Chapter 26

80 3 4
                                    

AUTHOR'S NOTE: Yey! 1,000+ reads na :) Thank you sa mga readers ^^ Hihihi. Nga pala! Support niyo yung story na INNOCENT EYES.. Story ng friend ko :))) Dedicated toh sakanya. Hahaha. Pangalawang dedication na ^^ 

Saab’s POV

“Salamat. Ingat ka”

And with that, Umalis na si Mike.

Pumunta na rin ako sa Kitchen. habang kumakain ako, napapansin ko si yaya vangie na tingin ng tingin sakin. Nakakailang lang.

Mukhang nagegets ko naman kung bakit siya ganun. Siguro nagaalala toh si yaya sakin. Nagtataka na rin siguro kung bakit si Mike ang kasama ko.

“Ugh. Yaya, Nakakailang”

I heard yaya giggle.

“Pasensya na. Pero bakit ka nahimatay iha? Hindi ka ba kumain nung lunch niyo? Kumain ka naman diba bago ka pumasok?”

Ratatata.... Yan ang bilis ng pagsasalita ni yaya. Confirmed na nagaalala nga si Yaya.

“Woah woah! Easy lang yaya. Opo kumain naman po ako. Pero kasi ano eh...”

Sasabihin ko ba kay yaya na umiyak ako o hindi?

“Ah okay sige.. Basta iha iingatan mo ang sarili mo ha malalagot ako nyan sa mommy mo pag may nangyaring masama sayo eh.”

“Si yaya naman alalang alala. Opo magiingat na po ako”

“Osige. Matanong ko lang iha, Bakit si Mike ang naghatid sayo?”

Ughhh..

“Ahhh... Eh....”

“Haha osige iha dun muna ko sa sala”

Phew! Pinagpatuloy ko na pagkain ko. May balak pa kong gawin eh.

Pagtapos kong kumain, may kinuha ako sa refrigerator namin. Inayos ko na din yung lutuan para ready na. Lagay ng oil and lastly,

Ilagay at iluto ang...

FRENCHFRIES!!! *O*

Wala lang gusto ko lang magluto ng frenchfries. Pampatanggal lungkot.

Lagi kaming may stock ng fries kasi alam naman nila mommy na favorite ko ang frenchfries.

Ayoko naman magpaluto pa kay yaya dahil kaya ko na naman din toh iluto. Kaso.

“Oh iha! Nako ako na dyan!”

“Ako na po yaya kaya ko naman po eh”

“Hindi pwede.. kailangan mo magpahinga”

“Pero..”

“Ah basta umakyat ka na dun at ako na magluluto nyan. Iaakyat ko nalang ito pag luto na.”

“Ah sige po salamat”

Ano pa bang magagawa ko? Eh mapilit si yaya. Pero okay lang concern lang naman siya eh. Kaya mahal na mahal ko yan eh :)

Umakyat na ko sa kwarto at nagstay lang ako sa terrace.

Nagmuni muni...

Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina.

Si Nate.. Bakit ganun siya?

Heto nanaman ako!

Umiiyak nanaman. Parang kanina lang ibinuhos ko na lahat.

Pero bakit parang kusa nalang lumalabas mga luha ko? Hindi ba toh nauubos? :(

Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana?

Kung sino pa yung unang nakasakit sakin, Siya yung nandyan para icomfort ako sa kasunod na nasaktan ako.

Nagsalamat ako kay Mike kanina dahil yun naman talaga ang dapat.

Salamat dahil nandun siya at pinagaan niya ang loob ko.

Although masakit padin, Pero nabawasan naman kahit papano.z

Yung nagexplain siya tungkol dun sa.. Samen.. Dati..

Pinapatawad ko naman siya pero hindi parin buo yun. ewan ko. Siguro dahil n din halo halo yung mga nararamdaman ko ngayon.

Una kay Nate sunod naman yung sakanya.

Yung kay Nate ang masakit eh.

Sobrang sakit.

Yung kay Mike naman parang nawala yung galit ko sakanya dati pati yung pain na matagal ng nandito sa puso ko dahil sakanya. Parang nawala yung bitterness.

Pero hindi ko parin makakalimutan yung ginawa nya dahil yung nararamadamn ko ngayon dahil kay Nate, Ganun ang nararamdaman ko dati dahil kay Mike.

Mdali lang talaga magpatawad.. Ang mahirap eh yung makalimot.

“Iha, eto na ang fries mo. Pumasok na ko kasi bukas naman na ang pintuan.”

Bago ko humarap kay yaya, Pinunasan ko muna yung mata ko. Buti nalang medyo nakatalikod ako at di niya nakitang umiyak ako.

Inabot na sakin ni yaya yung plato na may fries.

“Salamat po” Tinanggap ko naman at inilapag sa table.

“Sige baba na ko tawagin mo nalang ako ha pag tapos mo na kainin yan para maibaba ko na yang plato”

“Ah ako na po magbababa nito”

“Sige. Umiyak ka ba iha?”

“Ah hindi po! Napuwing po kasi ako. Hehehe”

“Ah. Okay. Sige goodnight”

“Goodnight din po”

Pagkaalis ni yaya ninamnam ko na yung fries ko. Para kong hindi nakakain ng fries ng ilang taon.

*BZZZT*

Istorbo naman kumakain ako.

Pero kinuha ko padin yung cellphone ko sa drawer tapos bumalik sa terrace.

Pagkaupong pagkaupo ko naman tinignan ko na kung sino yung nagtext.

6 messages received na pala at take note! Puro gm lang. Pero ang pinakanakaagaw ng atensyon ko eh eto.

From: Mike

Minsan ang love napakadaya. Kung kelan masaya ka na chaka naman nagkakaron ng problema. At minsan, yung problemang yun, Yun na ang posibleng dahilan ng pagiging back to zero niyo a.k.a. STRANGERS.

goodevening ebribudyy!

text? :)

-GM

Parang natamaan naman ako dun sa GM ni Mike. Ayoko ng umiyak ha! Psh... Btw, Qumo-quotable quotes na siya ha infairness.

Pinagpatuloy ko naman yung pagkain ko ng napakasarap na frenchfries at pagtapos ay ibinaba ko na rin yung plato.

Ginawa ko na ang mga seremonyas ko bago matulog at nung tapos na, ayun!

Bagsak na ko.

Hays. Sana bukas wala ng problema. I know everything will be alright. Maybe not today but hopefully it will be tomorrow..

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon