko na siya.

“Pumasok ka na, Magpahinga ka na ha :)” Oo! May smile talaga.

Gusto ko siyang pasalamatan kahit na ang sakit sakit na talaga ng ulo ko na parang gusto ko nalang talaga matulog.

“Thank y---“

The next thing i knew,

It all went black..

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon