Chapter 9 Late

99 5 0
                                        

*Toktok*

*Toktok*

*Toktok*

*Toktok*

“Sino yan?” Tss. Sino ba yang asungot na yan? Ang aga pa ah!!

Hindi pa nga nagaalarm ung alarm clock ko eh..

Biglang bumukas yung pinto.

“Gising na. 6 am na.”

“HA?!!” Napatayo ako bigla at nakita ko kung sino yung nagsalita..

“NATE? Bakit ka nandito? Sino nagpapasok sayo?”

“Pinapasok na ko ni Tita. Hindi ka pa daw kasi gumising eh kanina pa daw sila katok ng katok. Kaya pinapasok nila ko dito. Tulog mantika ka ah.”

Errrrr. Hala. I need to rush. Nakakainis naman! Ayoko sa lahat yung nagmamadali eh.. Hmp!

“Ahh. Tsk. Inis. Sige, Hintayin mo nalang ako sa baba.. Saglit lang ako promise.”

“No need to rush, Okay lang nman kahit late tayo ng first subject”

“Eh! Basta. Hintayin mo nalang ako sa baba ha.. Saglit lang tlga ko”

“Tss.Osige. Bahala ka.”

Bumaba na siya at dali dali akong pumunta sa cr..

Naligo,Nagtoothbrush at nagbihis na rin.. Kahit basa basa pa ung buhok ko, Nilugay ko nalang. Tss. Hindi ako sanay ng nakatali eh. Konting ayos,ayos.. Pabango.. and.. Gora na mga te!

Tumakbo ko pababa.. Nakita ko si Mommy at Ate nagaalmusal palang..

Uminom lang ako konti ng gatas at dinala ko nalang ung isang ham sandwich na pinainit pa ni Yaya Vangie.

Kasi understood na yun na pag nalalate ako, Sa school na ko nagaalmusal..

“bye mommy and ate!”

“oh,ingat ka sis!”

OOOOOOOPS!

Bigla kong nadulas!! Er. Bakit ba ang malas ko ngayon?

Buti nalang nasalo agad ako ni Nate!!

“AAAAAAAAAAAH!” Napasigaw ako sa sobrang inis.

“Oh,Anak sabi naman ng ate mo magingat ka alam mo namang medyo madulas dito. Sige na umalis na kayo at mlalate pa kyo. Magingat kayo ha.”

Hinila ko na si Nate at tumakbo na ko papunta sa kotse niya.. Nung nakapasok na kami nagsimula na din magdrive si Nate.. Habang nasa byahe..

“Ganyan ka pala pag nagmamadali noh.”

“Bakit?”

“Nadudulas.. At halatang naiinis ka. Kanina pa nakalukot yang muka mo oh. Ngumiti ka naman.”

“Tsk! Nakakainis namn kse ung alarm clock.”

“Sinisi pa ung alarm clock?”

“Bibili na nga ko mamaya ng alarm clock! Yung automatic!!”

“Sige. Samahan kita mamaya.  Ngumiti ka na, Sayang ganda mo.”

Ugh?! Hindi nalang ako nagsalita.. At ngumiti na din. Hays. Ang laking tulong ni Nate.

Nakakainis naman kasi tlga dba? Nagmamadali ka tapos madudulas ka pa. Ang clumsy ko talaga!!

Nandito na kami sa School. Halatang lahat ng tao ay nagkaklase na. Psh.

Nagmadali kami ni Nate pumunta sa room. At sa hallway, Pinagtitinginan kami..

Glass door kasi ung mga rooms dito kaya kitang kita ung labas.. Awkward!! Andito na kami sa room...

“Goodmorning Maam.. We’re sorry we’re late” Sabay naming sinabi ni Nate ng nakatungo.

“Bakit kayo late?”

“Ugh...” Pag snabi ko namang late ng gising hindi tatanggapin un ni Maam..

“Nasira po kasi yung kotse while we’re on our way. Kaya pinaayos muna namin kaya po kami natagalan..”

“Ah. Pero bakit sabay kayo?”

“Hatid sundo ko po si Saab.”

“Bakit? Driver ka nya?” Nagtawanan ung mga classmates ko. Ugh. Napahiya pa tuloy si Nate! Sorry Nate :(

“No. Masama bang magoffer ng ride?”

“Ah. Okay. Ayoko ng mauulit ito ha?”

“Yes maam.”

Dumiretso na kami sa upuan naming dalawa ni Nate. At sila Mich,Carm ay nakatingin sakin.. Nakakalokong tingin!!

Si Mack,Apple at Nate naman nagdaldalan nanaman.. Late na nga kami, Nakikipagdaldalan pa toh si Nate..

“Oy bakla ka! Bakit naman kayo nalate?” Tanung na pabulong ni Mich.

“Ah, Nalate kasi ko ng gising eh.” sagot ko..

“Hmmm.. Okay.”

Nakinig na ko sa teacher namin.. Pati din si Mich at Carm.

Si Mack,Apple at Nate naman hindi parin tapos sa pagdadaldalan. Hindi tlga sila nawawalan ng paguusapan eno??

Buti hndi sila napapagalitan.. Mga good looking kasi..

Kaya siguro pati mga teachers may gusto sakanila kaya hindi sila sinasaway..

Napansin ko na habang naguusap sila, Sumusulyap sila saking tatlo. Ako ba pinaguusapan nila?? At ano namang meron sakin?!! Tss..

Umalis na yung teacher namin sa P.E. at pinapunta na kami sa Gym para magpractice.. Palagi na daw ganito ang schedule namin.. Konting steps pa lang ang nagagawa namin. Syempre, Mahirap gumawa ng maraming steps sa iisang araw..

Medyo nakakailang lang yung steps namin sa chorus.. Kasi nakahawak yung boys sa waist namin tapos kaming girls naka spread yung arms namin tapos bigla kaming parang tutumba at sobrang magkalapit yung mga mukha namin ni Nate.

May step din kami na hindi naghihiwalay ang mga kamay namin. I never held hands with a boy like this na sobrang matagal. Except kay.. Alam niyo na.

*KRING!*

Lunch na. Sakto. Pagod na din kasi kami eh. Ang init din dito sa Gym kasi wala namang aircon dito noh. Nagkayayaan na kaming bumili ng pagkain.. May dala kong suklay at tali.. Habang nasa hagdan kami pababa na ng canteen..

“Saab bakit may dala kang suklay at tali?” Tanung ni Carm.

Stuck With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon