CHAPTER 7: SECRET ADMIRER
Daevin's POV
"So anong plano naten?"
Nag-iisip kaming apat kung anong pwede naming gawin para mawala yung 'sumpa kuno' na nararanasan ko ngayon.
Sinong hindi magtataka at matatakot kapag sa kanila nangyari itong nararanasan ko na magteleport tuwing 3am.
Feeling ko tuloy ay nakulam ako.
"Natry mo na bang itali ang sarii mo sa kama mo? Yung parang BDSM? Hahaha!" Biglang natawa ni Vince sa sinabi niya. "Let's see kung mateleport ka pa din."
"Alam na alam ah. Gawain mo 'yun noh?" Pagbibiro ni Topher.
"Huy gago hindi." Cashual na sagot ni Vince
"Oo, ginawa ko 'yun kagabi." Medyo naiilang kong sambit. "Tinali ko yung sarili ko bago matulog pero paggising ko nasa katabi ko na naman si Glance. Nateleport pa rin ako." Sabay kamot ko sa ulo ko. "Ang weird nung idea pero sinubukan ko lang naman."
Muntikan pa nga kaming magsuntukan kanina ni Glance sa kwarto niya dahil sa pagteteleport ko. Inis na inis siya dahil may taong nasa tabi niya nang hindi niya nalalaman.
Kaya kami umabot sa point na 'to na nag-uusap usap sa field dahil iniisip namin kung paano mawawala 'tong problema ko.
"Hmmmm? Ikutin natin ang buong Manila para mahanap ang pinakamagaling na witch doctors." Suggest ni Gerdy.
"Okay! May kotse ka naman kaya madali na 'yon." Sagot naman ni Vince.
Medyo kinakabahan ako dito sa plano namin. Imagine, witch doctors ang hahanapin namin at hindi isang ordinaryong doctor lang. Malamang sa malamang may pagka-creepy ang mga offices nila, or laboratory.
"YES! Adventure na naman with friends!" May pagpalakpak pang nalalaman 'tong si Topher.
Umirap ako sa kanya at nagbuntong-hininga. Pota, anong adventure ang pinagsasasabi niya. Buhay ko ang nakasalalay dito hayerp.
"Sure ka na ba na gusto mo nang matigil 'tong nangyayari sa'yo? What if magamit mo yan as an advantage para talunin si Glance sa honors." Napaisip ako sa sinabi ni Gerdy.
Supportive talaga siya sa'kin para matalo ko si Glance.
Biglang pumasok sa isip ko 'yung napag-usapan namin ni Leo kahapon. Yung secret kuno ni Glance na maaari kong gamitin para mawala siya sa honors. Hindi ko nasagot yung tanong ni Gerdy dahil pinag-iisipan kong mabuti kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
Shit. Ang hirap magdecide. I'm torn between two things now. However, hindi pa naman kami sure kung makakahanap talaga kami ng cure sa probema ko ngayon. Haist!
Bago kami magpunta sa cafeteria para maglunch ay dumaan muna kami sa locker room. Doon ko nilagay lahat ng notebooks ko for morning class tapos mamaya after lunch ay kukunin ko naman lahat ng notebooks ko for afternoon class.
"Hala ano 'to?" Bakas sa mukha ni Vince ang pagtataka kaya napatingin kaming tatlo sa kung anong hawak niya.
"Wow Love Letter?" Masayang sambit ni Topher. "Gwapo mo pre!" Sabay sundot ng hintuturo niya sa tagiliran ni Vince.
"Tanga. Malay mo death threat yan." Pagbibiro ni Gerdy.
"Death Threat? Nasa scented stationary paper?" Napataas pa'ko ng isa kong kilay.
May pagkabastos man si Vince, maingay at makulet, pero hindi mo naman maipagkakaila na marami talagang nagkakagusto sa kanya.
Pero teka, sino namang gagawa ng love letter these days? Hindi siya corny para sakin, pero ngayon lang kase may nagbigay ng ganyan kay Vince.
Bahagyang napangiti si Vince habang inaamoy ang papel na hawak niya. "Mamaya ko na 'to babasahin. Pero kung sino man ang nagbigay nito, jojowain ko na agad."
"Jowa agad? Hindi mo pa nga nababasa 'yung nakasulat?" Biglang binatukan ni Topher si Vince pero mahina lang. "Malay mo listahan yan ng mga niloko mo tapos plano nilang kidnapin ka."
"Basag trip naman pota." Inirapan ni Vince si Topher. Inamoy niya ulit 'yung scented paper na hawak niya at binalik sa locker nito. "Mamaya ko na yan babasahin. Tara na nagugutom na'ko."
Sinarado ni Vince ang locker niya at nauna na sa paglalakad papunta sa cafeteria. At nagawa pang kumanta ni tanga. "Oohhh no more. Tapos na'kong magpakatanga."
(Jowable: Kim Molina)
Parang na-good vibes si Vince dahi sa love letter na natanggap niya ah. Sino kaya siya? Siya na ba ang magiging cupcake sa icing ni Vince?
**
BINABASA MO ANG
Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWin
Teen FictionDaevin found himself devastated after a guy named Glance outperformed him on the Top Students List. Moreover, he questionably found himself under a magical curse that could change his life forever. A curse that will unconsciously teleport himself du...