Bumaba na kami.. Sinabi ko kay Mich at Carm na samahan muna ako maghintay kay Mang Emil. Nung papalpit na kami sa gate nandun sila Mack,Apple at Nate.
“Saab, Anu bang gnawa sayo nung tatlong chicks?”-Apple
“Chicks? Sinungaling yung mga yun.”
“Anu bang sabi?”-Mack
“Tanungin niyo yang kaibigan niyo na naniniwala sakanila.”
Tinignan nila si Nate at ako naman nakatingin sa gilid.
“Saab, Hindi naman ako naniniwala sakanila eh.”
Naglakad ako papunta sa kabilang gate. Bahala siya. Pero bago ako makarating dun, Hinila ni Nate yung kamay ko.
“Ano ba!”
“Saab, Kausapin mo naman ako”
“Bakit pa?”
“Hindi naman ako naniniwala sakanila eh!”
“Talaga lang? Eh kanina nga halatang naniniwla ka eh!”
“Saab, Kahit na merong nangyari sainyo nung EX mo....”
“WALA NGANG NANGYARI!!”
“Meron man o wala, Hindi parin naman magbabago tingin ko sayo Ikaw pa rin yung Saab na kilala ko.”
Nagbuntong hininga sya.
“Hindi naman ako agad naniwala sakanila kaya nga tinanung kita. Pero since sayo na din naman nanggaling na wala talagang nangyari, Edi okay. Malinaw na sakin ngayon.”
Tinignan ko lang siya. Muka namang sincere siya eh. Eh kasi naman, Kanina para tlgang naniwala siya.
Nagulat ako.. Ng bigla niya kong niyakap.. Ugh, Nasa gitna tayo ng grounds Nate!
“Wag ka na magalit sakin.”
“Oo na”
“Hindi ka na galit ah. Bati na tayo”
“Oo”
“Hindi naman kasi talaga ko nanini....”
“Oo na nga”
Niyakap niya ko ng mahigpit.
“BATI NA SILAAAAAA!” May sumigaw.
Huh? Sino naman kaya yun. Bigla kaming bumitaw sa pagkayakap namin.. Tinignan ko kung sino yung nagsalita.
Sila M-C-M-A pala. Kanina pa ba sila? So narinig nila lahat ng usapan namin? Pfft.
Ay, Hindi pala ko magpapahatid kay Nate. Mabuti ng sabihin ko sakanya.
“Nate, Hindi ako magpapahatid syo”
“Ha?Bakit? Akala ko ba hindi ka na galit sakin?”
“Hindi na nga. Magma-mall kasi kami nila Mommy kaya si Mang Emil susundo sakin”
“Ahh.. Okay sige. Magingat ka”
“HOLDING HAAAAANDS!” Tinignan ko sila M-C-M-A
Napatingin ako sa mga kamay namin. Eh? Bakit ba nakahawak pa din sya sa kamay ko? Bigla kaming bumitaw..
“Buti naman at bati na kayong dalawa!”-Mack
“Oo nga. Yumayakap ka pa kupal. Mga the moves!”-Apple
*BEEP!BEEP!*
Andyan na pala si Mang Emil.
“Andyan na sundo ko.”
“Sige,Bye Saab!”Sabi ni Mich at Carm at nagcheek to cheek kami.
“Bye! Wag ka na magalit kay repa nate ha?!”-Mack
“Oo nga.Bbye!!”-Apple
“Bye Saab. Ingat ka!”-Nate
“Bye.” sbi ko sakanila.. Pumasok na ko sa kotse at nagdrive na si Mang Emil. Nung nasa bahay kami binilisan ko na magbihis at dumiretso na kami ni Mang Emil sa mall.
Nung nasa mall na kami, Nakita ko na din sila Mommy at Ate..
Nagsimula na kaming maglibot libot at kung ano ano ang binili namin. Nagpakabusog dahil andami naming kinain. Hays. Namiss ko talaga sila.
But i miss my father more. 3 months na kami hindi nagkikita. yayain ko nga minsan si Daddy. Nung tapos na kaming magshopping at kumain, Tinawagan ni Mommy si Mang Emil para sunduin na kami. Nung nakarating na si Mang Emil, He drove us home na.
Nung nasa bahay na kami, Ako unang pumasok sa loob at dumiretso sa sala. Wew! Pagod na ko.
Pero may nakita ako sa lamesa sa sala..
CUPCAKES???!! Bawat cupcake may letter. Ganito ang ayos,
S O R R Y S A A B
“Yaya Vangieeee!” tinawag ko si yaya vangie para itanong kung kanino galing yun.
“Ay, Iha, Galing yan dun sa laging humahatid sundo sayo. Sorry gift daw”
“Awww! How sweet!!” Sabi ni Ate. Nasa likod ko nalang pala siya.
“Bakit Anak? Anu nangyari?” Pati pala si Mommy katabi ko na.
“Ah wala po Mommy. Nagkatampuhan lang kami.” Yun nalang snabi ko kasi baka pag nalaman nya yung totoong dahilan eh sugurin nya yung pretty trios.
“Ah. Ang sweet namn niya!” Sabi ni Mommy.
“Sis, Mukang masarap. SONJA’S CUPCAKES” Sonja’s Cupcakes. ... Favorite ko yuun ah? Pano kaya nya nalaman?!
“Kainin mo” Sabi ko kay Ate. Muka naamng gusto niya ng tikman..
Kinain na na nya yung isang cupcake pati si Mommy.. Ako din naman nakikain na din. Shet, Heaven talaga tong cupcake na toh. Ang sarap!
Pero natouch naman ako sa ginawa ni Nate. Hindi naman na niya kailangan magbigay pa ng “Sorry Gift” eh. Okay na naman kami kanina.
Pagkatapos kong kumain,
Pumunta na ko sa kwarto ko. Hndi ko na dinala yung mga binili namin ni Ate para sakin dahil dadalhin naman yun ni Yaya Vangie dito sa kwarto mamaya.
Nagtoothbrush at nagshower na ko para diretso tulog na rin. Pag higa ko sa kama, Naisipan kong magthank you kay Nate kaya naman kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
To: Nate Julius
Nate, Thank you sa Cupcakes. :)
*BZZZZZT!*
Nagreply agad? Ambilis ah.
-no prob! bsta ba hndi ka na glit skin e ;)-
-Hindi na naman tlga ko galit sayo nu.-
-buti nman. sorry ulit ha. hindi naman tlga ko naniniwala sakanila-
-Oo na. Paulit ulit ka-
-msma b? ayko lang ng nagglit ka skin-
-Bakit naman?-
-la lang-
-Pano mo nga pala nalaman na favorite ko yung Sonja’s Cupcakes?-
-bgo kse ko bmili tinanung ko mna sila carmela kng anu ba ang favorite cupcake mo-
-Ahh! Okay. Thank you ulit-
-no prob! sleep kna 10pm na po-
-Ay,Oo nga. Sige, Goodnight! :))-
-goodnight. sweetdreams! dream of me!-
-Dream of you?-
-joke lang. sige, goodnight :**-
Aba may pa kiss kiss emoticon pa siya. Hindi ko na siya nireplyan. Inaantok na din kasi ako eh. Napagod ako kakashopping. Goodnight readers.
Author's Note: Thank you so much pala sa mga nagbabasa! Haha! :D Yun lang. XD
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Teen FictionWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
