Chapter 25 Hindi ka na ulit masasaktan

68 3 1
                                        

Author's Note: Kay Mike muna tayong POV :)) Siya nga pala yung nasa right side ----> 

Dedicated sa author ng SECRETLY MARRIED. Isa sa mga pinakapaborito kong story :DD

Mike’s POV.

Hi. Mike Tan nga pala. 17 years old. Enough na siguro yun para makilala niyo ko.

Andito ako ngayon sa bahay nila Saab.

Hinimatay kasi siya kanina eh.

Siguro dahil na rin sa sobrang pagod niya. Mukang hindi pa yata yun kumain eh kaya nahimatay.

Mga 3 hours na ko dito. Wala. Nanunuod lang ako ng tv. Naglalaro ng ipod..

Pero grabe, Nasaktan talaga siya sa ginawa nun ni Nate.

Loko loko din kasi yun eh.

 Kung hindi ko lang siya naging bestfriend, baka nabugbog ko na yun.

Oh yes, You’ve heard it right.

Bestfriend ko siya nung elementary kami.

Nung grade 6 ako, Lumipat ako dun sa school nila Saab.

Pero, Before ako lumipat dun, Nagaway kami ni Nate.

Kung bakit kami nagaway, Wag niyo na tanungin.

Walang kwentang bagay lang ang pinagawayan namin.

Nagtataka siguro kayo kung pano ko nalamang si Nate ang dahilan kung bakit nasasaktan si Saab noh?

Lagi ko kasing sinusundan si Saab.

Pero dahil best stalker ever ako, Hindi niya ko npapansin.

Kahit nga nagkakasalubong kami sa hallway, Hindi niya ko pinapansin.

Ang nakakainis lang kasi, Hindi kami parehas ng section.

Pag nakikita ko silang dalawa ni Nate na magkasama, Muka talagang masayang masaya si Saab pag kasama niya si Nate.

 Halatang halata naman sa mga mata nilang dalawa pag nagkakatinginan sila na mahal nila ang isa’t isa.

Yun narin siguro ang dahilan kung bakit hinayaan ko lang si Nate na diskartehan si Saab.

Kung bakit hinayaan ko lang na maging sila. Kasi tingin ko, Masaya si Saab pag kasama siya..

Pero...

Ipinangako ko namn sa sarili ko na pag nasaktan si Saab, Ako ang cocomfort sakanya.

 Ako ang magpapagaan ng loob niya.

Pero sinaktan na siya ni Nate. Aagawin ko na talaga si Saab.

Buong akala ko, Mahal na mahal talaga ni Nate si Saab eh.

Pero ginawa niya lang palang rebound tong si Saab.

Nirerebound niya lang yung taong mahal ko.

Lokohin niya lelang niya na kailangan niya ng space.

Bakit hindi pa siya nakipagbreak kay Saab?

Eh halata nmang gusto niya pa talaga balikan yung ex niya.

Alam kong hindi ganun kadaling mapalitan si Nate sa puso ni Saab.

Pero gagawin ko ang lahat para makuha ulit yung pwesto ko sa puso ni Saab.

Alam niyo namang lahat na hindi ko ginustong saktan si Saab diba? Alam niyo namang,

Minahal ko talaga si Saab eh.

Kaya ngayon, Babawi ako sakanya.

Masaya naman na ko dahil nasabi ko sakanya lahat lahat ng matagal ko ng gustong sabihin sakanya bago pa mahuli ang lahat.

Pagsisisihan mo toh Nate. pagsisisihan mong sinaktan mo si Saab.

Kung ang magasawa nga napaghihiwalay eh. Nagdidivorce..

Sila pa kaya?

“Oh Mike hindi ka pa ba aalis? Mukang mamaya pa yata magigising si Sabrina. Wag kang magalala, Ako nang bahala sakanya.”  sabi skin ni Yaya Vangie.

Andito kasi ko sa sala nila. Nagbabakasali na baka magising na si Saab at bumaba para makasigurado naman ako na okay na siya..

Pero mukang tama nga si Yaya Vangie na mamaya pa magigising yun.

Medyo nagulat pa nga si Yaya Vangie na ako ang nadatnan niyang nagbubuhat kay Saab papasok dito sa bahay nila eh.

Pero nagexplain naman ako kaya yun naintindihan naman niya.

Alam ko naman na deep inside, Medyo may tampo yan si Yaya Vangie dahil sinaktan ko si Saab.

Pero sabi ko nga, Babawi ako.

“Ah sige po. Salamat po ulit...

At sorry po”

Pagkatapos kong sabihin yun, Dapat tatayo na ko at lalabas pero..

“Yaya? Mike?” nakita ko si Saab na pababa sa hagdan nila.

Ang ganda talaga niya shet! Kaya ang hirap makamove on dito eh. Kahit ang simple lang ng damit tapos bagong gising, Shet, Ang ganda pa din!

“Oh, Gising ka na pala iha. Kumain ka na, Punta ka nalang sa kusina” sabi ni Yaya Vangie at pumunta sa kitchen.

Ipaghahanda na ata si Saab ng makakain nya.

“Ugh... Sige Saab, Mauna na ko ha. Okay ka na din naman. Nahimatay ka lang siguro sa sobrang pagod” sabi ko sakanya.

“Okay” yun lang ang sinabi niya at naglakad na rin ako papnta dun sa pinto para lumabas na din.

Hawak ko na yung door knob, Pero bago pa ko makalabas..

“Mike!” tawag ako ni Saab.

“Salamat. Ingat ka”

Nginitian ko siya ng pagkalaki laki. Tapos lumabas na din ako.

Habang nagdadrive ako papunta sa bahay,

Hindi parin mapawi yung ngiti sa mga labi ko.

Paulit ulit yung sinabi ni Saab sa ulo ko.

Salamat. Ingat ka”

Salamat. Ingat ka”

Salamat. Ingat ka”

Saab. Talagang magiingat ako dahil..

Babawiin pa kita kay Nate at sinisiguro kong hindi ka na ulit masasaktan.

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon