Chapter 2 First Day High!

143 6 1
                                    

“Si Mike oh!” Sabi ni Carm.

Oo nga. Tama nga ko. Yung unggoy nga yun. Parng may hinihintay siya. Sus, Bagong babaeng lolokohin lang niya nanaman yun..

“Oh,Wag masyadong titigan baka malusaw” Sabi ni Mich.

Bumili na kami ng Ticket at naglibot libot muna. May bibilhin din pala kasi si Carm na regalo para sa pamangkin niya..

Pagtapos naming maglibot libot at nakabili na rin si Carm ng regalo,

Sakto lang din yung oras at pumunta na kami sa bilihan ng Popcorn.. Si Mich na ang bumili..

Dumiretso na kami sa Sinehan.. Nagsimula na yung Movie.

Anu ba toh! Puro naman kissing scenes.. Pero nakakatawa din naman yung Movie.

Realization: Sino nga bang hindi magiging patay na patay kay Papa P diba? 6 pack abs tapos ang pogi pogi pa! Nako. Parang pati ako nahahawa na kay Mich.

Natapos na din yung Movie.. Nakalabas na din kami. Habang naglalakad..May nakasanggi sakin.

“Aray! Magdahan dahan naman kasi!” Ang sakit din nun ha.

“Sorry, Miss.” Tumingala ako. Kasi matangkad siya. Aba, Pogi naman pala eh. Tatanga-tanga lang.

Tumingin ako kay Mich at Carm na parang kinikilig. Huh? Ang aarti talga nitong mga babaeng toh.

“Okay lang. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo.” Nagsimula na kaming maglakad.. At nagpasundo narin kami kay Mang Emil.

Nakarating na rin kami sa wakas sa bahay namin..

Pagdating na pagdating namin diretso ako agad sa kwarto para magayos ng mga gamit ko para bukas.

Syempre, Excited ako. First day eh.

Sumunod sakin sila Mich at Carm.

“Oy, Baks, Ampogi ng nakasanggi sayo kanina ah! Fafa!!” Sabi ni Mich. Umiral nanaman ang kaartihan nito pag nakakakita ng pogi.

“Sus, Pogi nga tatanga tanga naman”

“Eto talaga, Napakamataray mo! Kung ako yun baka nagpadapa din ako para masalo niya ko. Odiba!!”

“Ikaw yun. Hindi ako.”

“Ganyan ka eh. Kaya ka nasasaktan.”

“Anung connect nun? Shut up.”

Hays. Naalala ko nanaman yung unggoy na yun..

“Lagot ka Mich, Baka umiyak nanaman yan.” Sabi ni Carm.

“Okay lang. Sanay na naman ako. Hindi naman ganun kadali magmove on. It takes time. Ang sakit sakit nung ginawa niya. Hindi ko nga alam kung pano pa kami tumagal kung pinagpustahan lang pala ko. Ang tanga tanga ko kasi hindi ko napansin yun.” Sabi ko. Naalala ko na naman kasi..

“Sorry. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo. Alam mo Saab, Normal lang naman yan. Makakaya mo yan! Ikaw pa!” Sabat ni Mich..

Pagtapos namin magdaldalan at naayos ko na rin yung mga gamit ko para bukas,

Umuwi na rin silang dalawa kasi magaayos na din sila ng mga gamit nila para bukas sa first day.

Hlatang excited kaming tatlo..

**KRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGG**

My gosh! Parang 2 hours lang ang tulog ko. Nakakairita naman yang alarm clock na yan. Oh well, Masanay na ko. Pasukan na kasi. Naligo na ko, Nagayos, Nagtoothbrush.. At nung okay na ko at ready na pumasok, Bumaba na ko para kumain ng almusal!

“Goodmorning Yaya, Good morning Mang Emil!!” Bati ko.

“Wow, Good mood si bakla!!” Huh? Andito na si Mich at Carm? Ang aga naman nila. Nakita ko sila sa sala. Tapos na din ata sila kumain.

“Ang aga niyo naman. Hindi halatang excited ah.” Asar ko sakanila

“Ganun talga pag first day!! Kaya bilisan mo na at wag ka ng magpabagal bagal dyan!” Sabi ni Carm.

Kumain na ko. Pagtapos nun nagpahatid na kami kay Mang Kanor. 

Nandito na kami sa tapat ng school. Woah, It’s good to be back. Wala namang pinagbago ang school. 

I wonder kung may mga transferee. Eh 4th year na naman..

Bumaba na kami. Pagtapos naming tignan ang section namin,

May nakita nanaman akong unggoy.

Bakit ba laging sulpot ng sulpot yan?!!

Hays! Badtrip nanaman! Ang ganda ganda na ng mood ko kanina eh.

Habang naglalakad kami sa hallway,

“Huy! Mga baks, Ano section niyo?” Tanong ni Mich.

“ST.AUGUSTINE” Sabay naming sinabi ni Carm.Nagkatinginan tuloy kami at nagtawanan.

“Ha? Ako din eh! Ayos! Magkakaklase tayo!” Nagapir kami.

Pumasok na kami sa klase namin. Umupo kami sa pinakadulo. As usual, Ako nanaman ang nasa dulo na may laging katabing vacant seat. Ayoko kasi ng may katabi ako. Nakakairita.

Pumasok na din yung magiging adviser namin. Wow. Parang bata pa masyado si Maam. Bagong teacher ata toh eh.

“Goodmorning Class! I’m Maam Rose David but you can call me Maam David. I’m a new teacher here so please be nice to me :) We have a transferee.”

Ano?Transferee?! 4th year na nagtransfer pa? Haynako. Sino naman kaya yun?

“Huy, May transferee daw. Baka pogi!!”- Mich.

“Oo nga! My gosh.”-Carm.

Hay nako. Umiral nanaman. Umingay na tuloy sa classroom nagtataka kung sino daw ba yung transferee.

“Class, Be Quiet.. “

Mr. Nate Julius, Come in.”

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon