Author's Note: Dedicated nga pala sa latest na nagfan sakin :3 Hihi. Thank you!
*KRING*
Bell na pala.
“Bakla, Ano? Sabay ka ba?” Sabi ni Mich sakin habang kinukuha niya pera niya sa bag niya.
“Tinatamad ako bumaba eh. Bilhan niyo nalang ako” Ayoko talaga bumaba eh. Ewan ko ba.
“Aba ayos toh ah, Ano kami utusan?” Sabi sakin ni Carm ng nakacross arms pa.
“Sige na please? Bibili niyo ko o bibili niyo ko?” Puppy eyes *_* Please sana gumana!!
“Fine. Pambawi na din namin kasi pinatulog mo kami sainyo” Sabay nilang sinabi with matching irap pa sakin at bumaba na din.
Ooh that. Buti nalang talaga at nangyari na pinatulog ko sla sa bahay. Kung hindi baka hindi sila pumayag na ibili ako ng pagkain. Nung umaga naman nun eh maaga silang nagising para bumalik sa bahay nila at magready for school.
Okay.Back to reality.
Ako?nakatingin lang sa labas. Tinitignan lahat ng mga taong dumadaan sa corridor. Nakatunganga. Hindi naman ako magisa dito sa classroom since may mga kumakain din naman dito sa loob. Kaya hindi nila iisipin na nababaliw na ako. Maybe yes, err. no. Nakatunganga lang nababaliw na?
Hays. Magkakamukha na ata yung mga tao na nakikita ko sa labas eh.
Maliban nlang sa dalawang yun..
Oh wait...
This can’t be happening.
Bakit magkasama sila?
Bakit nandito sa school yang babaeng yan?
*BLAG*
Napatingin naman lahat ng taong nagdadaanan sa corridor sakin.
Nandito na pala ko sa labas. Accidentally napalakas yung pagbukas ko ng pintuan ng room namin.
“Saab?” nasa harapan ko na pala si Nate
“Oh, Hi there!” sabi ni Nica.
“B-ba.. Bakit?” yun nalang ang nasabi ko. Nagets naman siguro nilang dalawa yun diba?
“To let you know, Nagtransfer na ko. Akalain mo nga naman, Magiging classmate ko pa si Nate” aba iniinis ako neto ni Nica ha.
Keep Calm Saab. Inhale. Exhale.
Pumasok na ko sa loob ng classroom namin. Tingin ko naman nakuha ko na yung sagot sa tanong ko. Alright. Lumipat siya dito sa school namin. At classmate pa ni Nate? Magkasama pa sila?
Oh no.
Naguguluhan na talaga ko ha. Kakausapin ko na talaga si Nate to make things clear. I’m still his girlfriend after all. Hindi naman pwedeng basta bastang makikita ko nalang siya kasama yung ex niya without knowing the reason why.
“Hoy! Alam mo na ba?” Katabi ko na pala si Mich.
“Yeah”
“So, Ano balak mo?” Sabat naman ni Carm na umayos ng upo at humarap sakin.
“I’ll talk to Nate”
“Okay. Support kita! Go Saab! Fight for your love!!” Mukang tanga naman toh si Mich at tumayo sa upuan at para bang naging statue of liberty.
Ngumiti nalang ako ng pakeme. Kinain ko na yung binili nilang dalawa sakin. Donut. Okay na din.
Pagtapos kong kumain sakto namang dumating na yung teacher namin.
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Teen FictionWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
