Nakita kong lumalapit sakin sina Mich at Carm. Nakikita ko sila dahil yung right hand ko sa bibig ko lang nakatakip habang umiiyak. Bago sila magsalita, Nagbuntong hininga muna sila at nginitian ako ng sobrang lapad.
“Bakla ka! Tahan na!”
“Oo nga, Di yan magugustuhan ni Nate na umiiyak ka!”
“Ang saya ko lang. Sobra.”
“We know!” Sabay nilang sinabi. Habang ako nakatayo padin at hindi alam kung anong gagawin.
Niyakap ko sila dahil alam kong parte sila nito. At hinug naman nila ko pabalik. Ang swerte ko lang na nagkaron ako ng kaibigan katulad nila.
“HAHAHA! Yea boy, Di ka pala torpe eh” Narinig ko sa di kalayuan. Nakita ko sina Mack,Apple at Nate papalapit samin. At nakita kong wala na yung mga instruments na ginamit nila. Inayos na nila siguro.
“Pano ba yan Saab, Ililibre mo kami.” Sabi sakin ni Apple na parang nangaasar na ngiti.
“Ha?” Sabi ko. Bakit ko naman sila ililibre?
“Eh kasi kailangan mo kaming ligawan. Ligaw na yun ung pag libre mo samin.”
Aba. Hmf. Di na ko sumagot dahil gets ko na din naman. Kailangan ko silang ligawan dahil mga kaibigan sila ni Nate at dapat magustuhan nila ko. Yun naman yun diba? Pero kahit na ano pa, Ililibre ko pa din sila sa effort na ginawa nila.
“Hoy ikaw Nate!” Dinuduro duro ni Carm si Nate. Yung expression naman ng muka ni Nate, Parang nanlaki yung mata niya na parang tumaas naman yung isang kilay. Taray. XD
“Hoy,Ako si Nate. Wag na wag ko sasaktan ang kaibigan niyo dahil kung hindi lagot ako sainyo. Wag na wag kong magawang mapaiyak ang kaibigan niyo dahil kung hindi kayo ang magpapaiyak sakin.”
Natawa naman ako kay Nate. Lahat kami natawa. Haha. Alam na alam na niya.
“Alam ko na yang mga linya niyong mga kaibigan pag may bagong boyfriend yung kaibigan nila” Sagot ni Nate ng nakangiting nangaasar kay Carm at Mich.
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Teen FictionWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
