Chapter 23 Thank you for the broken heart

92 5 2
                                        

AUTHOR'S NOTE: Sorry late update. Sa school ko toh ginagawa eh :) Nakipagaway pa ko sa mga classmates ko kasi binabasa nila ng malakas pag nakukuha nila yung papel na pinagsusulatan ko ng chapter na toh. Kaya hindi ako mahanap ng pwesto kung san ung di nila ko papakelaman. Eh sa bahay diretso tulog at homeworks lang ako. Astig dbuh? Pero okay na toh, Kesa naman walang ginagawa. Yun lang. SHARE! =) HAHAHA. 

Dedicated nga ulit pala sa idol ko. Sana mapnsin nya toh :) I love her story TBYD AND NTBG :) 

*Chapter 23*

Siya lang naman si

Mike.

Napatulala ako sakanya. Nagtitigan kami.

Ang mga mata niya. Hindi parn nagbago. Napakaganda pa din. Pero kahit ganun, Hindi ko pa din nakalimutan ang mga gnawa niya sakin.

Hanggang sa natauhan nalang ako at napatayo ako.

“Anong *sniff* ginagawa mo *sniff* dito?” tanong ko sakanya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya kong niyakap.

“Sabi ko naman sayo poprotektahan kita diba? Ayokong nakikita kang malungkot.” Poprotektahan eh siya mismo ang nakasakit sakin. Ayaw makitang malungkot eh siya ang dahilan nung pagiging malungkot ko ng halos ilang buwan.

“Pag okay ka na, Pag handa ka ng makinig saakin, Pag wala na lahat ng sakit, magpapaliwanag ako. Pero hayaan mo muna akong protektahan at icomfort ka ngayon.”

Hindi na ako nakasagot at bumitaw na siya sa pagkayakap niya. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto ng kotse.

Tinignan ko kung ano yun at nakita ko si Mike na sinenyasan akong pumasok sa loob ng kotse niya. Aba ayos toh ah. May student’s license na. Dati kasi hindi siya binibilhan ng kotse dahil wala pa siyang student’s license.

Pumasok naman an ako at nagdrive na din siya. Umiiyak pa din ako pero hindi na grabe katulad kanina.

Ewan ko kung bakit ganito siya saakin.

Ewan ko kung bakit gusto niya kong icomfort. Kung bakit gusto niya kong protektahan.

Baka naman bumalik lang siya kasi may pustahan nanaman sila at involved nanaman ako.

Baka naman wala lang siyang magawa kaya niya ginagawa ito.

Baka naman....

“Andito na tayo” bumaba na siya.

Dapat bababa na din ako pero bigla nalang bumukas yung pinto. Pinagbuksan niya na ko. Ang bilis naman niya.

Nandito kami sa isang place na hindi ko maexplain kung park ba kasi napaktahimik.

Konti konti lang din yung tao. Napakapeaceful eh.

SInusundan ko lang siya sa paglakad niya. Wala naman yata siyang gagawing masama diba.

Napahinto nalang ako dahil huminto din siya sa tapat ng isang bench na katabi ay wishing well. I guess kailangan ko na ditong umupo.

Umupo na ko dun at umupo na din siya sa tabi ko.

Tahimik lang kami parehas. Hanggang sa humagulgol nanaman ako dahil sa nakita ko.

Nakita ko sina Nate at Nica na naglalakad. Magkasama nanaman sila. Medyo malayo sila kaya malabong makita nila ako.

Nagtatawanan sila. Mukang ang saya saya talaga ni Nate pag kasama niya si Nica.

Nagulat nalang ako ng may lumuhod sa harapan ko. Si Mike.

“Wag mo silang tignan” hinawkan niya ang kamay ko at hinahaplos haplos.

Tumayo siya at niyakap niya ko.

“Nandito lang ako. Ang mga balikat ko. Iyakan mo lang. Libreng libre yan”

Ano ba toh. Lalo niya kong pinapaiyak eh. Hindi niya ba alam na pag pinpigilan mo ang mga iyak mo tapos may isang taong yumakap at nagcocomfort sayo eh talagang maiiyak ka na?

Mga 2 minutes siguro siyang nakayap saakin at ako naman eh iyak ng iyak. Agad naman akong humiwalay sa pagkayakap niya dahil medyo okay na ako at naisip ko din na bakit ba ko pumapayag na icomfort ako ng taong ito eh kung hindi naman niya ko niloko, hindi mangyayari sakin to.

Ngayon, handa na kong makinig sa mga paliwanag niya kahit hindi parin talaga ko okay.

Naupo siya sa tabi ko pagkatapos kong humiwalay sa yakap niya.

“Okay ka na ba?” tanong niya sakin. nag nod lang ako.

Saglit kaming natahimik. Nagpunas punas ako ng mga luha ko at inayos ko ang buhok ko. Tatanungin ko na siya kung bakit niya ginagawa itong mga toh saakin.

“Bakit?” Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

“Kasi mahal kita”

“Ang gulo mo”

“Gusto mo na bang magpaliwanag ako ngayon?”

Nad nod lang ako at tumingin sakanya.

“Okay ka na ba talaga?” nag nod lang ulit ako.

“Ayos lang saakin kung hindi ka pa okay. Maghihintay ako hanggang sa maging okay ka na.”

“Okay na nga ako”

Nagsigh siya. Tumingin siya saakin. Diretso sa mga mata ko.

“Gusto ko sanang humingi ng dalawang favor”

“Ano naman?”

“Una, Wag kang magwawalk out.”

“Okay”

“Pangalawa, Makinig ka lang saakin. Hayaan mo muna akong magsalita”

Nag nod lang ako. Masunurin ako. Sabi niya siya daw muna magsasalita. Sulitin na niya yan dahil ito na ang una at huling makikinig ako sa mga paliwanag niya.

“Alam ko, Aaminin ko. Pumusta ko. Pero ang pustahan namin, One year lang yun dapat. Siguro iniisip mo naa kaya ko pa pinatagal ng three years para lalo kang masaktan. Pero hindi yun Saab, Hinding hindi. Sa mga araw na magkasama tayo, sa one year na yun, Unti unti kong narealize na palagi mo kong napapasaya, na lagi kang gumagawa ng way para maging okay ako. Pag nagkakaproblema ako sa tropa.. Na lagi kang nandyan para saakin.”

Gulong gulo na ako sa mga sinasabi niya. Nakatitig lang ako sakanya at hindi nagrereact kahit na react ng react ang isip ko.

Hinaplos niya ang mukha niya na parang nanghihinayang.

“Narealize kong... Minahal at mahal na mahal padin kita”

Hindi ko alam pero parang nagsimula nanamang mangilid ng mga tubig sa mga mata ko.

Okay. Alright. I admit, Umiiyak na naman ako. Two painful problems in one day? I’d rather die.

“Hindi ko tinupad yung pustahan namin na pag nag one year tayo eh iiwan na dapat kita. Hindi ko yun tinuupad kasi hindi ko kaya. Napamahal ka na sakin Saab, Ayokong iwan kita kasi kahit ako, Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin. Kaso lang...”

May sinipa siya sa harapan niya. Ewan ko kung ano yun. Baka bato.

Nung humarap siya saakin,

Nagulat ako.

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon