CHAPTER 30
Saab's POV
Hindi parin ako makagetover kahapon. Parang naeexcite tuloy ako ngayon sa mga pwedeng mangyari. Sana awlang mangyaring nakakalungkot nanaman. Sana yung mangyayari ngayon, yun na yung ikagagaan ng loob ko.
“Ay pusa!” sa pagmuni muni ko, natapilok ako. Ang tanga lang!
Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Wala lang. Trip ko lang. Ang lamig pa. Maaga pa naman kaya di ako mala-late.
May narinig naman akong tumawa ng mahina. Omy, multo :3 eeeeek. Eh maliwanag na naman eh :3
Lakad lang Saab. Wala kang narinig.
At may narinig nanaman ako. Waah kinakalibutan na talaga ako. Natatakot na ko ha.
“AAAAHHHH!!!” Napatakip nalang ako ng mukha nung may naramdaman akong humawak ng balikat ko.
“Uy, Saab! Sorry sorry”
Huh?
“Natakot ba kita? Sorry”
Unti unti ko namang tinanggal yung takip ko sa mukha at nakita ko naman kung sino yung naririnig kong tumatawa kanina.
Sa sobrang takot ko, sinuntok ko siya sa dibdib.
“Aray!!”
“Bwisit ka!!! Natakot ako!”
Tumawa nanaman siya. Ay, bastusan.
“Sorry na. Haha. Di ka parin talaga nagbabago. Nanununtok ka pdin pag natatakot ka.”
Okaaay. Awkward.
Onting katahimikan mga kaibigan. >.<
“Samahan na kita papunta sa school niyo”
“Bahala ka. Bat mo nga pala ako sinusundan?”
“Di kita sinusundan noh. Napadaan lang ako tapos nakita kitang natapilok. Masama kasing namumuni muni lalo na’t nasa kalsada ka. Pano nalang kung may dumaan palang kotse dyan tapos mabangga ka? Di mo ba naiisip yun?”
Woah. Andaming sinabi!
“Eh bakit tumawa ka!!”
“Natawa lang ako sa mukha mo.”
“Alam ko namang panget ako pag nagugulat eh.”
“No. I was laughing because you’re so cute”
“Alam ko”
Lol. Proud eh noh.
“Kanina sabi mo panget ka tapos nung sinabihan kita ng cute, alam mo? Ang gulo mo din eh”
“Ako pa magulo ah?”
“Syempre joke lang”
Silence agaaiiiinnn.....
“Namiss ko toh”
Ano naman daw yun?
“Ano?”
“Namiss ko yung usapan nating ganito”
*croo croo*
“Or should i say, namiss kita”
“Ah. Hehe namiss ko din yung ganung usapan natin”
“Wala na ba talaga?”
“Huh?”
“Wala na ba talagang pagasa?”
“Hindi ganun kadali yun”
“Joke lang. Alam ko namang wala na talaga eh. Tatanggapin ko nalang. Basta payagan mo lang akong maging kaibigan mo”
“Sure”
Actually, magulo parin talaga para sakin pero wala na naman akong tanong kaya lang kasi parang ang hirap intindihin? Ewan ko ba. Ang gulo. May mga bagay lang talaga na naiintindihan mo naman kaya lang hindi mo maiwasang mapaisip kung bakit nangyari ang mga bagay bagay
Di rin nagtagal, nakarating na kami dito sa tapat ng school. Nakakagulat lang dahil nakita kong may parang hinihintay si Nate sa gate ng school.
“Uy sige! Salamat sa paghatid” nagpaalam na din ako kay Mike
“Wala yun. Gusto mo araw arawin ko na paghatid sayo eh”
“Baliw! Abuso na yun! Hahaha”
“Di joke lang! Haha! Sige saab, Bye”
Naghiwalay na kami at tumawid na din siya. Nung naglalakad na ko papasok, may sumigaw.
“SAAB!”
huh?
“Oh?”
“INGAT KA HA! LILIGAWAN PA ULIT KITA”
O_o
Bigla akong napatalikod. Napatingin yun mga papasok na din sakin tapos may ilan pang nag “yyiiee”
Liligawan ULIT?
Nagulat ako dun ha. Lelang niya. Di na ko magpapaligaw sakanya. Ayoko na masaktan ng dahil nanaman sakanya. Nasasaktan na nga ko ngayon eh. Sasaktan niya pa ko sa future? Ay leche. Sobra na ah. Puro sakit. Quotang quota na ko eh!
Napalingon uli ako sa gate at wala na nga si Mike. Napatingin naman ako kay Nate at nagkatinginan pa kami. Nanlaki yung mata niya na parang nagulat pero saglit lang ay yung mata niya ay bumalik na sa parang walang pakialam sa mundong tingin. Less expression talaga.
Napabuntong hininga nalanga ko at naglakad na papunta sa classroom. Hay! Anu ba yan. Bakit naman ganun? Akala ko ako hinihintay niya eh akala ko makikipagbati na siay sakin eh. Di pa apla.. Waah ano ba Nate. Di ko na kinekeri ang mga happenings!
Maya maya may naamoy ako.
Ambango ah.
Napalingon ako sa gilid ko at...
O_O
“Pwede makisabay?”
Di nalanga ko sumagot at naglakad na papunta sa room.
Dugdugdug
Ano ba tong puso ko bakit parang kinakabahan. Siguro dahil naeexcite na ko na magbabati na kami.
Andito na ako sa tapat ng classroom. Papasok na sana ko kaya lang hinila niya yung wrist ko.
“Saab, pwede ba?”
Tinignan ko lang siya. Di ako sumagot.
“Pwede bang magusap tayo mamayang lunch?”
Nag nod lang ako at pumasok na ng classroom.
*Kring!*
Bell na. This is it.
Lunch na ngayon at di ko alam kung san ako pupunta.
“Saab!”
Lumapit siya sakin kaya lang kasabay niya pa sina Mich at Carm sa paglapit sakin.
“Ano naman kailangan mo kay Saab?”-Mich
“Kakausapin ko lang naman siya.”
“Siguraduhin mo lang! Pag nasaktan ULIT ito si Saab, wag na wag ka ng magpakita samin.”-Carm
Umoo lang siya at pinasunod niya na ako sakanya.
Sa paglalaakd namen, nakarating din kami sa likod ng school yung may benches. Dito rin sila nun nagusap ni Nica.
Author’s Note: OKAAY. Hanggang dito muna po. Hahaha sorry sa nabitin ^_^ Thankyou sa mga naghihintay ng update :’) Sorry busy lang po kasi sa school kasi malapit na yung summer eh. :) Kumusta naman ang title nitong chapter? HAHA! Yung pinapakinggan ko kasi habang tinatype ko toh eh "a thousand years" :) K.Share =)
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other
Teen FictionWhat if sobrang nasaktan ka na? Magmamahal ka pa ba? If ever magmahal ka ulit, maapektuhan kaya yung relationship niyong dalawa? Pano kung bumalik si EX? Ang daming tanong diba? Basahin mo nalang ito para malaman mo ang sagot :)
