Chapter 1

202 11 5
                                    

Sabrina Paraiso Reyes (victoria song) on the right side ----------------------------->

“Hoy baklita ka! Sumama ka na samin Mag mall! Isang linggo ka na nagkukulong dito sa kwarto mo! Iniwan ka lang ni Mike eh ganyan ka na!” Sigaw sakin ni Carm. Kauma-umaga binubulabog na ko nitong babaeng toh!

“Oo nga! Sumama ka na samin! Ipamuka mo sakanyang okay ka kahit iniwan ka nung loko-lokong Mike na yun!” Sabat ni Mich. Ugh! Ang ganda ng pambungad nila sakin ha!

“SHUT UP!” sigaw ko.

“Oo na! Sige na sasama na ko!” Para matahimik na din sila.

“Sa wakas!” Sabay nilang sinabi. Ayos ah. Kailangan sabay talga?

“Nakakamiss ka na kasi kasama gumala eh! Simula nung nangyari sainyo ni Mike di ka na samin madalas sumasama gumala! Nakakatampo ka na nga eh!”

“May tama ka dyan Mich!”

“Pwede ba wag niyong mabanggit banggit yung pangalan ng unggoy na yun sa harapan ko?” Sinabi ko sakanila ng inis na inis. Tumayo na ko sa pagkahiga ko sa kama. Nakatitig lang silang dalawa sakin.

“Okay,Sorry. Kung hindi na ko nakakasama sainyo pag gumagala kayo. Kaya nga babawi ako ngayon. :)” bigla silang dalawa ngumiti na parang batang binigyan ng lollipop.

Dumiretso na ko sa CR. Naligo,Nagtoothbrush,Nagsuot ng damit at nag ayos ayos ng buhok at muka.

Bumaba na ko para kumain. Kumakain na din pala si Mich at Carm. Sinabayan ko na din sila.

Ay tekaa! Hindi pa nga pala ko nakakapagpakilala..

Ako nga pala si Sabrina Paraiso Reyes. Saab (SAB) for short. I’m 16 years old. 4th year na ko bukas. Bukas na kasi yung pasukan. Nagaaral nga pala ko sa Assumption.  Si Mich at Carm, Bestfriend ko sila since 1st year ako. Michelle Cruz ang totoong pangalan ni Mich. Carmela Concepcion naman ang totoong pangalan ni Carm. Magkakalapit lang mga bahay namin kaya nga palagi sila nandito sa bahay halos dito narin sila natutulog.  Si Yaya Vangie at Mang Emil na driver nalang kasama ko dito sa bahay. Hiwalay na kasi ang parents ko. Yung Mommy at Ate ko, Nasa States. Dun kasi nagaaral yung Ate ko at dun din nagtatrabaho yung Mommy ko. Nurse siya. Yung Papa ko naman, May iba ng pamilya pero sinusustentuhan parin naman niya ko.

Si Mike? Yung unggoy na yun?  Pinagpustahan na nga ko, Niloko pa ko. Walanyang buhay toh. Almost 3 years na din kami nun. Nung nalaman kong pinagpustahan at niloko lang pala niya ko, Nakipagbreak na ko syempre. Ayoko namang magtanga-tangahan. Sa totoo lang, Hindi pa ko nakakamove on sakanya. Sobrang naiinis ako! Ang sarap niyang patayin! Bitter na kung bitter pero nakakainis talga siya!!

Ayun :) Siguro naman kilala niyo na ko.. :D

Habang kumakain..

“Oh? Bakit ganyan suot mo?” Sabi ni Carm na parang nagtataka.

“Bakit? Okay naman ah?” Sabi ko.

“Okay? Di ka naman ganyan magdamit dati ah?” Mich

Anu bang problema nila sa suot ko? Pantalon,Tshirt at Sneakers. Hays! Siguro nasanay na din sila sakin dati. Kasi ang mga sinusuot ko dati, Madalas, Short, Skinny Jeans or Dress tapos naka flats.. Bakit? Hindi na ba pwedeng magbago ng style?

“Hay nako! Tigilan niyo na nga ko.. Buti nga sasama pa ko sainyo eh”

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Nung natapos na kaming kumain, Magpapahatid na kami kay Mang Emil..

“Oh iha, San ka pupunta?”-Yaya Vangie

“Ah,Yaya mag ma-mall lang po kami :) Uuwi din po ako agad” Sabi ko.

“Ah, Osige magiingat kayo.”-Yaya Vangie

Sumakay na kami sa kotse.

Habang nasa byahe, Tinanong ko sila..

“Anu bang gagawin natin sa Mall? Magshoshopping ba kayo?”

“Hindi. Manunuod tayo ng Movie. Yung Every Breath You Take. Andun kasi si Papa P!” Sagot ni Mich na patay na patay kay Piolo Pascual.

“Ah. Okay. Libre ko na kayo. Since pambawi ko na rin sainyo” Sabi ko.

“YESS!” Sigaw nilang pareho. Basta Libre, Tuwang tuwa yang mga yan.

Nasa tapat na kami ng Mall at bumaba nadin kami.

Dumiretso na kami sa bilihan ng Ticket sa sine.

Habang nakapila kami..

Parang may nakita akong unggoy.

Namamalikmata lang ba ako o yung unggoy talga yun?...

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon